20th day
Hindi ko alam ang isasagot ko and they are all waiting for my answer. I was looking at them hopelessly and wasn't able to utter a single word when the doorbell rang. Napahinga ako ng malalim. Ito ata talaga ang sinasabi nilang saved by the bell.
"I'll just open the door." Tapos nagmamadali na akong pumunta sa may pinto para buksan ito. And the moment I opened it, hindi ko alam if I was indeed saved by the bell or mas pinahamak ako ng bell. Because standing in front of me is Ma'am Elly and with her are two people which I assume as her parents at siempre magulang din ni Cloud.
"May, Good evening. Pasensiya na kung gabi na kami bumisita, nagmamadali kasi ang mga to." She motioned her parents na nakatingin lang sa akin, lalo na ang ina nila. Pakiramdam ko nanliit ako.
"Ma'am Elly. Pasok po kayo." I said after a while pagkatapos kong matulala.
"Mom! Dad!" Bulalas ni Cloud pagkakita niya sa parents niya tapos tumingin ng makahulugan kay Elly.
"I'm sorry, I slipped nung sinundo ko sila sa airport. Kaya nagpumilit na silang pumunta dito." Apologetic si Ma'am Elly tapos tumingin sa akin.
"SO, you don't have plan of telling us that we already have a granddaughter?" Mataray na sabi ng ina ni Cloud sabay tingin sa kay Sky tapos sa akin. Ewan, ko pero naiilang talaga ako.
"Mom, Dad. Si May, May, parents ko and this cute girl here is Sky." Biglang pakilala ni Cloud sa amin sa mga magulang nila. He totally ignored his Mom at hindi yun nakaligtas sa akin. Nakipagkamay ako sa ama ni Cloud at nakipagbeso sa Mama niya and while doing it naramdaman ko ang malamig na pakikitungo nila sa akin.
"It's nice meeting you Ma'am, Sir." Sabi ko but they ignored it. Ganito ba talaga ang mga parents niya? I mean, parang pakiramdam ko ang baba ng tingin nila sa akin.After a while nakipaglaro na sila kay Sky. Kung gaano kalamig ang pakikitungo nila sa akin, kabaliktaran naman nun ang pakikitungo nila kay Sky. Giliw na giliw sila sa bata and Sky is just thrilled upon knowing na may grandparents pala siya.
Iniwan ko sila at pumunta akong kitchen para tulungan si Yaya Loida na magprepare ng food nila. Yaya Loida gave me a weird look.
"Okay ka lang ba May?" She asked full of concern. Ngumiti lang ako ng tipid.
"Okay lang po. Medyo sumasakit lang ang ulo ko." Napabuntonghininga na lang siya tapos dinala na ang juice papuntang living room para ibigay sa mga bisita. Maya maya, naramdaman kong bumalik na siya sa kitchen.
"Yaya Loids, ako na ang magdadala ng mga sandwiches. Magpahinga ka na lang po at ako na ang baha..."
"Bakit ngayon mo lang pinakilala si Sky sa anak namin?" Hindi ko natapos ang sinasabi ko kasi obvious na hindi na si Yaya Loida ang pumasok sa kitchen. AT the same time nagulat ako dahil sa bitterness sa tono ng mga salita ng Mommy ni Cloud.
" So, ikaw pala ang May na muntik ng sumira sa buhay ng anak ko." Napatingin ako bigla sa kanya. Kung kanina, tinatago pa niya ang disgusto sa mukha niya, ngayon, obvious na obvious na ito. Kung pwede pa lang siguro na sumuka siya, ginawa na niya.
"Hindi ko po kayo maiintindihan." Tumaas ang kilay niya.
"My son, suffered a depression 4 years ago dahil sa isang babae. It took a lot of time bago siya nakarecover. Bilang isang ina, alam kong alam mo na masakit malayo sa isang anak pero dahil sa nangyari I have to endure it all. All of us in the family have to endure it all. It made me curious why my son was so affected. And looking at you now, hindi ko makita ang dahilan kung bakit nagkaganun si Cloud. And when everything is back to normal, bumalik ka ulit." Hindi ako nagsalita. I just keep mum dahil baka ano pa ang masabi ko. Kahit papaano may respeto pa din ako sa ina ni Cloud.
"Hindi ko maexplain kung gaano ka ka selfish. First, you took two years of my son's life, then you deprive him of his right as the father of Sky for four years. Kahit si Sky, pinagkait mo sa kanya ang karapatan niya sa magandang buhay at makilala ang iba niyang pamilya. Anong klaseng ina ka?" Automatic na tumulo ang mga luha ko. Pagsabihan lang ako ng kahit ano, wag lang maliitin ang pagiging ina ko. Dahil ginawa ko ang lahat para lang sa anak ko, at gagawin ko pa din ang lahat para sa kanya.
"Kung hindi ka ba pinaimbestigahan ni Cloud at hindi niya nalaman ang tungkol kay Sky, may plano ka bang sabihin sa kanya ang tungkol kay Sky or paiiralin mo pa din ang pagkaselfish mo?" I was clenching my hand while she was saying those words. Gusto kong itama ang ang mga sinasabi niya pero ayaw ko siyang sagutin dahil baka marinig ng mga tao sa labas. And I'm afraid na kapag ginawa ko yun, hindi ko mapigilan ang sarili kong mapahagulgol.
"Beatrice." Tawag ng Daddy ni Cloud sa Mommy niya. Yumuko ako para kahit papaano maitago ko ang pag iyak ko bago pa man siya makapasok sa kitchen. Pero hindi ko na pala kailangang gawin yun dahil umalis na ang Mommy ni Cloud at sinalubong ang Daddy niya tapos bumalik na sila sa living room.
Pumasok naman si Yaya Loida at nakita siguro ang pamumula ng mga mata ko.
"Anong nangyari?" Nagtatakang tanong niya.
"Wala po. Masakit lang talaga ang ulo ko. Hihiga muna ako Yaya. Pakiasikaso na lang po sila." Tapos dumiretso na ako sa kwarto ko at doon nag iiyak. Hindi ko alam kung gaano katagal. I just cried my heart out at dahil siguro sa sobrang pagod nakatulog ako.
Nagising na lang ako when I felt someone caressing my cheek.
Iminulat ko ang mga mata ko and I saw Cloud tenderly looking at me.
" You've been crying. Again." And I saw the pained expression on his face.