Secretly 1

1.3K 21 5
                                    

The truth does not win in court. The winner establishes the truth in court.

Yan ang paborito kong linya sa isang Korean drama na pinapanuod ko nuon. Well, I'm a law student at nagrereview na para sa bar exam. Ang linyang yan ay nagpapaalala sa akin na hindi lahat ng "katotohanan" ay nananalo sa loob ng korte.

Just because you tell the truth it doesn't mean na mananalo yan sa korte. Nope. That's actually insane. Maraming katotohanan ang natatabunan, nababalewala. Isa lang ang alam ko, at sigurado ako, whoever wins the case yon ang magiging "katotohanan." Yon ang paniniwalaan.

That's the reason kung bakit sinasabi ng mga tao na sinungaling ang mga abogado. Lawyers are liars in profession, ika nga. They say lawyers do whatever it takes just to win the case, even if it means to cover up the lies. Lawyers are there to protect the client, to bring the truth, to win the case, to uplift their names, and to earn a living.

In other words, lawyers bring the truth by covering up the lies.

Even though that's often the case, gusto kong patunayan na hindi lahat ng abogado ay sinungaling. Gusto kong patunayan na hindi lahat ng abogado ay nabibili ng pera. Gusto kong patunayan na hindi kailangang magsinungaling para lang maipanalo ang kaso. I want to bring the truth fairly. I want the truth to be justified by the truth, not by pure lies and bribery.

I'm a Christian. A Christian lawyer who will prove to the world that not all lawyers are liars, biased, and blinded by money. There is a goal I want to achieve. I want to give glory to God by living my profession and faith in compliment.

Lawyers should be doers of the law first. Not just the human law, but also God's law.

I'm just starting. Wala pa akong pangalan sa law field. But I'm getting there. Kaya naman wala pa akong interes sa love life o pakikipagrelasyon even though I'm already 28 years old. Nope. Wala din akong balak mag-asawa. At least not now. Busy pa ako sa aking magiging career. I have my own priorities and yep wala dun ang love life.

Ilang kape na ang naubos ko ngayong gabi. Nagrereview ako para sa bar exam at binabasa ko ulit ang mga notes ko sa law school. Kalahati na ang nabasa ko at sa tingin ko tama na muna to. Humikab ako habang tinitiklop ang mga libro at notebooks. Ang kalat-kalat nang study table ko. Super.

Inabot ko ang mug sa gilid at aakmang iinumin ang kape sa loob, but then I'm disappointed dahil ubos na pala. Tumayo ako para magtimpla ulit ng kape, muntikan pa akong matapilok dahil naapakan ko ang mga nagkalat na papel sa sahig. Basura nga naman. Napasinghap ako at hinayaan ang mga kalat. Wala na akong panahong maglinis. 7am pa ang review ko bukas. Okay sana kung di trapik. Eh nasa Manila pa naman ako, especifically sa Pasay. Dito kasi ako nagrereview.

Nasa kusina na ako at nagpapainit ng tubig para sa kape. Biglang tumunog ang phone ko kaya madalian kong hinugot sa bulsa. Si Aryen tumatawag.

"Oh, Aryen, napatawag ka?" Panimula ko. Hindi pa rin ako umaalis sa kusina. Hihintayin ko na lang na kumulo ang tubig.

"Naistorbo ba kita ate?" Aniya.

"Baka ikaw ang naistorbo ko sa gabi niyo ni David. Haha." Natatawa kong sagot na agad naman niyang ikinasuya. "Sandali, kumukulo na ang tubig. Kukunin ko muna." Madalian ko namang isinalin ang tubig sa heater sa coffee mug ko. Regalo pa naman to ni Aryen.

Tinitimpla ko na ang kape ng binalikan ko sa phone si Aryen. "Sorry ate, ako sana ang nagtitimpla ng kape sayo ngayon. Hindi ko na natupad ang pangako ko na sasamahan kita pag magrereview ka na."

Napangiti ako sa sinabi ni Aryen. "Si David na kasi ang tinitimplahan mo." Nagtatampo kong sabi. Narinig ko ang pigil niyang tawa.

"Bakit ka nga pala napatawag?" Ulit kong tanong. Nakabalik na ako sa upuan ng study table bitbit ang kape.

Secretly Dating!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon