"Hanggang ilang araw kayo rito?"tanong ni Ares.
Kasalukuyang nasa tabing dagat sila at nasa restaurant. Lunch break kasi nila sa team building. At inaya siya nitong maglunch. Hindi na rin siya tumanggi dahil nagugutom na rin siya. Nais din niyang lumayo kay Daniel. Naiimberna siya kapag nakikita niya ito at si Ichie. Nasisira lagi ang araw niya.
"Hindi ko pa alam eh. Ikaw ba?"tanong niya at uminom ng buko juice.
Ares is a nice guy. Ito ay may dugong espanyol at Amerikano. Pero sa Pilipinas ito lumiki dahil may dugo rin itong Filipino. Kung describe ang binata. Ito ay may makisig na matawan, matangkad, maputi, makinis ang balat, matangos ilong at may mapulang labi. Isama pa ang maganda at medyo mapungay na mata na kulay light brown. May makapal rin itong kilay at pilik mata.
"Hindi ko rin alam. Nakadepende kay Tita."sabi ni Ares.
Napag alamanan din niya na ahead lang siya ng isang taon rito.
"Kuya sayo muna si Riri"sabi ni Athena at inabot kay Ares.
Si Athena ay magandang bata. Ito ay maputi, makinis at may magandang mukha. Pero sa hula ni Marona magandang bata ito pag nagdalaga. At na kwento rin ni Ares na magpinsan lang sila nito. Ngunit ang alam ng bata ay totoong kapatid ni Ares ito.
"Si Kuya Kaleb na saan?"tanong ni Ares.
"Hindi ko po alam eh"sabi nito at umalis.
"Ang cute niya"sabi ni Marona.
"Yes, gusto mo hawakan?"tanong ni Ares.
Tumango siya at kinuha.
Ang lahi ng tuta na ito ay aspin ngunit mabalbon. Pero parang may halo na ring ibang lahi.
"May alaga rin ako. Kaso pusa naman. Ang pangalan niya Tiger"sabi ni Marona habang hinahaplos ang tuta.
"Nice, animal lover ka pala"sabi ni Ares.
"Yes"sagot ni Marona at ngumiti ng matamis
"Good afternoon, Mr. Mamoto"sabi ni Ares.
Kaya napalingon siya rito. Nakita niya na tinignan siya nito ng seryuso. At bumaling ang tingin niya sa kasama nito na si Vernice. Ngumiti ito sa kaniya. Kaya nginitian niya rin ito pabalik.
"Good afternoon too, Mr. Wilson. Nakakalimutan mo ata na may meeting tayo?"sabi ni Mr. Mamoto at formal ang itsura nito.
Kaya agad na napatingin si Ares sa wrist watch nito.
"Sorry, Mr. Mamoto. Nalibang lang"nakangiting sabi ni Ares at tumayo.
"No, problem"sabi ni Mr. Mamoto. Tapos bumaling ang tingin sa kaniya. "Hinahanap ka na ni Daniel. Baka mapraning na iyon. Pag hindi ka pa nakita"sabi nito sa kaniya.
Bigla tuloy siyang kinabahan.
"Sige, next time na lang ulit, Ares"sabi niya at ngumiti kay Ares.
"Ahm.. Wait"hinawakan siya nito sa kamay.
"Bakit?"tanong niya at napatingin kay Mr. Mamoto. Ang seryuso ng tingin nito. Bago bumalik ang tingin kay Ares. Nag aalangan pa ang itsura nito.
"Ang sungit mo ah!"rinig niyang sabi ni Vernice. At nakita niya na kinurot ito sa braso. Napangiti at hinalikan sa noo ni Mr. Mamoto si Vernice.
How I wish to have a healthy relationship. na isip ni Marona.
"Pwede bang sayo muna si Riri? kukunin ko rin after ng meeting"sabi ni Ares.
"Ok lang naman"sabi niya.
"Sige, thank you"sabi ni Ares at binigay kay Marona ang tuta.
****
Matapos ang palaro kanina. Bigla na lang nawala sa paningin ni Daniel si Marona. At sa lawak ng resort hindi niya ito makita. Gusto niya sana na sabay silang mag lunch. Habang naglalakad sa dalampasigan. Nakita niya ito na naglalakad habang hawak ang isang tuta. Nakahinga siya ng maluwag at tinakbo ang pagitan nila.
"Saan ka ng galing?"tanong niya.
"Secret no clue"sabi nito at iniwasan siya.
"Kanina pa kita hinahanap. Gusto ko makasabay ka sa lunch"sabi niya habang sinasabayan ang lakad nito.
"Pwede ka naman kumain na wala ako. Wala naman sa akin ang bibig, kamay at tiyan mo" sabi nito habang busy sa paghaplos sa tuta.
"Yeah, I know. Pero gusto ko kasama kita"sabi niya.
"Kumain ka kung kailan mo gusto"sabi nito.
Napahilamos siya sa mukha.
"Kumain ka na ba?"tanong niya na lang.
"Oo"sagot nito.
"Sino kasama mo? tinanong ko mga friends mo. Ang sabi nila hindi ka nila kasama"sabi niya.
"Kasama ko si Ares mag lunch. Inaya niya ako"sabi nito.
"Who's Ares?"biglang nagpantig tenga niya ng marinig ang pangalan ng lalaki.
"New friend ko na nagbakasyon dito"sabi ni Marona.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"tanong niya rito.
"Kailangan ba iyon?"balik tanong nito.
"RIRI!!!!"napatingin sila sa sumigaw. Ito ay si Athena. Tumakbo ito palapit sa kanila.
"Bakit na sayo si Riri ko!?"seryusong tanong ni Athena sa kaniya. Medyo nagtaas ito ng boses. Kaya medyo nagulat si Marona.
Sasabat sana siya. Kaso biglang nag salita si Marona.
"Ah may meeting ang kuya Ares mo eh. Kaya sa akin mo na raw. Pero kukunin naman niya pagtapos na ang meeting niya"paliwanag ni Marona sa malumanay na boses.
"Oh ok, akala ko kinuha mo basta. Sorry po kung nasigawan kita"sabi nito na halata sa mukha ang pagsisi.
"Don't worry. But next time wag basta mag judge ah. Mas ok na magtanong ka po muna"sabi ni Marona rito at hinaplos ang mahabang buhok.
"Yes po, Can I have her?"tanong nito at ngumiti.
Tumango si Marona at inabot dito.
"Bye Ate Marona"sabi nito at kumaway bago umalis.
"Nakikita kong magiging mabuti kang ina sa hinaharap"nakangiti niyang sabi. At maisip lang na magkakaanak sila nito. Kinikilig at sobrang nagagalak ang kaniyang puso.
"Ewan ko rin"sabi ni Marona.
Biglang kumulo ang tiyan niya. At napatingin sa kaniya si Marona.
"Hindi ka pa ba nag lunch?"tanong ni Marona.
"Oo, hinanap kasi kita para sabay na tayo"sabi niya.
"Next time, kumain ka na pag nagugutom ka na. Huwag mo na ako hintayin. Magkaka ulcer ka pa sa ginagawa mo"panenermon nito.
"Pwede ba na samahan mo ako kapag lunch?"tanong na lang niya.
"Hindi ko alam"sabi nito. "Tara na, sasamahan na kita kumain"dagdag nito.
Napangiti siya at umakbay rito habang naglalakad sila.