16th day
Cloud's POV:
"Idiot!" Yun ang unang salitang lumabas sa mga bibig ni Andrew nung kinausap ko siya kinaumagahan after I receive the report from the PI I hired. Hindi din maikakaila ang galit sa mga mata niya na lalong nagpadagdag sa nararamdaman ko. I felt awful.
"What an idiot you are. May and I never had a relationship, maybe I flirted with her pero ni minsan hindi niya ako pinatulan. If she did she wouldn't have been miserable in her life. At yun ang dahilan kung bakit ilang beses mo siyang ni reject?" His eyes is full of contempt pagkatapos niyang marinig ang panig ko. May pakiramdam pa ako na kunti na lang at susuntukin na niya ako.
"Frankly Cloud, I don't see the point of you doing this. Ginugulo mo lang ulit ang buhay niya."
"I love her." He norted na parang natatawa dahil sa sinabi ko. Nainsulto ako.
"Love her? I don't mean to insult your so called love, but I'm just wondering, what kind of love is it? Kung talagang mahal mo siya, bakit mo naatim na I reject siya sa mga panahong kailangang kailangan ka niya? She had nothing at that time at ikaw na lang ang pag asa niya pero ano ang ginawa mo? Yan ba ang pagmamahal na sinasabi mo? Dahil nagselos ka? Napakababaw mo! Yeah, dapat si May ang nagsasabi ng mga salitang ito ngayon sayo. Pero hindi ko matiis na hindi sabihin sayo at dahil alam kong hindi niya makakakayang sabihin ang mga salitang ito sa'yo because despite of your rottenness that poor girl had loved or maybe is still loving you. Kung alam mo lang kung ano ang pinagdaanan niya nung pinanganak..." Bigla siyang natigilan. He hesitated.
"Fuck!" Yun na alng ang nasabi niya nung narealize niya ang pagkakamali niya.
"Alam kong nagkaanak siya." Lalong umigting ang galit sa mga mata niya.
"Alam mo ang tungkol kay Skylar at wala kang ginagawa ngayon? At bakit andito ka at kinakausap ako when you could have gone to your child?"
"I wanted to know first if she is indeed my child. You see walang father name sa birth..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinuntok na ako ni Andrew. Natumba ako at nagulat ang lahat ng tao sa restaurant kung saan kami kumakain.
"Puta...Putang Ina mo! Tinatanong mo pa yan? Bakit hindi mo puntahan ang anak mo at ng malaman mo ang katotohanan. Putang Ina! Ako ang magiging pinakamasayang tao kapag hindi ka pinatawad ni May at hindi na siya bumalik sayo habang buhay para maging miserable ka hanggang mamatay!" Tapos nagmamadali na siyang umalis ng resto. I brushed the blood in my mouth at binayaran ang kinain namin pati ang damage. Then I headed straight to the hospital.
Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Gusto kong pagsusuntukin ang sarili ko pero alam kong hindi pa sapat yun para pagbayaran ang lahat ng nagawa ko. Pagkasakay ko sa kotse, doon ko hinayaang tumulo ang mga luha ko.
Kaya pala ganun na lang ang galit ni may sa akin. Kaya pala mahirap para sa kanya na makipagbalikan sa akin Sobrang sakit pala ang naibigay ko sa kanya. AT kahit ilang sorry siguro ang gawin ko at kahit lumuhod pa ako sa harap niya kulang pa. Kung nitong mga nakaraang araw, desidido akong gawin ang lahat para bumalik lang siya sa akin, ngayon, pakiramdam ko hindi ako karapat dapat.
Dumiretso ako sa hospital na sinabi sa akin ng PI kung nasaan ang anak ko. Nanlalamig ang mga kamay ko habang nagdadrive. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. She's nearly 4 years old and I know kahit papaano nakakaintindi na siya. At kung may itatanong siya, ano ang isasagot ko? Kung itatanong niya kung bakit ngayon lang niya ako nakita, ano ang isasagot ko sa kanya?
I parked at the hospital at habang papalapit ako sa kwarto kung saan nakaconfine ang anak ko lalong lumalakas ang kaba ng dibdib ko. Kahit kailan hindi pa ako kinabahan ng ganito. Natatakot ako. The kind of fear that made me want to run away yet hindi ko magawa dahil mas lamang ang pananabik sa puso ko.
I wonder what she looked like.
I knocked at the door kung saan ang kwarto niya. Naghintay ako ng ilang saglit bago nagbukas ang pinto. And when the door opened, nakit akong namutla ang nagbukas nito.
"Cloud!" Panicked is evident in Yaya Loida's face upon seeing me.
"Yaya Loids..." Nagkita na kami dati kasi ilang beses din akong pumunta sa bahay nila May dati. Pumasok na ako ng kwarto when I saw the form lying on the bed. Parang hinihila ako palapit and I was holding my breath.
"Ahmmm Cloud.. pinapunta ka ba dito ni May? Sinabi nya ba sayo..." Halatang natataranta na talaga siya.
"No Yaya Loida. Hindi ito alam ni May." I said matter of factly.
"Diyos ko." Yun na lang ang nasabi ni Yaya Loida. Hindi ko na din siya masyadong napansin kasi automatic na tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa tahimik na batang nakahiga at natutulog sa kama. Parang lumukso ang puso ko pagkakita ko sa mukha niya.
Naninikip lalo ang dibdib ko. My heart beats loudly. Para akong tumitingin sa babaeng version ko nung kabataan ko. I wanted to crushed her in my arms kung hindi lang siya natutulog. At naaawa ako sa sitwasyon niya. She's too young to experience this thing.
Gustong gusto ko na siyang yakapin pero ang magagawa ko lang ngayon ay umiyak sa harap niya. My child. My poor child.
"S-skylar." Halos hindi ko mabigkas ang pangalan niya dahil sa bumabara sa lalamunan ko. I kneeled in beside her bed and touched her hand. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapahagulgol.
I kissed her small and delicate hand. Aaminin kong masakit nung nagkahiwalay kami ni May pero mas masakit pala na makita mo ang anak mo sa ganitong sitwasyon. So helpless and vulnerable.
"Daddy will make sure that you'll be alright. I promise." Hinalikan ko ulit ang kamay niya and held on tight to her.
"Nanay Loids..." Napatingin ako bigla sa mukha niya. She's already awake at nakatingin ng diretso sa akin.
"May masakit ba sa'yo anak? May gusto ka bang kainin?" Lumapit agad si Yaya Loida kaya napilitan akong umusog at biniwan ang kamay niya. Pinahid na din ni yaya ang luha niya.
"No po. Pero sino po ang kasama natin. Yung may hawak po kanina ng kamay ko?" Tumingin siya kay Yaya Loida.
"Ahmmm Sky. .." Tumingin si yaya Loida sa akin tapos kay Sky.
"Andito na po ba si Mommy? Bakit po hindi ko siya naaamoy?" She said and directly looked at me. And then it hit me.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa when I realized something.
She's cannot see.
My child is blind.