17th Day

81.1K 1.5K 211
                                    

17th Day

Pagkapasok ko sa office, everyone lookd at me in a weird way. Pero halos lahat ng tingin nila, hindi ko pinansin. Masyado akong occupied sa mga problema ko na lutang na lutang ako. Hanggang ngayon hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko. Kung saan ko kukunin ang panggastos para maoperahan si Sky. Sa dami ng problema ko, pakiramdam ko, gusto ko ng maggive up, parang hindi ko kakayanin pero pilit akong nagpapakatatag. Kung nakaya ko dati, walang rason kung bakit hindi ko makakaya ngayon.

At hanggang ngayon din, hindi pa ako nakapagdecide kung sasabihin ko ba kay Cloud ang tungkol kay Sky. Kasi siya na lang ang alam kung makakatulong sa akin. Ayaw ko ng humingi ng tulong kay Andrew. Sobra sobra na pag sa kanya pa din ako tatakbo.

"Ma'am May, Ma'am May." Napaigtad ako at napatingin sa tumatawag sa akin.

"Yes?" Kanina pa ata niya ako tinatawag at dahil sa wala nga ako sa sarili ko, hindi ko napansin ang pagtawag niya.

"Ma'am pinapatawag ka po sa taas." Agad akong kinabahan sa narinig ko. Biglang nanlamig ang mga kamay ko.

"Sa office po ni Ma'am Elly." Doon ako napahinga ng maluwag sa sinabi niya. Buong akala ko si Cloud ang nagpatawag sa akin. Hindi pa ako handang kausapin siya. Agad kong inayos ang sarili ko at umakyat sa opisina ni Ma'am Elly. Pinapasok ako kaagad sa kanyang office pagdating ko.

She is reading some papers at ni hindi ako tinapunan ng tingin. Kung ganyan siya kaseryoso, mas nakikita ang similarity nilang magkapatid. They both have chinky eyes, flawless skin, prominent nose and long lashes. And pagkakaiba alng, mas soft ang features ni Ma'am Elly while yung kay Cloud, very masculine.

"You may take a seat May." Sabi niya sa akin motioning the chair in front of her but still unsmiling which is quite odd. Palagi kasi siyang nakangiti. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nenerbiyos.

Binitiwan niya ang binabasa niya nung nakaupo na ako sa harap niya then she regarded me seriously.

"May, I will no longer beat around the bush, but if you remember, I once asked you if you know Cloud personally since I noticed that he treated you differently. And you said no and I believe you but it seems that you lied at me. Hindi na sana ako makikialam sa drama niyong dalawa kasi drama niyo yan eh. But these past days, lalo na nung mga araw na wala ka, he had been a mess to thepoint na lahat ng tao nasisigawan niya. I don't want to meddle but I also don't want na maapektuhan ang opisina dahil sa problema niyong dalawa. " She looked at me sharply at napayuko na lang ako.

"I'm sorry Ma'am Elly. It's not my intention fo cause havoc...." Hindi ko natapos ang sasabihin ko because she cut me off.

"I know and I don't blame you for it. You were hired before Cloud took the position and you've been doing well bago siya dumating. Nakita ko din ang pag iwas mo sa kanya but knowing my brother, alam kong mahirap siyang iwasan. Ilang beses na din kitang nakitang umiiyak habang palabas ng opisina niya. And gusto ko lang sabihin ay, pag usapan niyo ang issue niyo dahil biglang kapatid, ayaw ko ng maulit ang depression niya noon." Tumango na lang ako sa sinabi niya. Hiyang hiya ako kay Ma'am Elly. Pagkalabas ko sa opisina niya, dumiretso na ako sa opisina ni Cloud. Nakapagdesisyon na ako na kakausapin ko siya.

Tama si Ma'am Elly siguro nga kailangan na niyang malaman ang tungkol kay Sky. Dahil sa mga panahong ito, alam kogn siya lang ang makakatulong dito.

Wala pa din siya sabi ng secretary niya at hindi niya alam kung nasaan ito. Hindi naman daw kasi nagsabi. Bumalik ako sa table ko pero habang tumatagal lalong lamalakas ang kaba ko. Hindi ko alam kung bakit.

I was so edgy and fidgety na halos hindi ko na maiintindihan ang ginagawa ko. And my head is starting to ache dahil sa mga pinag iisip ko. Ang totoo lang gusto ko ng umiyak. I wanted to break down. I wanted to release all the frustrations that I am feeling para kahit papaano lumuwag ng konti ang dibdib ko.

Nasa ganun akong kalagayan when my cellphone beeped. It was a text message from Yaya Loida.

'May, andito si Cloud sa hospital.'

My breath automatically hitched upon reading the message. Iisa lang ang ibig sabihin kung bakit andun si Cloud sa hospital. Alam na niya ang tungkol kay Sky.

I scrolled for other messages at nabasa ko din ang text ni Andrew na nagkausap sila ni Cloud at alam na nga ni Cloud ang tungkol kay Sky.

Hindi ko na nakuhang magpaalam sa opisina, agad akong bumaba ng building at sumakay ng taxi papuntang hospital. Halos lakad takbo ako papunta sa kwarto ni Sky.

I opened the door with a trembling hand and I caught my breath when I saw him beside Skys' bed.

He is holding her delicate hand while talking to her pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang luha sa mga mata niya. Yaya Loida is at the corner of the room wiping her tears.

Tapos binaling niya ang tingin niya sa akin. Nagkatinginan kami and my heart clenched upon seeing the hurt in his eyes. 

30 Days of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon