*Janine's Pov*
Nasa harap na ako ni Gelo at ngumiti lang ako nung inaya na niya ako sa harap ni father.
"Bago natin simulan ang seremonya.. Sa mga tumututol sa kasal nila Maari kayo tumayo.."
Napayuko naman ako. Sa mga oras na to sana biglang magbukas yung pintuan at pipigilan ni Kai ang kasal namin. Pero alam ko naman na hindi nangyayari yun sa totoong buhay.
"Kung wala.. atin ng ituloy ang pag iisang dibdib nila.."
Buong pangyayari sa kasal namin ni.Gelo hindi ako dun nakatuon ng pansin.
Buti nga nakabelo ako kaya hindi makita na umiiyak ako ngayon.
Naiisip ko na naman kasi kung bakit..bakit hindi kami ang nagkatuluyan ni Kai.. bakit hindi kami ang ikinakasal ngayon.. Siguro kung siya ang lalaking kasama ko ngayon sobrang saya ko.. Sobra sobra.. Pero hindi eh.. Masakit parin pala na malaman yung katotohanan na wala na siyang pakialam sakin..
Mahirap pala tanggapin na wala talaga kami..
"Ikaw Janine, tinatanggap mo ba si Angelo para maging asawa mo sa hirap at ginhawa.."
"Opo father.." sabi ko at yumuko.
"Ikaw lalaki tinatanggap mo ba si Janine para maging asawa mo sa hirap at ginhawa.."
"Opo Father.."
Pagkatapos nun nag exchange vows kami.
"Gelo, tanggapin mo tong sing sing na to tanda ng pagmamahal ko sayo.." sabi ko lang at sinuot yung singsing.
"Janine.. Unang una sa lahat.. Sorry.. Alam kong ayaw mo talaga magpakasal sakin dahil may mahal kang iba.. Alam ko na kahit sabihin natin na ikasal tayo ngayon.. alam kung kahit kaylan hindi ko siya mapapalitan jan sa puso mo.."
Ako naman napaiyak sa sinasabi niya.
"Gelo.. tama na." bulong ko.
"Hindi.. Si Kai.. alam kong siya lang ang mahal mo.. Alam kong hinihiling mo ngayon na sana siya ang kasama mo ngayon dito.. Na sana siya ang makasama mo habang buhay.."
Please gelo tama na.. Ang sakit sakit na..
"Pero hayaan mo ako janine.. hayaan mo lang ako na mahalin ka kahit wag muna akong mahalin.. Tanggapin mo tong singsing na to tanda ng pagmamahal ko.." sabi niya at sinuot yung singsing.
"Maari munang halikan ang iyong asawa.." tinaas naman ni Gelo yung Belo ko at napaiyak ako.
Kasal na kami. At wala man lang dumating na Kai. Ang sakit talaga. Gusto ko ng mamatay ngayon.
"Sorry Janine.." sabi niya lang at hinalikan ako sa noo.
The End ~
..
..
..
..
..
..
..Sa buhay hindi lahat masaya ang katapusan.
Sa una, siguro OO sobrang masaya.
Yung mapapaluha ka sa sobrang saya ng nararamdaman mo.Pero alam mo maluluha ka din sa hulihan. Maluluha ka sa sobrang sakit ng nararamdaman mo.
May taong darating sa buhay mo na akala mo makakasama mo habang buhay pero nagkakamali ka.
Iiwan ka din niya para maramdaman mo aang masaktan.
Kung akala mo permanente na lahat ng nasa paligid mo.
Don't assume too much.
Papatayin ka lang ng Assume.
"Babe !!! ANDITO NA AKO !!!!" napatingin naman ako sa pintuan at pinunasan ang luha ko. Andito na pala yung asawa ko.
BINABASA MO ANG
(EXO FF) Their Idol Star
Fanfictionbakit kaya ? bakit KAMI pa Isa lang naman akong ordinaryong tao ay siya SIKAT !! Kaya bakit KAMI pa ang pinagtagpo kung hindi naman sigurado na magiging KAMI . tama ba na IPAGLABAN ko pa siya kahit alam kong marami ang masasaktan ? tama ba na PILII...