2nd Day

185K 1.7K 96
                                    

2nd Day

Kinabukasan, ang aga kung gumising kaya maaga akong dumating sa office at laking pasasalamat ko na walang masyadong pila sa elevator. Akalain mo yun, 45 minutes early ako! Nung dumating ang isang elevator sa ground floor sumakay ako kaagad at napahinga na din ako ng malalim.

Pasara na ang elevator nung biglang nagbukas ulit ito and just like yesterday, pumasok siya. Yes! Siya. Si Cloud Elexier Tan. This time nagkatinginan kami and there's a hint of a smile on his lips.

Hindi ba niya ako nakikilala? Sana naman! Nagbago na ba ang mukha ko? Parang hindi naman! Wala naman akong pinaretoke.

Ano ba! Lalabas na lang kaya ako. Pero kakahiya naman.

Huminga ako ng malalim.

Potang Ina lang! Ba't palaging magkasabay kami sa elevator?

Sinasadya niya ba to?

Sinusundan niya ba ako?

Katulad nung dati? Nung nagkakilala kami?

I bite my lips.

5 years ago...

"Sinusundan mo ba ako?" Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang lalaking bwisit na sumusunod sa akin. Bwisit talaga! Buti sana kung discreet and pang iistalk sa akin pero lantaran eh! Yung tipong pag dumadaan ako saArchitecture building, malayo ka pa alng titingin na sayo at hindi na inaalis ang tingin. Obvious na obvious na tinitingnan ka. It gives me the creeps. At ngayon, hindi pa nakuntento sa pagtingin, talagang, sinusundan na ako kahit saan ako pumunta! Wala na bang magawang matino sa buhay ang lalaking ito?

Gusto niya din na maging biktima?

"Hi May! I'm Cloud Elexier Tan." He offered his hand para makipagkamay sa akin pero tinignan ko lang ito tapos tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi yan ang sagot sa tanong ko. Anyway, ano ang kailangan mo at sinusundan mo ako?" Ganyan ako kaprangka. Walang pakundangan.

"I wanted to formally introduce myself to you." Aaminin ko, pogi ang lalaking to. Mestizo, singkit at matangkad. At sa totoo lang, kilala ko na siya. Sino ang hindi makakakilala sa campus crush and this year's only Summa Cum Laude and one of the Ten Outstanding Students of the Philippines? Sino ang hindi makakakilala eh nakabalandra ang napakalaki niyang poster sa harap ng school namin.

"Really?" Sabi ko pa in my most sarcastic tone tapos ngumiti ako at lumapit sa kanya. Too close for anyone's comfort and I can see his blush starting to crept up his handsome face.

"Bakit? Gusto mo din akong matikman? Narinig mo na ba ang news that the campus flirt have just dumped her current fling? Do you want to be the next? Do you want to be number 83?"

Muntik na akong mapatawa ng malakas nung nakita kos iyang namutla. He is shocked! I wonder why? EH kalat na kalat na sa buong campus ang reputasyon ko. Simula first year second sem hanggang sa ngayon na second year second sem yun na ang reputasyon ko. Mahigit isang taon na din pala at hindi ako maniniwala na hindi niya alam.

Everyone knows that I am a slut. In fact, may counter pa nga sila kung ilang lalaki na ang dumaan sa buhay ko. And as of last week, 82 na and gusto atang maging pang 83 ni Mr. TOSP at Summa Cum Laude! Saan nga ba nagsimula at naging campus slut ako? It all started when I was in first year and there's a guy na nanligaw sa akin na hindi ko alam na may gf na pala. Sinagot ko ang guy only to be scandalized by the gf and be branded as slut. Then dahil nga nalaman ko na may gf na pala yung guy, I broke up with him kahit ayaw niya at sinabi niyang hiwalay na sila nung girl. Pero nakipaghiwalay pa din ako tapos simula nun nagkalat na easy to get daw ako and I am no longer a virgin. Tapos dumami na ang mga lalaking lumalapit sa akin. Some wanted friendship, others wanted more, and most wanted my body. And all of them are included in that list. Ang list ng mga lalaking nakatikim daw sa akin. Hell! But some of my bf's ay yun ang reason kung bakit ako nakipaghiwalay sa kanila. Because they wanted it and I don't. Nung una, iyak pa ako ng iyak dahil sa naging reputasyon ko but eventually hinayaan ko na lang. And now, I don't really care and I learn to live with it.

And now, here I am talking to the most respectable guy in the campus. What an irony!

"I don't believe any of those. Those are merely rumors." Napatawa ako ng malakas. Yung tawang pang maldita at pang malandi. Yung tawang nang iinsulto. Yung tawang nakakatawag pansin. And so, a lot of eyes are already staring at us. Lalo na at nasa corridor lang kami ng school. This guys must have been lucky na wala kami ngayon sa cafeteria.

"Really? You know what, you are not the only guy who said that! In fact, one of them got me by that line. Siya ba ang mentor mo?" Nakangiti pa din ako pero naningkit ang mga mata niya. Mukhang galit na siya. Yay! I made Mr. Tan mad. I am so scared! Hahahaha.

" I don't really care about your reputation May." Nakita kong seryoso siya ng sinabi niya yun but I just laughed it off. Who would take me seriously?

"Why indeed Mr. Tan?"

"I wanted to court you." I heard collective gasps from people around me. Kahit ako na shock sa sinabi niya. Lahat ng lalaki dito sa school na gustong 'makuha' ako nagsiskip na panliligaw at gusto agad agad na maging bf ko sila but this guy specifically told me that he wanted to court me. What the heck. Nung nakarecover na ako sa shock. I snorted and laughed. Alam kong nainsulto siya, but the heck!

Siya? Manililigaw sa akin?

Sino ang sira ulong maniniwala sa sinabi niya? Ano ba ang trip niya?

"Thanks Mr. Tan. You really made my day. I enjoyed our little chit chat, much as I wanted to prolong your exposure to the student body, but I'm afraid I'm already late for my class. " Tapos tumalikod na ako sa kanya.

Napasimangot ako pagkatalikod ko. The nerve of that guy!

Hindi ko alam kung matatawa ako or magagalit.

But it seems Mr. Tan is serious dahil simula ng araw na yun he'd become very persistent in pursuing me. Rumors spread out and most of the students took pity on him because he will be my next victim but he ended the list and he threatened anyone na magpapaskil pa ng list ko. Inaari ko talaga ang list na yun. Hahahaha. AT dahil nga karesperespeto siya, almost everyone stopped mocking me, and the rumors also stopped, or maybe they still do but very discreetly because they are scared that Mr. Tan might hear them.

2 months of courtship and we became a couple. Madami ang tumaas ang kilay pero wala na kaming pakialam. I fall for him and those were the happiest days of my life. Those were my Cinderella days. When I thought fairytales exists and happily ever after is indeed true. We fought from time to time but it is easily resolved. Wala na akong mahihiling pa sa buhay ko. My world revolve around him at alam kong mahal na mahal niya ako. At kahit na nakagraduate na siya, sinusundo pa din niya ako sa school kahit nung nagwowork na siya, he always finds time to be with me. Tumagal kami ng isang taon and by that time, like any other girls, I believe that we're meant to be and like any other girls, nagkamali ako. Because everything changed nung lumipat siya ng work. Doon na dumalang ang communication namin at ang pagkikita namin. Doon na ako nagsimulang magselos at maging insecure. Doon na siya nagsimulang magselos sa mga lalaking lumalapit sa akin. And our ideal relationship cramble. We fall apart...

Ting!

Natigil ang pagmumuni muni ko nung magbukas ang elevator . nasa 20th floor na ako. I blink to clear my mind at nagmadali akong lumabas ng elevator.

Nakahinga ako ng maluwag nung makalabas na ako without any word from him.

But then my relief was short lived dahil bago magsara ang elevator, narinig ko siyang nagsalita...

"Nice seeing you again May Ayr Dominguez."

Tumigil ang paghinga ko.

Tumigil ang hakbang ko at pinilit ang sarili ko na hindi lumingon.

Nakikilala pa niya ako. 

30 Days of MayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon