UF 15

61 3 0
                                    

Tulad nga ng sinabi ni Daniel. Gusto nito na magkaroon sila ng relasyon. Hindi pa rin siya umu-oo sa offer nito. Dahil sobra talaga siyang na trauma sa nangyari sa kaniya.

"Oy! Dzai. Legit ba talaga? May relasyon kayo ni Sir"sabi ni Yhen.

"Saan mo nalaman?"tanong ni Marona.

Nasa garden sila ngayon break time kasi nila.

"Kalat na kalat dzai"sabi ni Yhen.

"Lalo sa department namin"sabi ni Vyvorie. Kasalukuyang kumakain ito ng banana chips.

"Si Ser pa mismo nagsabi"sabi ni Cmon na nakasandal pa sa pader.

Napatingin sila rito.

"Hoy! Manong kanina ka pa diyan?"gulat na tanong ni Vyvorie.

Pinukol bigla ni Yhen ng plastik bottle na walang laman ang binata. Nanlaki ang mata nito matapos makailag.

"Bakit ka namamato?"tanong nito.

"Eh siraulo ka. Bigla-bigla kang magsasalita tas sasabat"sabi ni Yhen at uminom ng coffee.

"Sorry na, pero totoo si Sir mismo nagsabi"sabi nito at umupo sa tabi ni Vyvorie.

"Dzai, gwapo man ni Sir. Good catch pa. Dapat oo agad"sabi ni Yhen at ngumiti.

Umalis na siya sa pagka secretary. At si Elisha na ang pumalit ulit. Ayaw niya rin ang trabaho na iyon. Hindi na naman nagpumilit ang binata.

"Ah actually nag dadalawang isip ako"sabi ni Marona.

Hindi rin mawala sa isip niya ang huling nangyari. Bago ito pumunta ng ibang bansa para sa business trip nito.

Tapos na office hours. Kaya naisipan niyang pumunta kay Daniel. Nakalimutan kasi niyang ibigay ang milo cup cake na ginawa niya kanina. Busy kasi ito. Kaya hindi niya muna pinuntahan. Habang dala ang box. Nakasabay niya ang isang maganda, matangkad at sexy na babae. Maputi ang kulay nito at halatang malambot.

"Ito ang floor ng CEO, right?"tanong nito.

"Yes"sabi niya.

Sakto pagbukas ng elevator sabay silang naglakad. Hinayaan niyang mauna itong babae. Dahan-dahan siyang naglakad. Nang hihina siya ng makitang pumunta ito. Kung saan ang office ni Daniel. Nakita niya mula sa glass wall na humalik pa ang babae sa pisnge ni Daniel. Kahit nanginginig pinilit niyang tumakbo. Matapos itapon sa basurahan ang box na hawak. Gustong-gusto na niyang makaalis.

"Sabi sayo, tama hinala mo. Malabong magseryuso iyon"kausap niya sa sarili habang nasa elevator. Nagpunas siya ng pisnge.  "Hindi ka dapat umiiyak, ano siya gold?"pagpapalakas ng loob niya sa sarili. Pinatay niya ang phone at sumakay ng taxi pauwi.

"Dahil ba sa nang ghost sayo?"tanong ni Yhen.

Tumango si Marona at uminom ng mango graham shake.

"Marona, ilan taon na. Forget about him and move on. Don't live in an illusion. Saka hindi matatapos ang buhay mo. Kung wala siya."Sabi ni Yhen.

"Naisip ko na yan. Baka character developer lang ako. Yong gagawin kong better person ang isang tao para sa taong nakalaan para sa kaniya"sabi ni Marona at ngumiti ng mapait. "Sad but true"dagdag pa niya.

"Wala ako sa position mo. Pero part ng buhay ang masaktan. Nandiyan yan para bigyan tayo ng lesson"sabi ni Yhen.

"Kung lesson, hindi naman kailangan masaktan mo na bago matuto. Kasi ako hindi ko kailangan masaktan para may matutunan. Kaya kong matuto sa pamamagitan ng ibang tao. At kung lesson lang din bakit paulit-ulit ang tinuturo? Hindi naman ako bubo"sabi ni Marona.

"What you mean paulit-ulit? So you mean hindi lang isa?"takang tanong ni Yhen.

Very secretive kasi si Marona. Pili lang kinukwento niya sa mga taong kakilala niya. Mahilig siya mag kwento. Pero sa lahat ng kinukwento niya. Hindi iyon buo ng pagkatao niya. Kahit sino naman siguro ganon.

"Oo, may first love. It was a trip o bet ganon. Hindi ko alam bakit ang tanga ko. Umabot ng isang buwan at kalahati yon bago ko nalaman. Hindi lang iisang tao ang nanluko sa akin. Pati kaibigan ko. Three years kong pilit pinapagaling ang sarili ko emotionally. Tapos kakarecover ko lang. There someone I met sa litmatch. Magaan na loob ko sa kaniya unang usap palang. We have common. He is old verson of my self. Kaya napalagay loob ko sa kaniya. "Sabi ni Marona at tumingin sa langit na asul bago ngumiti.

"And I thought the dream love I want. Magkakatotoo na. Kasi sabi pag palagay agad loob mo sa isang tao at parang kilala mo na siya. Ayon na raw yong tao para sayo. Pero hindi ko sinubukan kasi nga same raw kami ng apelyido"dagdag pa niya.

"Wait? Ngayon mo lang nabanggit to. So it is like incest?"takang tanong ni Yhen.

"I don't know. Pero sabi niya hindi niya kilala mga kamag anak ko. Pero siyempre kahit hindi mo kilala. Kung magkadugo magkamag anak pa rin. Kahit kahuli-hulihang dugo pa yan. Basta blood line. Sa batas lang naman ng tao naging tama ang mag mahalan ang magkamag anak. Kaya ayaw ko nung una. But I try because I like-no I love him. Because I'm not 100% sure that he's my relative"sagot ni Marona.

"Pwede rin kasi na magkaapelyido lang"sabi ni Yhen.

"I know, pero kasi rare naman yong surname namin. Kaya hindi ko masisigurado na hindi kami magkadugo. So I still try pa rin. Tapos until one day bigla na siyang naging cold. Simula nung nakausap niya yong Ichie sa party chat na ako yong admin"sabi ni Marona.

"Oh alam na this"singit ni Cmon.

"Tapos I still try to chat him. Tapos hindi na sumagot"sabi ni Marona. "Kahit na masasangga ego ko at pride. I still try to contact him. Tapos ganon ginawa niya. Napaka bihira ko magbaba ng defense"dagdag niya.

"Good afternoon, Boss"biglang sabi ni Cmon.

Kaya napalingon sila rito. Nakita nila ang boss nila. Sobrang seryuso ang tingin nito sa kaniya. Napahawak siya sa pisnge. Pinahid niya yong luha na hindi niya namalayan. At huminga ng malalim.

"Good afternoon po, Sir"bati ni Yhen at Vyvorie.

"Let's talk to my office"seryusong sabi nito.

Agad naman siyang sumunod ng naglakad ito.

****

A/N: Hi Sorry late update. Ngayon lang ako nasa mood. And I hope you doing great. Take care of yourself. Be happy every day.

FGS no 2. Unforeseen FondnessWhere stories live. Discover now