4th Day
Hindi ko alam kung matinong pasok pa ba ng isang empleyado ang ginagawa ko. Dapat 8AM ang pasok ko pero 7AM pa lang andito na ako sa building ng opisina namin. At siguro nga hindi talaga ako matinong empleyado. Sino ba kasing matinong empleyado ang makipagsagutan sa boss. At hindi lang basta boss. Siya ang pinakabig boss. And to make it worst he is the son of the owner. Utang na loob, bakit ba kasi sa dinami dami ng kompanyang pwede kong pag applayan ang kompanya pa na to ang napili ko?
Pagkapasok na pagkapasok ko sa building huminga ako ng malalim. Alam kong impossible..as in IMPOSSIBLE na magkita pa kaming dalawa sa elevator. Pag nagkita man kami, for sure sinasadya na niya yun. Oo ang kapal kong sabihin na sinasadya na niya yun pero ganun na ganun siya dati nung college kami. Na halos kahit saan ako tumingin nakikita ko ang pagmumukha niya.
Naglakad na ako papuntang elevator, pero before that tumingin muna ako sa paligid ko, making sure na wala siya. Paranoid na kung paranoid pero ayaw ko na siyang makasama sa elevator. Pagdating ko sa elevator tsaka pa lang ako nakahinga ng maluwag. Thank God at wala siya.
Pinauna ko ang mga nauna sa akin tsaka ako pumasok sa elevator. Pipindutin ko na sana ang close button nung may pumigil nito and I saw Cloud enter.
"Shit!" Wala sa sariling nasabi ko. Napatingin ang mga kasamahan ko sa elevator pero mas intense ang tingin ni Cloud sa akin. Pakiramdam ko nag init na naman ang buong mukha ko. I didn't intend to say it loudly. Nagulat lang ako sa pagdating niya. Naging CEO na nga't lahat, stalker na stalker pa din ang dating. Parang tanga lang.
"You're saying Miss Dominguez?" nakataas na kilay na sabi niya. Lalo tuloy napatingin ang ibang tao sa amin. Parang gago talaga itong si Cloud.
"Nothing Sir. May dumi lang kasi ang sapatos ko." Sabi ko na lang. Alangan naman na aminin ko na napamura ako kasi sumakay siya ng elevator.
Ang awkward ng situation. nasa likod niya ako at amoy na amoy ko siya. Naooverwhelm ako lalo na at mukhang hindi siya nagbago ng pabango. Ito pa din ang pabango niya nung college na sa sobrang kaadikan ko bumili pa talaga ako para maamoy ko siya palagi kahit hindi kami magkasama. Tawa pa siya dati ng tawa nung nalaman niya yun. Bakit daw ba kasi hindi ko na lang siya ibalot at ibulsa para maamoy ko siya palagi.
I shook my head to get rid of the memories na lalong nagpahilo sa akin. Nangangati na din ang kamay kong sabunutan siya dahil sa iritasyon na nararamdaman ko. Unti unti kumukonte ang mga to sa elevator kasi nagsibabaan na sa kani-kanilang floor. At habang umuunti kami, lalo namang lumalakas ang kaba ko.
Laking pasalamat ko naman nung may naiwan pang ibang empleyado pagdating namin sa 20th floor. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator, daig ko pa ang hurricane sa bilis ko sa paglabas ng elevator. Todo iwas din ako sa kanya. Ayaw kong magdikit ang mga balat namin. kahit ang balahibo namin, ayaw kong magdikit.
Nakahinga na lang ako ulit ng maayos nung makapasok na ako sa Department namin mismo. Hay bwisit! Ke aga aga! Stress!
Umupo na ako sa table ko at mga 5 minutes muna bago ko binuksan ang computer. Ano kaya kung bukas tanghali na ako papasok? Makakasabay ko pa din ba siya sa elevator? Kung makakasabay ko pa din siya aba, kailangan ko na atang magpagawa ng sarili kong elevator.
"Ma'am May! Ang aga aga mukhang haggard na haggard kayo ah!" Puna sa akin ng kapapasok na na kasamahan ko. I smiled at her weakly tapos hindi na lang ako nagcomment.
Nagsimula na din akong magtrabaho. Magb-break na nung umaga nung may iniabot na memo sa akin ang isang kasamahan namin.
Date: May 4, 2013
For: All Associates
From: Cloud Elexier Tan,CEO
Re: Wearing of proper office attire
We work in an office environment that requires interaction with internal and external customers; therefore you are expected to dress and conduct yourself in a manner that does not bring discredit to our organization. Employees are expected to dress in a manner that is consistent with the type of work being performed as outlined in the Administrative Policy.
Your attire should be neat, clean and not in disrepair. Clothing with language or images that are offensive, discriminatory, threatening, or advocates unlawful activities, and clothing that is sexually provocative or overly revealing is not appropriate for the work place. Particularly for the ladies wearing very short skirts. Such clothing unreasonably interferes with employees work performance and may create an unproductive and unpleasant work environment in violation of department policies.
It is therefore ordered that starting tomorrow, May 5, 2013 the abovementioned attires are prohibited...
Signed
CET
Napatingin ako sa suot kong palda tapos sa memo. Nagpapatama ba ang walanghiyang to?? At talagang nakabold ang short skirts. Pakiramdam ko umuusok ang tenga ko.
Namemersonal ba siya? Gustong gusto kong i-crumple ang memo kaso kailangan pa itong i route sa ibang Departments. Ang kapal ng mukha niya. I was seething with anger and trying to calm myself nung tumawag ang secretary ng magaling na CEO.
"Ma'am May, pinapaakyat po kayo ni Sir Cloud sa office niya. ASAP daw po."