21st Day

76.1K 1.4K 199
                                    

21st Day

Umiling ako sa sinabi niya at tiningnan ang bedside clock and it's already 6AM. Bakit andito siya ganito kaaga.

"Ang aga mo." Sabi ko na lang to divert the topic. Tapos umupo ako sa kama at sumandal sa headboard.

"Dito ako natulog. Hindi ka na alng namin ginising kagabi kasi sabi ni Yaya Loida, masakit daw ang ulo. And now, I know better. Umiyak ka magdamag. Bakit?" Nakikita ko pa din ang lungkot sa mga mata niya.

"Hindi ako umiyak." Kumunot ang noo niya.

"I have seen enough of your tears kaya alam ko kung kelan ka umiyak May. Don't try to deny it. Bakit?" Umiling ulit ako. Ayaw kong sabihin sa kanya ang pinag usapan namin ng Mommy niya.

"Dad told me na kinausap ka kagabi ni Mommy. M-May sinabi ba siya sayo?" Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang klase ng tingin na binibigay niya sa akin. It was full of tenderness that I cannot help myself but swoon.

"Nothing." Paiwas ko pa din na sagot. Umiling siya as if saying that he didn't believe me a bit.

"Nothing? And you cried overnight over that nothing? May, kilala ko si Mommy. I know how shrewd she is. That's the reason why nag aalangan akong ipakilala ka sa kanila dati. She got a sharp tongue and I believe she again unleashed it last night. But if you didn't want to talk about it, sige pagbibigyan kita. Pero I'll make sure na hindi na ito mauulit." Nakahinga naman ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Kung ano man ang sinabi ng ina niya, ayaw ko ng ipagkalat. Kuna ano man ang gagawin niya para hindi na maulit ang nangyari kagabi, bahala na siya.

"May mas interesado akong malaman kaya andito ako ngayon. In fact, yun ang dahilan kung bakit hindi ko umuwi. You have an unanswered question last night before my parents arrived and I am dying to hear your answer." Andyan na naman ang kaba ko katulad ng kagabi. Nagulat din ako sa sinabi niya kasi hindi ko ineexpect na uungkatin pa niya ang bagay na yun. Akala ko nakatakas na ako, hindi pa pala.

"Cloud..." I was tongue tied just like last night.

"May, tatanggapin ko kahit ano man ang sagot mo. " I very well know that he would exactly do that. Kilala ko siya. Kung maiiwasan niya hindi na niya uulitin ang pagkakamali niya at isa na doon ang pagpilit ng mga bagay bagay sa akin. Sinabi na niyang wala na siyang hihingin na kahit ano sa akin at alam kong gagawin niya yun. So, kapag sinabi kong hidni ko na siya mahal reresoetuhin niya yun.

"But if you say no, it doesn't mean that I would stop loving you. Hihintayin ko hanggang sa mahalin mo ulit ako. I would wait patiently hanggang sa matutunan mo ulit akong mahalin. " And I know that he meant it. Every word of it.

"Cloud, I can no longer teach myself to love you again." Mahinang sabi ko and agad na rumehistro ang lungkot sa mukha niya. His eyes watered and he blink plenty of times.

"I-It's o-okay." Mahinang sabi niya. Then umiling siya. "No! It's not okay. But I understand. Nirerespeto ko ang desisyon mo." Nanlulumong tumayo siya sa kama. My heart goes out to him. Kitang kita ang lungkot sa mga mata niya.

At bago pa siya makahakbang papuntang pinto I added,

"I could no longer teach myself to love you again, because I never cease loving you, in the first place." May tumulong luha sa mga mata ko. Ang sakit sakit aminin ng katotohanang yun. It was so painful yet so liberating. Parang nawala ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Yet, alam kong sa mga sandaling yun sumuko na ako. I never thought that such a surrender could give me inner peace. Kaya yung luhang tumulo sa mga mata ko, hindi ko alam kung dahil ba sa sakit o sa kaligayahan.

He stopped in his track and is frozen for a while. And in a moment naramdaman ko na lang na yakap yakap na niya ako. Sobrang higpit ng yakap niya na halos hindi na ako makahinga. I return his embrace and cried in his shoulders hanggang sa maramdaman ko na umiiyak na din siya sa balikat ko. We hugged for a long time na para bang binabawi namin ang mga panahong nawala sa amin.

Saglit siyang bumitaw and brush my tears. Pinunasan ko din ang luha niya.

"You're still a crybaby in bed." Tumawa siya ng kunti at alam kong naalala niya ang sinasabi ko.

"Yes, only when it comes to you." Bumababa ang mukha niya as he is saying those words and I just close my eyes before his lips touched mine. And when our lips touched, literal na tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Our lips are not even moving, but I can feel the intensity of our kiss. Yung utak ko, napapasigaw ng oh my God! I have never felt such an electrifying kiss before. Kahit ang first kiss namin hindi ganito. Our previous kisses just paled in comparison to this kiss. How could a kiss be so innocent and pure but full of emotion as well?

"I love you." He whispered at nakikita ko ang sincerity sa mga mata niya. Yes, we both suffered these past years and I know this second chance is worth it. At kahit matalo pa ako sa sugal na ito, alam kong hindi ko ito pagsisisihan.

"I love you too." And it is me who pulled him closer to me so our lips would touched.

And when his lips moved, I followed suit. When his tongue seek entrance I opened up. And again, I felt the feeling I have never felt for a long time. I felt loved and it's as if he is already making love to me just by kissing me. At kung saan man ang kahahantungan ng halik namin ngayon, alam kong hindi ko pagsisisihan. Because how could I regret something that is so beautiful? 

30 Days of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon