"Marona, alagaan mo sarili mo. Tumawag ka kapag may kailangan ka"bilin ni Mrs. Mamoto sa kaniya.
Nakaayos na ang mga gamit nito. At bihis na bihis. Kasalukuyang nasa Airport na sila.
"Opo, Mama Ana"sabi niya sa ginang.
"Wag ka mahihiya. Alam mong ayaw ko noon. Anak na rin ang turing ko sayo. Hindi ka na iba sa akin."sabi ni Mrs. Mamoto matapos siyang yakapin.
Tumango si Marona.
"Marona"
Napalingon siya kay Ame ng tawagin siya nito. Kita sa mukha nito ang lungkot.
"Sama ka na lang kaya sa amin"sabi ni Ame at hinawakan siya sa kamay.
"Hindi pwede"sabi niya at napatingin kay Daniel na tahimik sa gilid niya. Hindi niya mabasa ang nasa isip nito.
"Sa amin ka naman sasama ni Mama. Hindi naman hahayaan na may gagalaw sayo ron"sabi ni Ame.
"Alam ko naman na hindi ninyo ako pababayaan"sabi niya at huminga ng malalim. "Pero, hindi pa ako handang bumalik sa Pilipinas"dagdag niya.
"Sige, kung gusto mo ng bumalik. Sabihan mo ako para masundo kita ah"sabi ni Ame.
Napangiti siya, Ame is really a nice guy. Kung natuturuan lang sana ang puso na mag mahal. She will choose Ame.
Tumango siya.
"Ingat kayo roon ni Mama Ana"sabi niya.
Tumango si Ame at niyakap siya bigla. Kahit nagulat gumanti na rin siya ng yakap. Hindi nalalayo ang edad nila ni Ame. Matanda lang siya ng isang taon.
"Ikaw rin ingat ka"sabi ni Ame at bago pa ito tumalikod nakita niya na nangilid ang luha nito.
"Sige, Dan. Ikaw na bahala muna sa business ni Mama"bilin ni Yuki kay Daniel.
"Sige, umalis na rin ba si Truman?"tanong ni Daniel.
"Hindi ko alam. Parang hindi mo naman kabisado si Uncle, mala palos iyon. Biglang nawawala"natatawang sabi ni Yuki.
"Oo nga rin"sabi ni Daniel.
"Sige, Una na kami"sabi ni Yuki at bumaling sa kaniya. "Have a nice day to you and nice to meet you, Ms. Custillas"baling nito sa kaniya.
Ngumiti lang siya pabalik. Kapwa nila pinanood ni Daniel ang pagsakay nito sa private Airplane. Kumaway pa si Ame sa kaniya. Kaya kumaway siya pabalik.
"Let's go"sabi ni Daniel sa kaniya maya-maya.
Sabay silang naglakad. Hindi man lang nagtangka na hawakan siya ni Daniel hanggang makasakay ito sa sasakyan.
****
Fast forward ⏰Sa lumipas na buwan, hindi pa rin gaano pinapansin ni Marona si Daniel. Casual lang siya makitungo rito. Madalas silang mag usap kapag tungkol lang sa farm. Hindi niya alam paano siya ulit dapat makitungo rito. At napabilib din siya ng binata sa lumipas na buwan na hindi sila nag uusap gaano. Natagalan nito ang pakikitungo niya.
"May parada mamaya, sama ka ba, Rona?"sabi ni Aleng Nenita.
"Parada ng alin po?"takang tanong niya habang nag wawalis.
"Kanama Matsuri Festival ngayon"sabi ni Richard.
"Ah Penis festival"napahagikgik si Melay.
Kanamara Matsuri's Brief History
Kanamara Matsuri, also known as the Festival of the Steel Phallus, is held annually on the first Sunday in April at Kanayama Shrine in Kawasaki, just south of Tokyo. Its roots can be found in an ancient Japanese legend. According to legend, a vicious demon fell in love with a young woman and hid inside her vagina. This entity was so jealous that it bit off the penises of two young men on two separate wedding nights. Following this gruesome ordeal, the woman sought the assistance of a blacksmith, who fashioned an iron phallus to break the demon's teeth, resulting in the item's enshrinement at Kanayama Shrine in Kawasaki.Given Japan's reputation for being mild-mannered, discreet, and extremely private, a raucous festival celebrating genitalia may appear out of place. However, there are plenty of opportunities to let your hair down in Japanese society; they are just very clearly defined. So, while you may get wildly drunk at the office nomikai (drinking party) and sing some ill-advised karaoke songs with your boss, everything will be forgiven and forgotten. And, while it's not generally acceptable to discuss or admit to having a sex life in public, whole families will gather to celebrate sex, fertility, and the creation of life itself at the Kanamara Matsuri.
"Nako! Tuwang-tuwa ang gaga"sabi ni Richard at pabirong sinabunutan si Melay.
"Oy bakla! aminin parang hindi ka nag aabang ah. Tuwing Penis festival"sabi ni Melay.
Automatic na napatingin siya kay Daniel. Tumutulong ito sa pagbubuhat. Medyo bumalik na rin ang katawan nito. Kumpara nung unang kita nila makalipas ang ilang taon. Napatingin ito sa kaniya. Kaya agad siyang nag iwas ng tingin.
"Saka ano ka ba, para rin ito sa mga taong gusto magkaanak. Na saan na pala si RIya"sabi ni Richard at nilibot ang tingin.
"Ayieee! ikaw, Rona ah. Napapansin ko talaga mga tinginan ninyo ni Boss Daniel"sabi ni Melay ng mapansin ang tinginan nila ni Daniel.
"Nako issue ka na naman Melay! nanahimik si Rona eh"sabi ni Richard.
"Hays nakakamiss din si Hiraya"sabi ni Richard. "Naalala ko inaaya natin lagi sa Festival iyon kaso ang sagot lagi -"
"Alam naman ninyo na tinatamad ako sa ganiyan. Saka wala naman akong hanggad na mag anak"sabi ni Melay na nagmala Hiraya.
"Hays nakakamiss iyong bitter na si Malaya, ang bitter sa buhay non eh"sabi ni Melay.
"Malaya?"takang sabi ni Marona.
"Ah hindi mo ata alam. Malaya kasi first name ni Hiraya. Madalas tawag sa kaniya rito Riya."paliwanag ni Richard.
"Wala pa bang asawa si Riya?"tanong niya bigla.
"Nako napaka bitter ng babaeita na yan. Mukhang di pa nga nadidiligan yan eh"sabi ni Richard.
"Bakit naman bitter?"takang sabi niya.
"May mga nanligaw sa kaniyang Hapon. Mayayaman iyon ah, binasted niya lahat. Wala raw siyang balak mag asawa"sabi ni Melay.
Naalala niya, madalas niyang tinignan si Hiraya. At naalala niya ang huling pag-uusap nila. Bago ito lumipad pabalik ng Pilipinas ilang buwan na ang nakakalipas.
"Walang masamang sumagal, kung alam mo namang may panalo ka" sabi nito.
"Natatakot ako"sabi niya.
"Kung paiiralin mo ang takot mo. Hindi ka makakaalis sa kinalalagyan mo. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan mo. Kung gusto mong umayos, gumawa ka ng paraan. Ikaw lang maakaayos sa sarili mo. Kahit ibang tao, hindi ka nila matutulungan."sabi ni Riya.
"Pakiramdam ko ang toxic ko masiyado para kay Daniel. Kaya iniwanan ko siya at nagpakalayo-layo sa kaniya. Tapos ngayon, nandito siya"sabi niya.
"Nasa katayuan mo ako noon. Ganiyan din nasa isip ko noon. Mababa ang tingin sa sarili. Kaso kung paiiralin ko iyon. Hindi ako mag grow as person. Kailangan mong lumabas sa comfort zone mo para makita mo ang ibang kakayahan mo"sabi ni Hiraya.
"Paano kung magsawa si Daniel dahil ganito ako?"sabi niya.
"Minsan kasi kailngan mong isipin ang ibang tao, hindi lang ikaw. Kahit lalaki napapagod din, umiiyak at nasasaktan. Huwag mong pairalin ang pagiging makasarili. Walang masama sa pagmamahal sa sarili mo. Ngunit kung nakakasakit ka na ng ibang tao. Hindi na iyon tama. Malay mo sa pagsugal mo ngayon panalo ka na"sabi ni Hiraya.
"Ilan taon na ba siya?"tanong niya ulit ng magbalik siya sa kasalukuyan.
"Siguro nasa twenty nine na"sabi ni Richard.
"Pero mabait iyon si Riya, sadyang bitter lang sa love life. Saka medyo weird iyon. Hindi naniniwala sa Religion"sabi ni Melay.
"Napaka chismusa talaga ninyong mga bata kayo"sabi ni Nanay Nenita at pinalo ng palaspas si Richard at Melay. Hindi naman ito malakas.
"Nako, Nanay Nenita, mana lang kami sa inyo"sabi ni Richard.