"Bakit wala ka sa bahay mo?"tanong ni Daniel sa babae na pinag leave nga niya sa work, dahil sa napagod nga niya ito."Kasi wala ako" sagot nito.
Napahilamos siya sa mukha.
"Pilosopo ka rin talaga no. Na saan ka?" sabi niya.
Expected niya na pag galing sa trabaho. Makikita na niya agad ito pag dating niya sa bahay nito. Pero na dismaya siya ng makita niya na naka kandado ito.
"Nasa Pampanga"
"Anong ginagawa mo sa Pampanga?"takang tanong niya.
"Nag skyranch"sagot nito.
"Sino kasama mo? Hindi mo man naisip na isama ako?"pagtatampong sabi niya.
Ang magaling na babae tumawa lang. He find it sexy. Every time he hear her laugh. Kaya napakagat labi siya.
"Kaya kita pinag leave para makapag pahinga ka. Hindi para mag puntang Pampanga"sabi niya. Medyo inis din kasi iya. He want bebe time with her. Even though they are not "bebe".
"Oh leave ko ito. Saka wala ako sa trabaho para sermunan ako"sabi pa nito.
Ito lang talaga yong babae na sumasagot sa kaniya.
"Tigas ng ulo mo"inis na sabi niya.
"Alangan hindi, di yong brain ko madaling ma-damage. Mag isip ka nga" sabi nito.
"Hintayin mo ako diyan"sabi niya bago pinatay ang tawag.
****
"Anong problema ng hudyo na yon"sabi ni Marona at uminom ng buko shake.
"Rona, saan naman next na rides?"tanong ni Zach.
Total wala siyang pasok at ito ay pwedeng mag leave kaya naisipan niyang ayain ito na mag skyranch.
"Hmm.. Loop roller coaster?"sabi ni Marona.
"Huwag naman diyan. Nakakahilo iyan. Baka bago tayo umuwi lutan-lutang ako"sabi ni Zach.
Natawa si Marona.
"Ito parang hindi lalaki. Saka ano ka ba minsan lang ito no. Minsan na nga lang tayo magkita"sabi ni Marona.
"O sige na. Tara na"pagsuko nito.
"Yes!" Sabi ni Marona at hinila si Zach papunta sa roller coaster.
"Ready!"sabi ni Marona ng nakaupo na sila.
"Ready!"sabi ni Zach na nakaikit ang mata.
Halos maduling sila at hilo sa sobrang bilis at pag ikot ng roller coaster. Sobrang diin din ng hawak nila sa nakaharang sa katawan nila.
"Ack!"
Nasuka si Zach dahil sa rides. Kaya tinatapik ni Marona ang likod nito. Dahil nga sa gwapo si Zach maraming tao ang napapatingin dito.
"Oy umayos ka. May chikababes oh. Tinitignan ka."sabi ni Marona.
"Eh ikaw kasi sumakay pa tayo ron"sabi ni Zach at nagpunas ng tissue sa bibig.
Napatingin si Marona sa langit. Gabi na rin at puno ng bituwinang langit idagdag pa ang nag gagandahang kulay sa paligid. Nag ring ang phone ni Zach.
"Excuse, Marona. I'll take this call"paalam nito.
Tumango naman siya at umupo sa bench. She is silently observing her surrounding. Nakikita niya ang larawan ng karangyaan ng mga tao. Some of people having expensive clothes. Sosyal magsalita. May makinis na balat. Nakita rin niya ang larawan ng saya at pagmamahal. Parents to children, gf to bf, husband to wife, friends to friends. Rinig niya rin ang ingay ng mga tao. Tawanan, iyakan at hiyawan.