15th Day

81.5K 1.4K 199
                                    

15th day

Cloud's POV

"Cloud Elexier Tan! You don't shout at my employees like that!" Elly shouted when she stormed into my office.

"What is wrong with you?" Hindi ko siya pinansin. Itinuon ko lang ang buong atensiyon ko sa papeles na nasa harap ko. I tried reading pero hindi ma digest ng utak ko ang mga binabasa ko.

Oo, tama siya, may sinigawan ako kanina. Sinigawan ko ang HR Manager. Tatlong araw ng hindi pumapasok si May pero ni hindi niya alam kung bakit. Anong klaseng HR siya kung hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa mga empleyado? I knew that I went overboard that's why Elly is fuming right now.

"He should know his job and it is his job to know the whereabouts of the employees." Pinilit kong maging mahinahon kahit na malayo doon ang nararamdaman ko. I have been at edge for three days now. I am hunted by the words she said before she left my office.

"Frankly Cloud, who is May Ayr Dominguez that you are willing to jeopardize everyone for her sake? And eveytime she went out of your office, hindi ko pa siya nakitang hindi umiiyak. What is your problem with her?" Tumayo ako mula sa upuan ko by the mere mention of her name.

"Is she the same May you're talking about before you were sent to Australia?" Tiningnan ko lang siya ng masama at naglakad palabas ng opisina ko.

"Oh my God!" I heard her say before I closed the door of my office. Dumiretso ako sa bar kahit na 4PM pa lang. Kilala ko naman ang may ari kaya pinapasok ako. I immediately ordered a drink. Iiling iling na binigyan na lang niya ako ng maiinom. Ang totoo natatakot ako, sobrang natatakot ako na baka mawala na naman siya. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa.

Dahil ang mga panahon na hindi ko siya nakikita had been pure hell. Hindi ko naman ginusto na matuloy ang paghihiwalay namin dati. God knows kung gaano ko pinagsisihan kung bakit pinairal ko ang selos ko sa mga panahong yun. Inaamin ko din na kasalanan ko dahil hindi ko na siya nabigyan ng atensiyon simula nung inassume ko ang pamamahala sa company.

Days after naming mag away pinlano ko na ang panunuyo sa kanya kaya hindi ko nagawang makipagcommunicate kaagad sa kanya kasi may knclose akong deal. I've even cancelled all of my meetings for the rest of the afternoon. I was so excited dahil nung araw na yun, plano kong magpropose. Wala akong pakialam kung hindi pa siya tapos mag aral. I could provide for her. She could study kahit kasal na kami. I just want to assure her na siya lang ang babaeng mamahalin ko habangbuhay.

Pero hindi ko inakala na ako ang masusurpresa nung araw na yun. Wala siya sa school nung pumunta ako, hindi daw siya pumapasok. She's not answeriong my messages and my calls. Ilang beses akong tumawag at laking tuwa ko nung sinagot ang phone niya only to be disapppointed dahil lalaki ang sumagot sa tawag ko.

It was Andrew. Umiral ang selos at galit sa puso ko lalo na nung sinabi niyang tulog si May. Agad kong binaba ang telepono. Halos araw araw akong umiinom ng mga panahong yun. Hindi ko matanggap na agad agad niya akong ipagpapalit. Nakakagago lang. Hindi ko sinasagot ang mga tawag niya. At nung pumunta siya sa condo ko nung araw na yun hindi ko napigilan ang sama ng loob ko. I told her things na alam kong sobrang nakasakit sa kanya. Not knowing na yun ang huling pag uusap namin.

Sinundan ko siya hanggang sa bahay nila. But again, I saw her and Andrew hugging bago umalis ang huli sa bahay nila. Kinain na naman ako ng selos. Gusto kong pumatay ng tao ng mga araw na yun. Hindi pa din ako nakipagcommunicate sa kanya ng mga ilang araw thinking na siya ang tatawag sa akin pero hindi nangyari yun.

Nung bumalik ako sa bahay nila, wala ng nakatira. Nagbakasakali ako sa school pero hindi na daw siya pumapasok. Nung bumalik ako sa bahay nila ulit hindi na ako pinapasok ng guard ng village kasi wala daw akong permission na bumisita. But still inaabangan ko siya sa school pero wala na akong May na nakita.

Parang bula siya na naglaho na lang bigla at parang mababaliw ako. But still I kept on looking for her. Ilang beses kong sinubukang tawagan ang number niya.

Then after how many months, I saw her again. With Andrew. Inalalayan siya nitong makasakay sa kotse nito. They are so intimate na napalitan ng sakit ang excitement ko pagkakita ko sa kanya. So all along, sa mga buwan na parang baliw ako sa paghahanap sa kanya, sa paghihintay sa kanya sa school, sa pag aabang sa kotse nila sa labas ng village nila, all along kasama pala niya si Andrew.

And when she called, I denied her. I want her out of my system. Pinipilit kong tanggapin na wala na kami. Na tapos na ang lahat sa amin. I wanted to move on. Kung masaya siya kay Andrew so be it. Pero hindi pala ganun kadali ang lahat. Hindi pala ganun kadali ang makalimot. Dahil habang tumatagal lalo ko siyang namimiss, lalo ko siyang hinahanap. At sa kagustuhan kong kalimutan siya I've become an alcoholic. Dahil kapag nga naman lasing ako nakakatulog na lang ako at hindi ko na siya maaalala.

And before I knew it my condition worsen. Hindi ko na kayang tumigil. Pinatigil na din ako ni Daddy sa trabaho dahil kadalasan pumapasok akong lasing sa opisina. Nung hindi na ako macontrol, pinadala nila ako sa Australia. Pinarehab nila ako to get rid of the alcohol in my system. Two years. Dalawang taon ako sa rehab. After two years, I started my life again. I put up a business in Australia na lumago naman. After almost 2 years, pinabalik ako ni Daddy para I assume ulit ang position na iniwan ko 4 years ago. At hindi ko inakala na doon ko siya makikita ulit.

Hindi ko inakalang sa araw na mas pinili kong gamitin ang service elevator kesa sa private elevator, makikita ko ang babaeng matagal ko ng hinanap at matagl kong pinilit na kalimutan. Upon seeing her, nabaliwala ang dalawang taong pagrerehab, ang dalawang taon pakikipag usap sa Psychologist. My heart beats abnormally again nahalos hindi na ako makahinga. The same feeling I had the moment she looked at me way back in college.

And I found out that she's still unattached. Napahinga ako ng maluwag. I knew at that time that I was given a second chance. And I wouldn't let that second chance pass.

Pero hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya sa akin the other day. Nararamdaman ko naman na may feelings pa siya sa akin. Na kahit papaano parehas pa rin kami ng nararamdaman pero bakit hirap na hirap siyang tanggapin ako ulit sa buhay niya? Naguguluhan ako.

Siguro nga, kailangan pa niya ng time and I need more effort. Kung kailangan ko siyang ligawan ulit gagawin ko. I am willingto start again para bumalik lang siya sa akin. At kahit ano pa ang sasabihin niya para lumayo ako, hinding hindi ko na siya lalayuan. Ayaw ko ng maulit ang mga panahon na parang nawalan ako ng hangin, pagkawala niya sa buhay ko.

Pero ngayon, aligaga na naman ako. Hindi ko maiwasang hindi kabahan. I tried contacting again her cellphone pero out of coverage pa rin ito.

May, nasaan ka na?

Nagstay pa ako ng dalawang oras sa bar nay un at wala pa sana akong planong umalis kung hindi lang may tumawag sa akin.

"Sir, already have the information you seek about Ms. May Ayr Dominguez."

30 Days of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon