27th Day

70K 1.3K 195
                                    

27th Day

May's POV:

Naramdaman ko ang pag alis ni Cloud sa tabi ko nung umagang iyon. At sabay ng pagdilat ng mga mata ko ang matinding kirot sa ulo ko. I was out of breath sa sobrang sakit. I tried to stand up para kunin ang mga gamot ko but my feet failed me. Natumba ako sa sahig. And I crawled palapit sa bag ko and pour its contents para mas madali kong makuha ang mga gamot.

I immediately took the medicines at ininom ito kahit na walang tubig and crawled back to my bed. Humiga ako until the pain subsides. I stopped myself from screaming dahil sa sakit. This is the effect kapag hindi ako nakakinom ng painkillers. The painkillers only last for hours and I am sure as hell na sasakit ang ulo ko kapag hindi ako nakainom. At yun ang nangyayari ngayon dahil hindi ako nakainom ng painkiller kagabi.

Pero naramdaman kong isang oras na akong nakahiga pero masakit pa din ang ulo ko. Although the pain had somewhat subside but still masakit pa din. Hindi katulad nung dati na nawawala talaga.

Nung naramdaman kong kaya ko ng tumayo, Nag ayos ako at nagpaalam kina Yaya na aalis lang saglit. At dumiretso ako sa kay Dr. Chiong. I need a stronger painkiller. Bakit hindi na umeepekto ang mga gamot ko?

"May, you need to be admitted." Yun ang sinabi ni Doc sa akin nung sinabi ko sa kanya ang nangyari. But I refused. Para saan? To prolong my life?

After namin mag usap ni Doc, sinamahan ako ng secretary niya para sa mga tests na kailangan kong gawin. But on the way to the laboratories kasama ang secretary ni Doc, inatake na naman ako ng sakit ng ulo ko and this time I blacked out.

Nagising ako kinabukasan at pinilit kong lumabas ng hospital kahit ayaw ng doctor ko dahil alam kong nagwoworry na ang mag ama ko. Hindi nila alam kung nasaan ako at baka sobrang nagwoworry na sila. Binigyan naman ako ni Doc na mas strong na painkiller habang umiiling. Alam ko na nagiging matigas ang ulo ko pero gusto kong makasama ang pamilya ko on the last days of my life. At ayaw kong makasama ko sila sa loob ng hospital. It wouldn't be healthy for Sky. Ayaw kong alalahanin niyang huli niya akong nakita nanghihina sa loob ng hospital suite.

Nung nakauwi na ako, pinilit kong umaktong okay sa harap nilang tatlo kahit na hinang hina pa ako at kahit gustong gusto ko na lang humilig sa kay Cloud at umiyak sa balikat niya. I needed his strenth at that moment pero hindi ko magawang sabihin sa kanya ang totoo. I fear his reaction, I fear his pain. Oo nga at naging malakas ako nitong nakaraang taon pero pagdating sa kanilang dalawa ni Sky alam ko kung gaano ako kahina.

At iniisip ko pa lang ang sakit na mararamdaman niya pag nalaman niya ang kundisyon ko, nasasaktan na ako at nung mga panahong yun I cannot bear it kapag nakita ko siyang masaktan. Hindi ko kakayanin yun. Kaya hindi ko sinabi sa kanya hanggang sa magdinner kami sa kanila. Nagkausap kami ng Mommy niya at nagkapatawaran. Pero hindi nakaligtas sa akin ang mataman na pagsulyap sa akin ng ina niya. Ilang beses niyang tinanong kung okay lang ako. I said I am okay kahit ng mga panahon na yun gustong gusto kong mahiga.

Kinabahan pa ako nung sinabi niya kay Cloud ang kundisyon ko, I was just too glad when he didn't ask more. He just carried me to bed at pinatulog ako which is whatvmy body needed.

Kaya kanina, bumalik ako kay Doctor Chiong para malaman ang result ng mga tests at nanlumo ako sa nalaman. I have no hope. Just 3 more days just as predicted. Halos hidni ko matanggap kahit alam ko na. I expected a few more days. Pinilit kong hindi umiyak. Pinili kong magpakatatag because I need it. Kailangan kong magpakatatag dahil kailangan kong sabihin sa kanila ang totoo. I need to be strong for them kahit hindi ko alam ang sasabihin ko.

How am I supposed to tell Cloud? That I cannot accept his proposal because I will die in three days time?

How am I able to talk to Sky? Paano ko maipaintindi sa kanya that Mommy would no longer be there for her?

Iniisip ko pa lang parang hindi ko na kaya kailangan kong magpakatatag because I might break kapag nakita ko silang umiiyak.

Because having this desease is not the hardest part of it all, ang pinakamahirap at ang pinakamasakit ay ang pagsabi ng katotohanan sa mag mahal mo sa buhay. Dahil doble ang sakit na mararamdaman mo. The physical pain and emotional pain that you are feeling at ang sakit na nararamdaman nila.

Because if I have accepted it, hindi ko alam kung paano nila tatanggapin.

Kaya umuwi ako sa dati kong apartment dahil hindi ko kayang umuwi sa condo. I need time to myself para kumuha ng kunting lakas. To compose myself para pag humarap ako sa kanila, I still have some strenth dahil ayaw kong sabihin sa kanila na hinang hina ako at umiiyak. At least sa pamamagitan nito, maipapakita ko sa kanila na tanggap ko na ang kalagayan ko and they should accept it too. They should accept with an open heart dahil kahit mamatay man ako, naging masaya naman ako. Yes, I've been happy pero hindi ko pa din mapigilan ang mapaluha. Ganito ata talaga pag alam mong aalis ka na.

Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang mga luhang umaagos sa pisngi ko. It might also be my last tears. I was still one of the lucky few to be able to seal my own fate and write my own death. It might sound suicide nut no, it is acceptance.

At hindi ako dapat nanghihinayang. I shouldn't hope for a longer life though I still wished it. It was too much to ask for it because I've been happy. I've been happy with Cloud during our college years, I've been happy when I first saw Sky despite the hardships. I've been happy during the years that Sky and I we're together. And I've been happy for the last days na magkasama kaming tatlo.

What more could I ask? Why would I ask for a longer life kung alam kong magiging masaya ako na may tao akong mapapasaya sa pag alis ko? Because really, for me, life is more meaningful and joyful if you've brought joy to someone else's life.

Kaya dapat hindi ako manghihinayang, dapat hindi ako malulungkot. Sa loob ng twenty-two years naging masaya ako. I've been blessed because I was able to survived it. Nakilala ko si Cloud and Sky was given to me and that is enough. Dahil lahat ng tao namamatay, it just so happen that mine will come earlier.

Pinahid ko ang mga luha ko and manage a smile. Dahil alam kong hindi ko pagsisisihan ang bagay na ito.

As I was wiping my tears, my heart suddenly stopped when I heard Cloud say...

"Why didn't you tell me?"

30 Days of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon