5th day
I am officially working under Mr. Cloud Elixier Tan now. Nung pinaakyat niya ako kahapon, kinausap niya ako with Miss Elly at doon nga niya sinabi na sa kanya na ako magrereport. Mabuti naman at kahit papaano ay marunong siyang rumespeto sa iba. Or baka naman ayaw lang niyang mag away sila ng kapatid niya. Ay ewan! Bahala na nga sila sa buhay nila. Ang importante, nung pumasok ako kaninang umaga, hindi kami magkasabay sa elevator.
"Ma'am, pinapatawag po kayo sa taas. Sa office ni Miss Elly." Pag sinasabing pinapatawag sa taas, kinakabahan agad ako. Pero nakahinga ako ng maluwag kasi si Miss Elly pala ang nagpatawag sa akin. I smooth my pants pagkapasok ko a opisina niya. Yes pants. I am wearing slacks now. Siyempre, sino ba naman ako para suwayin ang memo ng Presidente ng kompanya di ba?
"You may take your seat May." Umupo naman ako sa guest chair na kaharap ng table niya. She set aside the papers that she's reading and looked at me. I must admit na malaki ang pagkakahawig nila ni Cloud. She's tall, fair-skinned and tsinita din ang mata. Upturned nose na parang nagpapamaldita sa mukha niya kasi mukha palaging nang iisnab.
"I wopn't beat around the bush May, I am just curious and intrigued. Do you personally know Cloud?" Hindi ako agad nakapagsalita. Ano ang sasabihin ko? Aamin ba ako sa naging relasyon namin dati? Tiningnan ko siya and she is intently looking at me. I let out a silent sigh and squared my shoulders.
"No Ma'am, I don't personally know Sir Cloud." Napasandal si Ma'am Elly sa chair niya habang tumitingin pa din sa akin. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya and all the while Cloud's voice echoes in my mind. Ang sinabi niya nung tinawagan ko siya 2 weeks after we have that fight in the bar.
'Who are you? I don't know you.'
I gritted my teeth at the memory. Because those words altered my future and cemented what I am now. Tama nga siguro, sa mahigit isang taon na naging kami, hindi ko nga kilala si Cloud. He didn't even bother to introduce me to his family. And that thought made me bitter again.Kaya tama lang yung sinagot ko na hindi ko siya kilala.
"I see. I just find it strange for him to personally ask me for you to be under his supervision. And akala ko ikaw din yung May na kinukwento niya dati. Anyway, napakacommon naman kasi ng name na May. Yun lang, I just wanted to satisfy my curiosity. Thanks May." Ngumiti siya sa akin at ngumiti na din ako sa kanya ng pilit tapos umalis na sa opisina niya. Parang wala ako sa sarili ko habang naglalakad.
Nasa hallway na ako papuntang elevator nung makita ko siyang naglalakad. Patay! Magkakasalubong pa kami. Hindi ko alam kung babalik ba ako o didiretso but I decided na salubungin na lang siya. Eh ano ngayon kung makakasalubong ko siya? Wag ka lang papaapekto May. Kahit na nageexude ang buong pagkatao niya ng charm, kahit na napakaintimidating ng ating niya, wag ka pa din papaapekto. Just remember that he was the guy who crushed your heart into pieces.
Habang papalapit kami sa isa't isa ramdam na ramdam ko din ang pagbilis ng tibok ng puso ko, ang pag hitch ng breathing ko at ang pagwawala ng insides ko. Damn! Bakit ba kasi ganito ang reaksiyon ko sa presensiya niya? Why can't I face him normally like other people.
And one more thing, babatiin ko ba siya? Double Damn. Mas gugustuhin ko pang lumindol at kainin ako ng buong building kesa sa maharap sa sitwasyon ko ngayon. This is sheer torture and this is one experience na hindi ko nanaising balikin.
"Good Morning Sir." Mahinang-mahina kong sabi nung mga 2 meters apart na lang kami. Nenenerbiyos ka nga May kasi na estimate mo pa ang distance eh. Bumati ako sa kanya pero hindi ako tumingin sa kanya. Hindi siya sumagot, instead nilagpasan lang niya ako. Or so I thought. Dahil bigla na lang niyang hinatak ang braso ko kaya napatigil ako sa paglakad.
"What are you doing here?" He said in an irritated voice. Napatingin ako bigla sa kanya. What did I do now? Bakit nakakunot na naman ang noo niya?
"Ma'am Elly called for me." Mahina ko pa ding sabi at pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. Pero habang inaalis ko ang hawak niya allo itong humihigpit.
"Why?" Mas lalong nangunot ang noo niya. Ano ba ang problema niya?
"She asked me if kilala kita personally." Be calm May. JUST.BE.CALM.
"And what did you say?"
"I said no. Hindi kita kilala." He should be happy. At siguro yun din naman ang hinihintay niyang isagot ko. His eyes narrowed in anger at hindi ko yun maintindihan. He should be glad. He was about to say something when my phone rang. Lihim akong nag thank you sa tumawag.
"Excuse me Sir." Binawi ko ulit ang kamay ko and this time, binitiwan na niya. I fished for my phone in my pocket and answered the call.
"Hey Andrew." Remember the Andrew before? Yes, siya yung pinagselosan ni Cloud before.
'Hey May, Are you coming later?' Ang ibig niyang sabihin ay kung pupunta ako sa bar na pagmamay ari niya. From my peripheral vision I saw how Cloud clinched his jaw. Anong kinagagalit niya?
"Sure." Tapos naglakad na ako papuntang elevator at palayo kay Cloud. Pagkasakay ko ng elevator, doon pa lang ako nakahinga ng maluwag.
Laking pasalamat ko nung natapos ang araw at hindi ako pinapatawag ni Cloud. By 6PM, nag ayos na ako ng gamit at lalabas na sana ng Department namin nung tinawag ako ng kasamahan ko.
"Ma'am May, akyat ka daw sa office ni Sir Cloud." Nagpanting ang tenga ko. At talaga naman nananadya ang bwisit na yun.
"Sige, dadaan na lang ako dun. Thanks." Tapos lumabas na ako ng Department. Sumakay ako ng elevator pero hindi ako patungo sa floor kung nasaan ang office ni Cloud. I pressed Ground floor. Bahala siya sa buhay niya. Pagdating ng elevator sa ground floor, nagmamadali akong lumabas at agad pumara ng taxi papunta sa bar ni Andrew. Papatayin muna ako ni Cloud bago niya ako mapapabalik sa opisina.
"Hi May! The usual?" Tumango lang ako at dumiretso na sa maliit na office ni Andrew. He served me food tapos iniwan na ako.You might think that there's something between us pero wala. Friends lang talaga kami. Although aaminin ko na after Cloud and I broke up, Andrew started hitting on me pero wala talaga akong nararamdaman sa kanya maliban sa friendship.
After kong kumain lumabas na ako ng room at umupo doon sa bar counter. Binigyan na din ako ni Andrew ng inumin.
"Mukhang busy ka sa office?" I just snorted at him and rolled my eyes na nagpatawa sa kanya.
"Hey what's wrong? Mukhang ready ka ng magresign eh kakahire mo lang di ba?" He chuckled at tumingin sa akin.
"Yeah! Kung may choice lang ako, nagresign na ako." Uminom ako ng juice.
"Why? Something's wrong with the boss?" I rolled my eyes again. Ang galing talaga manghula nito.
"Everything is wrong with the boss. His name si Cloud Elexier Tan. CEO, Son of the Owner." Napatingin bigla si Andrew sa akin. Amusement in his eyes nd recognition.
"Seriously?"
"Mukha ba akong nagbibiro?" Inirapan ko nga.
"That must be destiny!" he suddenly blurted out. Nanayo bigla ang balahibo ko sa sinabi niya. Destiny? Oh C'mon. Give me a break.
"Shut up Andrew. You are not helping." Naubos ko na ang juice ko kaya nirefill niya ulit ito.
"Baka talagang binibigyan kayong dalawa ng second chance. At siguro chance na din para mabuo ang..." I raised my glass to stop him from talking. Ayaw kong marinig.
"Pwede ba Andrew! I don't wanna hear anything about it. I can't even stand a few minutes with that asshole in the same room. I don't want anything to do with that fucking son of a bitch!" I blurted out na nagpalingon sa ibang tao na malapit sa amin ni Andrew. I don't care kung marinig man nilang lahat ang sinasabi ko. This is a democratic country and I am free to say whatever I want to say.
"That's three cusses directed at me in merely 20 seconds May Ayr Dominguez."
Nabilaukan ako ng juice. And I didn't have to look kung sino ang nagsalita.
What the fuck is he doing here?