19th day.
"It's okay. She'll be okay." He held my hand tightly. Ako naman, namamawis ang kamay ko, nanginginig ang buong katawan ko. Kung hindi dahil sa yakap ako ni Cloud kanina pa ako nagcollapse.
Sky is inside the operating room. Dalawang oras na siya doon dahil ngayon ang schedule ng surgery niya. Nakailang balik na ako sa chapel at pakiramdam ko hindi ko na kakayanin. Parang anytime, magcocollapse na ako sa nerbiyos. She's too young to undergo such a complicated operation.
"Paano kung...paano kung..." Umiyak ako sa dibdib niya. He caressed my hair.
"She'll be okay. She's strong, just like you." Alo pa niya sa akin pero ni hindi man lang nabawasan ng mga sinabi niya ang kaba ko. Pakiramdam ko nasa kabilang hukay na ang kalahating katawan ko just like the time na pinanganak ko siya.
At ang sinasabi niyang lakas, parang walang natira sa akin. Nababalot ng takot ang puso ko dahil alam kong hindi ko makakaya pag may nangyaring masama sa anak ko.
Umalis ako mula sa pagkakayakap niya at tumayo.
"May, saan ka pupunta?" Hindi ko siya pinansin. Dire diretso ako sa loob ng banyo and vomitted all the contents of my stomach. Hindi ko macontrol ang nerbiyos na nararamdaman ko. Cloud followed he at hinaplos ang likod ko. I continued vomitting.
Naghilamos ako pagkatapos ng ginawa ko at nanghihinang umupo ulit sa sofa.
"May..." Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ulit ang mga kamay ko. Nararamdaman ko ang init mula sa mga kamay niya and it somehow lessens the coldness in my hands. Ang lamig lamig ng mga kamay ko. Pinipigil din niya ito sa panginginig. God! Ilang oras akong magiging ganito.
"You need to calm down. Please..."Umiling ako kasi hindi ko yun magagawa. Hindi ko magawang maging kalmante habang hinihiwa nila ang dibdib ng anak ko. Iniisip ko pa lang I fell like throwing up again. Kung pwede pa lang na pigilan ko sila. Kung pwede pa lang saluhin ko ang operasyon ginawa ko na.
Kung hindi ko lang iniisip na dahil sa operasyon, aayos ang kalagayan ng anak ko, I wouldn't subject her to that kind of pain.
After how many hours of torture, pinuntahan kami ng doctor na nagopera sa anak ko. Nakahinga ako ng maluwag nung sinabi niyang success ang operation at dinala na sa recovery room ang anak namin. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.
Sky recovered after how many days. Hindi na din ako pinapapasok ni Cloud sa office at hindi ko na kinontra yun kasi kailangan ko ding bantayan ang anak ko. Binisita na din ni Ma'am Elly si Sky sa hospital. She's teary eyed upon seeing her niece. Hindi din niya ako sinumbatan sa pagtago ko sa kanila kay Sky. Hindi ko alam kung sinabihan ba siya ni Cloud na wag ng magsalita o naiintindihan niya talaga ang sitwasyon ko.
Pagkalabas ni Sky sa hospital doon kami hinatid ni Cloud sa condo na binili niya para sa akin. Hindi na ako nagmatigas kasi walang point para gawin ko yun lalo na kung kapakanan ni Sky ang pinag uusapan. Sinama na din namin si Yaya Loida kasi gusto din naman niyang alagaan si Sky. Napamahal na sa kanya ang bata.
"Daddy!" Tawag ni Sky kay Cloud. Alam na ni Sky na Daddy niya si Cloud. Sinabi namin bago siya operahan. I was happy nung nakita ko kung gaano kasaya ang anak ko. Halos ayaw na niyang pakawalan si cloud at ganun din si Cloud sa kanya. Minsan nakakapanibugho lalo na at nasanay ako na ako ang palaging tinatawag niya pag may kailangan siya. Pero ngayon, lahat na lang Daddy. Pero inintindi ko kasi alam kong sabik sila sa isa't isa.
"Daddy! Carry." Binuhat naman ito ni Cloud. Nakakatuwa silang panoorin na dalawa. Parang pinagbiyak na bunga. And when they both laughed parehas na nawawala ang mga mata nila. Just looking at both of them give me a heartwarming feeling.
Napangiti ako habang pinapanood ko sila. Ganun din si Yaya Loida.
"Kiss!!!" Hinalikan ni Sky ang pisngi ni Cloud and Cloud in turn give Sky a loud kiss on her cheeks which made her giggle.
"I love you Daddy!" Sabi ni Sky sabay kiss ulit sa pisngi ng ama niya. Ang laki na ng ngiti ni Cloud. I have never seen him this happy. And I'm glad. Really glad na nakita ko siya na ganito kasaya.
"I love you too baby." At pinupog din nito ng halik si Sky.
"Do you love Mommy too?" Napanganga ako sa tinanong ni Sky. Gusto kong pigilan ang mga sasabihin niya. She's too smart for her age.
Lumipat ang tingin ko from Sky to Cloud. And he is no longer looking at our daughter, nakatingin na lang siya ng seryoso sa akin. Parang nanonoot sa buong katauhan ko ang klase ng tingin niya at wala na akong magawa kundi ang yumuko. Kahit kailan, hindi ko kayang harapin ang ganyang klaseng tingin niya.
"Of course baby. So much." Sabi niya at kahit hindi ako nakatingin ramdam ko na tinitingnan pa din niya ako. Nag iinit na ang pisngi ko kasi parang hindi si Sky ang kinakausap niya kundi ako. At hindi ko mapigilan ang lakas ng tibok ng puso ko. Hihimatayin ata ako.
"Yehey!" Sky cheered joyfully.
"How about you Mommy? Do you love Daddy too?" Napaangat ang tingin ko mula sa sahig papunta kay Sky. Sinadya kong hindi tingnan si Cloud kasi baka matunaw ako sa klase ng tingin niya. Naramdaman ko ang tension sa loob ng bahay. Si Sky, si Cloud pati si Yaya Loida hinihintay ang sagot ko.
Would I lie to Sky? Would I lie to myself?
Would I tell the truth and gamble again?