Lalong naiyak si Marona. Bumalik sa ala-ala niya ang mga panahon na masaya siya. Nung mga panahon na iyon. May pandemiya din. Panahon ng taghirap at mga nagkakamatayan ang mga tao. Nag scroll ulit siya. Pumapatak na rin ang luha sa mata niya.
"Susugal"natawa siya.
Tapos nakita niya yong LSM na sinend niya rito noon.
Good morning, sorry If I'm not good in saying my feelings towards you, but I know that even I don't know you personally. You already have a big impact to my life. I don't know what will happen in the future. And I know that is risky for us to try this kind of relationship. You know, we're both experienced failed relationship. And I'm honestly scared, because of my past. I don't want to feel that way again. But I'm stick to my words and what I told you about my feelings for you is true. Playing games and sugarcoating words are not my field. I know that you scared too, but you still try to take a risk. Sometimes I kinda shock because you are too bulgar. You are too expressive about what you felt. There's nothing wrong about that, because that's your personality. Stop na nga english. So iyon hehhee. Take care. I love you and I mean it.🙂 read well.
Naiyak na naman siya.
"Bakit kasi ang lambot mo"kausap niya sa sarili at sinusuntok ang dibdib.
Pagtapos ng pag amin niya. Doon na niya napansin sa messages nila na unti-unti na itong naging cold.
Nasa party chat sila. Kung saan pwede silang makipag usap sa mga taong papasok sa Party room. Siya ang admin nito. May pumasok sa isang babae.
"Pasensiya na. Kakaiyak ko lang. Nasasaktan kasi ako"sabi pa nito.
Binasa niya Ichie ang pangalan.
"Bakit?" Tanong ni Marona.
"Nasaktan kasi ako ng taong mahal ko"sabi nito at sumisinghot.
"Hayaan mo makakahanap ka rin."sabi ni Kuya Kulot. Nakilala lang nila.
"Hakdog, pm"sabi bigla ni Ichie.
Biglang natahimik si Marona. Simula nung insidente na yon sa party chat bigla na lang hindi nagparamdam si Hakdog sa kaniya.
"Ichie"sabi ni Marona.
Nang maalala kung saan niya narinig ang pangalan nito. Napatawa siya lalo. Kaya pala hawig sa ugali at itsura si Hakdog at Daniel. Kasi hindi nga siya nagkamali ng hinala rito. Kaya pala nung unang pasok nito sa office. Kung umakto ito parang kilala siya. All this time. Ilan beses na pala itong nagsinungaling sa kaniya. Sinaktan na naman siya nito sa pangalawang pagkakataon. Nang dahil sa iisang babae.
"Bakit ba ang tanga mo, Marona" sabi niya sa sarili.
Napatingin siya kay Tiger ng lumapit ito sa kaniya.
"Meow"sabi nito. Tipong pinapagaan ang loob niya. Lalo siyang naiyak at niyakap ang alaga.
****
Nagising si Marona sa puting kwarto. Naamoy niya rin ang gamot.
"Buti gising ka na anak" napatingin siya sa nagsalita.
"Ma, anong ginagawa mo rito. Bakit ako nasa hospital?"tanong niya at umupo.
"Emotional stress ka, Ms. Custillas" sabi ng doctor."Isama pa ang kulang sa tulog, nalipasan ng gutom, hindi sapat na pag inom ng tubig. Kaya ka hinimatay"dagdag pa nito.
Mahaba ang buhok nito na kulot na kulay black at naka doctor suit ito. Gwapo rin ang doctor. May makinis na puting balat, matangos ang ilong, magandang mata, makapal na pilik mata at kilay. May pula rin itong labi. Biniyayaan din ito ng tangkad. Maganda rin ang tindig ng katawan nito. At halata rito na seryuso lagi sa buhay. Mukha rin itong binata pa.
"Dinalaw kita sa bahay mo. Tapos nakita kita na walang malay. Ginigising kita ayaw mo magising kaya dinala na kita sa hospital"sabi ng Mama niya. Inabutan siya nito ng tubig agad naman niya inabot saka ininom.
"Ok lang ako, Ma. Dapat hindi ka na pumanta. Sayang pamasahe mo. Sa Leyte pa kayo galing"sabi ni Marona.
Biglang nakaramdam ng pagkaihi ang ina niya. Kaya iniwan mo na siya.
"Long time no see"sabi ni Doc.
Napakurap si Marona at tinignan ang doctor. Pilit inalala kung sino ang kausap.
"Hindi mo ako naalala?"tanong nito. "Nakakasakit ka naman ng damdamin"dagdag nito.
Nanlaki mata niya at tinitigan mula ulo hanggang paa ang kausap.
"Kaze?"takang tanong niya.
"Yup"sabi nito at ngumiti.
"Wow! Hanep. Doctor ka na" sabi ni Marona at nakaramdam ng saya.
Tumango ito.
"Pero continue studying pa rin"sabi nito.
"Grabe hindi kita nakilala. Pero congrats nakaya mong makapunta sa kinalalagyan mo."sabi ni Marona.
"Yep, ikaw musta. Ano work mo?"tanong nito at umupo sa upuan na malapit sa kaniya.
"Ah IT stuff ako"sabi niya.
"Ayos din pala. Diba sabi mo hindi mo naman gusto ang IT?"sabi nito.
Matandain talaga ito. Kasi kahit matagal ng panahon ng magkausap sila. Naalala pa rin nito.
"Oo, kaso tinuloy ko na. Napaayos naman din"sabi niya.
"Musta ba love life?"tanong nito.
"Ah wala eh"sagot niya. "Ikaw ba?"tanong niya rito.
"Ayon, going strong pa rin kami"sabi nito.
"Naks tagal na ah"sabi niya.
"Oo eh. Akalain mo iyon. Akala ko hindi ako matuto mag magmahal"sabi nito.
Halata rito ang sincerity na pagaanin ang loob niya.
"Unexpected talaga ang love. Stay strong sa inyo. And I'm happy for both of you"sabi niya.
"Salamat, pero mukhang may problema ka. Care to tell me?"tanong nito.
"Hmm.. some other time na lang"sagot niya.
"Oh ok" sabi nito. "Chat-chat na lang tayo. Mag rounds pa kasi ako. Inom lagi ng tubig. Take ka rin ng vitamins. Alagaan mo ang sarili mo. Mahirap magkasakit. Kahit alam kung masamang damo ka. Tao ka pa rin."dagdag nito at tumawa.
"Sige"sabi niya at nakitawa rin.
Nagkakilala sila ni Kaze sa role player world. Panahon ng pandemic. Doon sila nagkausap dalawa. Hanggang sa naging magkaibigan silang dalawa. At masaya siya sa kung anong narating nito sa buhay. Kapag may kaibigan siya ganoon. Masaya siya para sa mga ito. Hindi siya uri ng kaibigan na naiinggit. Mas nais pa niyang palakpakan ang nga ito kaysa kaiinggitan. May kaniya-kaniya naman din kasi tayong buhay. Hindi iyan paunahan. Lahat tayo darating sa oras ng kaginhawaan kung ipapahintulot ng nasa Taas.