24th Day

73.7K 1.3K 202
                                    

24th Day

Cloud POV

Ilang minutong tiningnan ko lang siya habang mahimbing na natutulog. Hindi maalis alis ang ngiti sa mga labi ko. Yes, my marriage proposal was rejected pero masaya ako because it was not a total rejection. She said she will think about it and I am willing to wait. I am willing to take whatever it is that she's willing to give. Dahil kahit gaano kaunti pa ang ibibigay niya sa akin, it still gives me utter happiness. Just being beside her fills my heart with joy. At alam kong darating ang araw na papaytag din siya na magpakasal sa akin. Siguro nga masyado lang siyang naoverwhelm sa mga nangyari. Ang importante ngayon, tinanggap niya ako ulit sa buhay niya. At wala na akong mahihiling pa. Her acceptance to my marriage proposal is just a bonus but I will be very glad if she will accept it. Gustong gusto ko ng mabuo ang pamilya namin.

I kissed her closed eyelids at lalo siyang nagsumiksik sa dibdib ko. I tightened my embrace at enhaled her sweet scent. Hindi ako magsasawa sa amoy niya.

Umabot pa ako ng mga 30 minutes bago ko napagdesisyunan na tumayo at pumasok na ako sa banyo para maligo. Kailangan kong bumalik sa condo ko para kumuha ng mga damit kung gusto kong dito na tumira. Dadaan na din ako sa office para asikasuhin ang ilang mga bagay.

Pero ang pinakaimportanteng kailangan kong gawin ay ang kausapin si Mommy. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya kay May pero alam kong nasaktan niya ito. And I won't allow that. Hindi niya alam ang totoong nangyari and I have to correct her impression of May.

Pagkatapos kong magbihis, I kissed her lips once more, at lumabas na ng kwarto. Nagbbreakfast na sina Sky at Yaya Loida. Nagpaalam ako sa kanila at nagsabing sabihin kay May kung nasaan ako pag gumising siya. Hindi pa ako nakakalabas sa building ng condo namimiss ko na agad sila.

Dumiretso ako sa condo ko at kumuha ng mga damit. Then I headed to the office to sign some papers at kinausap si Elly regarding my extended vacation. Tapos dumiretso na ako sa bahay namin.

Pagdating ko nakita ko sina Mommy at Daddy na naglulunch. They invited me to eat with them which Ibgladly accepted kahit na gustong gusto ko na silang kausapin agad para makabalik na ako sa mag ina ko. I must be insane for missing them so much gayung wala pang anim na oras akong nawala sa tabi nila.

After ng lunch kinausap ko si Mommy sa harap ni Daddy. Tianong ko kung ano ang sinabi niya kay May. At first she got mad dahil nagsumbong daw si May sa akin pero sinabi kong hindi that's why I'm asking her. Sa huli umamin din siya ng mga pinagsasabi niya kay May at nagalit mismo si Daddy. I know how much my Dad loved and spoiled my Mom pero sa mga ganitong bagay hindi niya ito tinotolerate at kapag galit na si Daddy wala ng nagagawa pa si Mommy.

Kinuwento ko sa kanila ang buong nangyari simula nung naghiwalay kaming dalawa. Ang mga nangyari kay May. Kung paano siya naghirap dahil sa kagagawan ko. That it was all my fault. Ang hindi ko lang sinabi ay ang mga sakripisyo nito ginagawa nung nagaaral siya para lang matustusan ang anak namin at ang pag aaral niya. Yes, alam ko ang bagay na iyon. And I kept it to myself dahil kapag naaalala ko ang mga ginawa niya mas sumisidhi ang pagkaguilty ko at nagagalit ako sa sarili ko to the point na hirap akong patawarin ang sarili ko.

Hindi ko din sinabi kay May na alam ko ang bagay na yun. I believe na mas mabuting hindi ko yun sabihin sa kanya kasi alam kong yun ang isang bagay na ayaw na niyang maalala.

Nung narinig ni Mommy ang buong kwento, siya na mismo ang nagsabi na kakausapin niya si May para humingi ng tawad. And I'm glad that she had accepted her fault.

Pagkatapos naking mag usap, dumiretso na ako sa condo. Gusto kong ipasyal ang mag ina ko. I want us to go somewhere where we could relax. I asked my secretary to book a beach resort for us in Palawan. I want to spend a few days with them before I return to the office. Gusto kong mag enjoy kaming pamilya.

I was so excited to tell them my plan pero sina Yaya Loida at Sky lang ang nadatnan ko sa bahay.

"Nasaan si May Yaya?" Tanong ko nung hindi ko siya nakita sa loob ng kwarto niya.

"Umalis lang saglit. May pupuntahan lang daw at babalik rin kaagad. May bibilhin ata." Tumango lang ako nakipaglaro na kay Sky.

But the hours past na walang May na dumadating. Nagdinner na kami pero wala pa din siya. Even Sky is asking kung saan ang Mommy niya. Nagrason na lang ako ng kung ano ano. Ako na din ang nagpatulog sa bata. Pero nakatulog na si Sky hindi pa din dumadating si May. Ilang beses ko ng tinawagan ang phone niya pero nakapatay ito.

Nasaan na siya? Nagsimula akong kabahan lalo na ata wala man lang text o tawag mula sa kanya. I contacted Andrew pero pati siya hindi alam kung nasaan si May. Mas lalo akong kinabahan. I wasn't able to sleep that night. At dumating ang umaga pero walang May na dumating. I called the police to have it blottered. Tinawagan ko ang investigator na kinuha ko dati at pinahanap si May.

Sky is becoming more agitated at halos oras oras niyang tinatanong sa akin kung nasaan ang Mommy niya. Nauubusan ako ng sagot at pati sarili ko kinukumbinsi ko sa mga sinasagot ko sa anak namin. Habang tumatagal lalong sumisidhi ang kaba ko.

At nung kinahapunan, nagulat kaming lahat nung pumasok si May sa condo. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Niyakap ko kaagad siya at halos sabay kami ni Sky na yumakap sa kanya. Hindi ko alam kung ilang tinik ang nawala sa dibdib ko.

"Where have you been? We're all so worried." Ngumiti siya ng tipid sa akin habang hinahalikan ang pisngi ni Sky na karga karga niya.

"I'm sorry kung hindi ako nagsabi. It was a spur of the moment decision. Napag isipan kung pumunta sa isang lugar wherein I could think about...about your proposal. Nalowbat ang phone ko nung andun na ako kaya hindi na ako nakatawag at nakapagpaalam sa inyo. I'm sorry kung nagworry kayo." I embraced her and Sky.

"It's okay love, It's okay now that you're here. And really, you don't have to rush your decision regarding my proposal." Ngumiti lang ulit siya at hinalikan ang pisngi ko.

Niyaya ko na din silang doon magdinner sa bahay namin kasi inimbitahan kami ng parents ko. At first I saw her tensed but when I mentioned ang dahilan ng pag iimbita ni Mommy, kumalma bigla ang mukha niya.

Magiliw ang pagtanggap nina Mommy at Daddy kay May at kay Sky. Tuwang tuwa ang sila sa kay Sky.

"Cloud.." Napatingin ako kay Mommy pagkalabas niya sa lanai. Doon niya niyaya si May para kausapin ito at humingi na din ng tawad. Hinayaan namin silang mag usap na dalawa.

"Yes Mom?"

"May looked so tired. Why don't you stay here for the night? Para na din makatabi namin ang apo namin." Napatingin ako kay May pagkasabi nun ni Mommy. Indeed she looked tired. Kanina ko pa nga napapansin na parang matamlay siya.

"Love?" I asked her permission.

"O-okay lang." She smiled faintly. Napalapit ako bigla sa kanya when she swayed at humawak sa gilid ng sofa.

"Are you okay?" Inalalayan ko siyang maupo sa sofa.

"Yes. I'm okay. Napagod lang siguro ako sa byahe." Isinandal niya ang ulo niya sa sofa at pumikit. She indeed looked so tired. Dapat pala pinapagliban na lang namin ang dinner na to. Siguro ikacancel ko na alng muna ang vacation namin.

"Sa kwarto ka na lang magpahinga." At bigla ko na lang siya binuhat sa gulat niya.

"Cloud!" She shrieked and I just laugh. "You don't have to carry me."

"Ssshh... Relax and just rest."

"Nakakahiya... " Patuloy na protesta niya. I can see her blushing. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"There's nothing to be ashamed love. It's a common sight here. My dad do it all the time specially when Mom is having her tantrums."

"Kaya ko naman maglakad."

"At kaya ko ring buhatin ka. Ang gaan gaan mo kaya. And I would do everything in my power just to make your life easier. Now stop protesting at hayaan mo na alng ako dahil kaligayahan ko to." Napabuntunghininga na lang siya and clung to me tighter. She also buried her face in my neck.

Dinala ko siya sa dating kwarto ko and gently laid her down in my bed. Tumabi ako sa kanya and we cuddle. Mukhang pagod na pagod nga siya dahil after a few minutes, I heard her calm breathing indicating na tulog na siya. 

30 Days of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon