12th- 14th Day

83K 1.5K 228
                                    


Maaga akong pumasok sa office kinabukasan. Hindi ko na hinintay na dumating pa siya para sa sinabi niyang paglilipat bahay. Yes, I don't doubt na totohanin niya ang sinabi niya. Ni hindi nga ako magtataka kung pati kotse meron na din ako. At siguro at the mere mention of money he would in an instant deposit millions in my account.

Noon pa, alam ko na yan. He always would go overboard. He was always generous sa mga bagay bagay. Kaya sobrang nasanay ako sa presensiya niya at kaya nainsecure ako nung nabawasan at halos mawalan na siya ng oras sa akin. Halos maging dependent ako sa kanya to the point na natatakot na akong tumawid sa kalsada mag isa ng hindi siya kasama samantalang nung hindi pa kami nakikipagpatintero ako sa mga sasakyan. Oo ganun ako ka dependent sa kanya dati. Ganyan niya ako sinanay that he would provide everything for you in a golden platter and you would not be needing anything except him. That's why nung nawala siya sa buhay ko, hindi ko na alam kung paano magsimula. Para akong batang nag-aaral ulit kung paano maglakad. At ang hirap. Ang hirap tumayo mag isa ng wala kang kahit isang makakapitan. At ang isang tao na sana dadamay sato ay siya pang taong ipagtabuyan ka sa mga panahong kailangang kailangan mo siya.

Ngayon, mas gugustuhin ko bang bumalik sa dati? Just when I have started to stand on my own two feet may gusto ko bang may aagapay na naman sa akin? Kinakaya ko na di ba at alam kong kakayanin ko kaya bakit ko pa gugustuhing maging dependent ulit?

"Ma'am May pinapatawag ka ni Sir Cloud." Halos tumalon ako nung marinig ko yun. Andito na siya at alam kong galing siya sa apartment dahil pagdating ko wala pa siya kanina sa office. Siguro kakarating lang niya at ayaw ko siyang harapin.

"Si-sige. Aakyat ako pagkatapos nito." Sinulyapan ko lang saglit ang staff ko na nagsalita. Kinuha ko ang mug ko na may laman pang malamig na kape and I noticed that my hand is shaking. God! I am becoming a nervous wreck because of him.

"Nakasalubong ko kanina si Sir Cloud." Narinig kong kwento ng isang staff ko din sa katabi niya. Hindi naman ako tsismosa pero hindi ko maiwasang hindi marinig ang sinabi niya lalo na at pagdating kay Cloud nagooverdrive ang lahat ng senses ko.

"Ang pogi niya sa polo at jeans. Kikiligin na sana ako pero magkasalubong na naman ang kilay niya. Babatiin ko sana pero nakakatakot kasi baka singhalan lang niya ako."

"Hindi ka pa nasanay? Pero kahit na ang seryoso niya palagi, di pa din maipagkakaila na pogi talaga siya. Alam mo yun? At yung kasungitan niya parang nagpapadagdag sa appeal niya." Pinilit kong alisin ang atensiyon ko sa dalawa kong staff na nag uusap at ibinaba ko na din ang hawak kong mug kasi natatakot ako na baka mabitiwan ko pa.

Nagconcentrate na lang ako sa pagtatrabaho hanggang sa malapit ng maglunch.

"Ma'am tumawag po ulit sa taas. Tinatanong kung bakit di pa daw kayo umaakyat." Sabi ulit nung nagsabi sa akin.

"Naku! Nakalimutan ko." Sabi ko na lang pero hindi ko talaga nakalimutan. Kahit mahigit isang oras na ang nakalipas simula nang pinatawag niya ako, hindi ko yun nakalimutan. Ayaw ko lang siyang makausap. Ayaw ko siyang makaharap dahil napapagod na akong makipagtalo sa kanya dahil alam ko, anytime I would break down. Ngayon nacocontrol ko pa ang emosyon ko pero alam kong kapag nasa harapan na niya ako, mahihirapan na akong gawin yun.

"Sige aakyat na ako." Tumayo na ako at naglakad palabas ng Department at papuntang washroom. Ayaw ko, ayaw kong humarap sa kanya. Hindi sa mga panahon ngayon. Tumayo lang ako para masabi ng mga tao na pumunta ako sa office niya. Alam kong hindi mga tanga ang mga tao sa office at alam ko ding madami na ang nakakapansin ng palaging pagpapatawag ni Cloud sa akin. Alam ko din na madami na ang nagdududa at nag uusap ng tungkol sa amin pero lahat ng yun binabaliwala ko. Siguro nga nasanay na ako dahil college pa lang pinag uusapan na ako. Ano ang kaibahan ng opisina sa campus?

30 Days of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon