1st day
I patted my feet nervously on the floor as I wait for the elevator. I am 5 minutes early but still this is my first day in my first ever job. At least I should be 30 minutes early pero dahil nga sa Pilipinas ito at Lunes ngayon, kaya matraffic at siksikan ang MRT not to mention na halos ithirty minutes akong pumila para makabili ng MRT card. Hindi ko naman kasi inakala na ganito kahaba ang pila para lang makabili ng card. Nasanay kasi akong nilalakad lang ang school mula sa boarding house ko.
At ayaw kong late ako pag-apak ko sa Department kung saan ako naka assign. Dumadami na din ang nakapila and luckily nasa harap ako.
Ting!
Nagbukas din sa wakas ang elevator. I breath a sigh of relief at agad na pumasok sa elevator. Nasa pinakalikod ako at may mga tao sa harapan ko. The elevator was about to close nung may biglang pumigil kaya bumukas ulit. Medyo nairita ako sa paimportanteng taong pumasok at medyo naiipit ako kasi umuurong ang ibang tao para bigyan ng space ang papasok. Na curious naman ako kung bakit ganun ang reaksiyon ng mga tao kaya napatingin ako and my breathing suddenly stopped when I saw the face of the person na kakapasok lang sa elevator. My heart constricts and automatically nagtago ako sa likuran ng tao sa harap ko.
I was biting the inside of my lower lip at yumuko ako at the same time praying na sana hindi ako makita ng taong kakapasok lang sa elevator. And as I did all those things memories came flooding back to me.
Memories of my not so better past.
Memories of Cloud Elexier Tan.
4 years ago...
"Bitiwan mo ako Cloud!" Hinablot ko ang braso ko na hawak niya. He is practically dragging me out of the bar and people are staring at us.
"I specifically told you not to go. Sinabi ko sayong hintayin mo ako kasi sasamahan kita at wag kang sumama sa mga classmates mo pero anong ginawa mo? At ano ngayon ang nangyari? Kung hindi ako dumating God knows kung ano na ang nangyari sayo Ayr!" Ahhhh..Galit na nga siya. Ayr na ang tawag niya sa akin eh.
"Eh di salamat sa pagdating sa tamang panahon! For saving my ass back there. At salamat din at nagkaroon ka ng oras sa wakas para sa akin. Makakahanap ka naman pala ng oras kung gugustuhin mo!" I matched his glare. Kung galit siya, galit din ako! And I will not back down easily. Hindi alng siya ang may temper.
Sinuklay niya ang buhok niya in frustration.
"Babalik na naman ba tayo dyan? Ang problema sayo di ka makaintindi. Pinapairal mo ang pagiging childish at ang pagiging spoiled brat mo! Nagcoconclude ka ng hindi mo inaalam ang lahat at hindi ka naniniwala sa kahit anong explanation ko. Hindi pwedeng ganyan Ayr! Alam mong madami akogn trabaho sa opisina." Oo nga naman. Ilang beses na ba namin pinagtalunan ang tungkol sa kakulangan niya sa oras sa akin sa pati sabado at linggo hindi kami nagkikita. Yun ang hindi ko maintindihan kasi nung bago pa lang kami, he always finds time to see me pero ngayong mahigit 1 year na ang relasyon namin padalang na padalang ang pagkikita namin. At naiinis ako sa ganun.
"Ang problema sa'yo, hindi mo inaalala ang damdamin ko. Girlfriend mo nga ako pero di ko naman nararamdaman. Mas marami ka pang time sa trabaho mo, sa office affairs mo, at sa mga babae mo sa opisina kesa sa akin! Sabihin mo lang kung ayaw mo na at nang magkaalaman na!" naningkit ang mga mata niya sa sinabi ko pero wala akong pakialaam.
Wala na din akong pakialam sa mga taong nakakasaksi sa sigawan namin sa parking area ng bar.
"Kaya ba sumasama ka na lang kahit na kaninong lalaki? Kaya ba kung makadikit ka sa kanila para ka ng linta? Sinabi ko nang ayaw kong sumasuma ka sa mga lalaki lalo na pag kasama mo si Andrew na yun. Alam mong may gusto sayo yung tao pero instead of turning him down, you are leading him on." Gusto ko siyang sampalin sa mga pinagsasabi niya. How dare him accused me of that. Para na din niyang sinabing nilalandi ko si Andrew!