25th Day
Cloud's POV.
Umuwi na kami kinatanghalian. Hinatid ko sila sa condo at umalis ako at pumunta ng opisina dahil nagkaproblema. I stayed there for about an hour tapos bumalik na agad ako sa condo. Papasok na ako sa parking when I saw her outside the building waiting for a taxi. Hindi ako lumabas ng sasakyan kasi nagtaka ako kung bakit hindi man lang siya nagsabi sa akin na aalis pala siya.
She could have told me para ihatid ko man siya kung saan siya papunta. But instead of approaching her, pinanood ko lang siya hanggang sa makasakay siya ng taxi. Then I followed the taxi she's riding.
Habang nagdadrive, tinawagan ko ang bahay at sinagot ito ni Yaya Loida.
"Yaya, andiyan ba si May?" Hindi ko sinabing alam kong wala siya sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang gusto kong iprove kaya ko to ginagawa but something inside me tells me that I am doing the right thing.
"Ahh..umalis saglit Cloud. May pupuntahan lang daw." Binaba ko na ang phone pagkarinig ko nun kay Yaya Loida.
Doubts started creeping in my mind. Simula nung isang gabi na hidni siya umuwi, tumubo na ang pagdududa sa puso ko. Alam kong mali kaya hindi ko siya inaapproach kasi ayaw kong pag awayan namin ang bagay na yun. Ayaw kogn maulit ang nangyari dati. Pero hindi ko maiwasan ang mag isip lalo na at tinanggihan niya ang alok kong kasal.
May iba na ba siyang gusto kaya siya nagdadalawang isip magpakasal sa akin? I tried to erase that thought from my mind. Dapat pagkatiwalaan ko siya dahil ang pagdududa ko ay hindi makakatulong sa relasyon na sinisimulan pa lang naming buuin.
Titigilan ko na sana ang pagsunod sa kotseng sinasakyan niya dahil sa tingin ko ay pointless itong ginagawa ko when I saw her taxi entered the compound of a hospital.
What is she going to do in a hospital? Hindi ito ang ospital kung saan dinala si Sky dati. Ano ang gagawin niya dito. Pagkababa niya sa kotse, agad akong tumigil at binigay sa valet ang kotse at nagmamadali akong sundan siya. Hindis iya dumiretso sa main hospital. Instead she came to a building which house the clinics of the doctors. She took the stairs and I followed her hanggang sa makarating siya sa room 2017.
Lumapit ako sa pinto kung saan siya pumasok at lalong nangunot ang noo ko when I saw the name outside the door.
Ricardo S. Chiong, Neuro-Oncologist
Kung kanina mabilis ang tibok ng puso ko, ngayon halos hindi na ako makahinga.
Ano ang ginagawa niya sa ganitong klaseng clinic? I have a hunch pero ayaw kong eentertain ang bagay na yun. I am too scared to even think of it. Hidni ko kayang tanggapin dahil pagnagkatotoo ang hinala ko, ikamamatay ko.
Tumalikod ako sa clinic at hinintay na lumabas siya. After 30 minutes, she went out. Nakayuko siya and her shoulders are hunched. Gusto ko siyang lapitan at tanungin pero hindi ko ginawa. Lumiko siya sa isang lobby at nung nakita kong hindi na niya ako mapapansin, pumasok ako sa clinic na pinanggalingan niya.
"Good afternoon Sir. May appointment po kayo?" Bungad sa akin ng secretary nung doctor pagkapasok ko sa clinic.
"No. But I would like to ask something? Patient niyo ba si Miss Dominguez? Yung kakalabas alng kanina." And I'm hoping against hope na sana sabihin niyang hindi.
"Ahh, si Ma'am May. Yes Sir." Hindi na siya nagsalita at tiningnan ako.
"Can I talk to her doctor?" Agad naman tumango ang secretary at pumasok sa inner office which I assume ay ang office ng doctor.
"Sir, pasok na daw po kayo." And she lid me in. Habang naglalakad ako, hindi maalis alis ang kaba ko. Hindi mawala ang kutob ko at pakiramdam ko lulukso ang puso ko sa mga nangyayari.
"Good afternoon Doc. I'm Cloud Elixier Tan." Nagkamay kami ng doctor atpos he motioned me to sit down.
Naupo ako sa upuan sa harap ng doctor's table and the doctor na sa tingin ko ay nasa 50 years old na regarded me seriously.
"What can I do for you Mr. Tan?" Seryoso pa ding sabi niya.
"I am the boyfriend of Ms. Dominguez at gusto ko pong malaman bakit siya pumunta dito sa clinic niyo." Kumunot ang noo ng doctor dahil sa sinabi ko.
"That is confidential Mr. Tan. I am not allowed to tell you the medical condition of my patient." Parang sumabog ang mundo ko sa narinig ko mula sa kanya. My patient. Sa sinabi niya para na din niyang inamin na totoo ang hinala ko.
"Doc..." Kung kailangan magmakaawa gagawin ko.
"But at this point in time May needed someone even if she doesn't want to admit it." Lalo akong kinabahan dahil sa mga sinasabi niya. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko at hindi ko alam kung kakayanin ko pang tumayo.
"Matagal ko na siyang pasyente. Nawala siya ng tatlong taon and when she came back it was too late." Napabuntunghininga ang doctor habang ako halos hindi na humihinga.
"Miss Dominguez have a Glioblastoma multiforme ." Siguro nakita niya ang pagkalita sa mukha ko.
"She have a malignant brain tumor stage 4." Sa narinig ko parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa.