Secretly 20

652 23 1
                                    

Akala ko, akala mo, may mapapala ba sa maraming akala?

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako or not. These past few weeks ay napaka-messy ng buhay ko lalo na pagdating sa trabaho. Ngayon naman I'm still stuck with Miguel and for a record, a detective is with us.

Nagpakilala siya bilang Jason Hernandez, isang local detective. Kasalukuyan siyang nakasimangot habang nakaupo sa likod namin, ako naman ay nasa tabi ni Miguel sa front seat. Sapilitang kinuha ni Miguel ang working ID ni Jason, kaya wala siyang magawa kundi ang sumama sa amin.

Tahimik na nagmamaneho si Miguel pero kitang-kita ko ang mga ugat niya sa noo. He's controlling his temper, if not anger. Kanina pa siya bad mood, eh. Hay naku, bahala na nga. Basta ang alam ko, gutom na ako.

Papunta kami ngayon sa Police Station kung saan naka-assign si Detective Jason. Gusto kasing makausap ni Miguel ang kanyang superior at itanong kung bakit siya pinasusundan. At kung sino ang nag-utos.

Ang sabi ni Detective Jason, hindi niya alam ang dahilan, sinusunod lamang niya ang utos ng nakakataas. You know, obey first before you complain. Military discipline.

His only job is to monitor Miguel's activities every day, follow him, and jot down as many information he gets from Miguel, including those people he interacts with. For sure, kasali ako sa mga naisulat sa listahan. Eh panong hindi, halos araw-araw kong nakikita si Miguel.

Pasaway na binata.

Nakarating kami sa Police Station na walang nagsasalita. Pinarada ni Miguel ang sasakyan sa gilid at nang bumaba siya ay bumaba na rin ako. Honestly, hindi ko maintindihan kung bakit pati ako ay nadamay dito. Si Miguel lang naman ang sinusundan, bakit kailangan ko pang sumabay?

It might be because one, simula nang kunin ko ang kaso ni Harry ay damay na ako sa lahat ng pangyayari sa buhay ni Miguel; two, concern ako sa kalagayan niya at hindi ko lang maamin; at three, gutom ako at pagod kaya hindi na ako makapag-isip ng tama kundi sumama na lang sa kanila.

Either way, I'm already here. So no use of complaining. Haays.

"Kakaladkarin ba kita sa sariling mong estasyon?" Galit na tanong ni Miguel kay Detective Jason nang hindi pa ito bumababa. Matalim siyang tiningnan ng detective at bumaba na rin. At sinundan namin siya patungo sa loob ng estasyon.

Palipat-lipat ako ng tingin sa loob ng estasyon habang nakasunod sa dalawang lalake. Napakaraming tao ngayong gabi at may naririnig pa akong umiiyak. Sa isang desk naman ay may nakita akong lalake na duguan ang ulo at galit na nakikipag-usap sa isang police.

Sa unahan naman ay nakikipag-areglo ang isang matandang lalake sa isang babae. Mukhang lasing yung matanda. Matitirik naman ang mga mata ng babae habang nakatingin sa kanya. Samantalang ang police na umaasikaso sa kanila ay abot kilay ang simangot.

Every night bang ganito sa loob ng police station? Malamang, ano. Pero mukhang ang dami talagang tao ngayon. Madaming krimen.

Naku, Lord, ang gulo naman ata ng buhay ko ngayon? Saan nga ba nagsimula ang lahat ng ito?

"Jason! Ang aga mo ata ngayon, maagang umuwi ang alaga mo?" Narinig kong bati ng isang police sa detective, magha-high five pa sana siya pero agad niyang binawi ang kamay nang mapansin ang presensya ni Miguel.

"Oh look, si Miguel Harrington?" Tanong niya nang mabawi ang gulat. Sa sinabi niyang yun ay lumingon ang halos lahat ng tao na nakarinig sa pangalan ni Miguel.

Nakita ko ang gulat na ekspresyon ng mga tao at ang ilan naman ay unti-unting ngumingiti, kinikilig, habang ang ilan ay nagbubulong-bulungan pati na rin ang mga police na babae. At hindi ko makakaligtaan ang salitang "Beloved," "Si Miguel," o kaya naman ay "Andito pala siya?"

Secretly Dating!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon