Secretly 5

1K 33 10
                                    

Sabi nila ang matatalinong tao ay mahina pagdating sa emosyon. Sa tingin ko naman ang matatalinong tao ay kulang lang sa emosyon. Because they always think, not feel.

Ilang taon rin akong panay pag-aaral ang inaatupag. Hindi dahil sa napipilitan ako kundi dahil gusto ko, dahil may misyon akong gustong kamtan. Ang maging isang abogado. A lawyer like no other. At dahil sa nakamtan kong edukasyon, masasabi kong naapektuhan din ang personal kong buhay. Sabi nga ni Aryen, ang galing ko daw kumilatis ng ibang tao pero sa sarili kong buhay ay minsan ko lang maatupag. Ang importante lang daw sa'kin maliban kay Lord ay ang logic.

Kung hindi siya pasok sa logic ko, naiirita ako. Kung hindi ko maintindihan ang isang bagay o tao gamit ang aking kakayahan, naiinis ako. Kaya naman ng hindi ko maintindihan ang pagbabalat-kayo ni Miguel ay kinaiisan ko na agad siya, kahit hindi naman dapat.

Isa lang ang alam ko, pag nalaman nina David ang tungkol sa bisyo ni Miguel ay marami ang masasaktan, marami ang magdadalamhati. Kasali na ang kapatid kong si Aryen at David. At posible ding madisband ang Beloved.

"Aray naman!" Napahiyaw ako ng mapaso ang aking dila sa mainit na lugaw. Nagmamadali kasi, yan tuloy. Kasalukuyan kasi akong nagluluto ng lugaw para may makain si Miguel paggising niya. Nakatulog siya kagabi sa sofa at hindi ko na lang ginising. And gee, it was a struggle na punasan ang bugbog niyang mukha. Kinailangan ko din siyang bihisan sapagkat amoy tambay na siya. Syempre yong upper garment lang ang hinubad ko. Hindi din naman ako malesyosong tao.

Mainit na lugaw lang ang kaya kong gawin ngayon kasi hindi pa ako nakapag-grocery. Pero marunong naman akong magluto. Isa pa, sa isang sabog na lalakeng gaya niya, lugaw ang mas mainam.

Nilagyan ko ng konting paminta ang lugaw saka ini-off ang gasoline stove. Mag-aalas otso na nga eh. Pero ang bakulaw na si Miguel ay payapa pa ring natutulog. Nilagay ko na lang sa maliit na bowl ang lugaw at pinagtakpan ko sa ibabaw ng lamesa. Maliligo pa nga ako, eh. Pero mamaya na lang pag umalis na si Miguel.

Umalis ako sa kusina at sinilip si Miguel sa sofa. Nilapitan ko siya at mukhang mahimbing pa ring natutulog. Umupo ako sa harap ng sofa at pinagmasdan siya. Napakaseryoso naman niyang matulog. He's only twenty-six years old pero mukha na siyang thirty years old, para kasing lahat ng problema sa mundo ay pinapasan niya. Ewan ko ba kung bakit hindi makita yan ng mga tao. Pare-pareho naman kaming may mga mata.

Wala akong kapatid na lalake na kasing edad ni Aryen, mga bata na kasi ang sumunod sa kanya, eh. Pero may kapatid kaming lalake, si Edgar, at nasa Grade 7 na.

Napailing ako sa ulo kasi antipatiko pa rin siyang tingnan kahit natutulog. Hindi ko napansin na may kalapitan na pala ang distansya ko sa kanya. Hinawi ko na lang ang kanyang buhok na tumatakip sa kanyang kaliwang mata, tapos aakma na sana akong tumayo nang bigla siyang dumilat.

Halos matumba ako sa pagkakaupo ng magtagpo ang gulat naming mga mata. "My gosh naman, Miguel. Ginulat mo ako."

"What? Maybe I should be the one saying that. Nasaan ako?" Naiirita niyang sagot habang tumatayo mula sa sofa. Napansin niyang bago ang suot niyang tshirt at bumalik sa'kin ang tingin. "Binihisan mo ako?"

"Oh, bakit? Ano naman ngayon. Nasa apartment kita at ayokong mag amoy alak ang buong bahay. Dapat sana good morning na lang ang sinabi mo, eh." Tumayo na rin ako at napailing sa ulo.

Hindi na siya umimik at parang tuliro niyang minamasahe ang kanyang sintido. Parang may pilit siyang inaalala pero hindi siya nagtagumpay. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari, ah.

"Anong nangyari kagabi? At bakit ako nandito?" Nagpapainosenti, eh hindi naman.

"Naglasing ka. Ano pa nga ba? It's the second time na naabutan kitang ganyan kaya wag mo subukang ideny. Pasalamat ka at iba ang leader mo at sa ibang church ka nagsisimba, kung hindi matagal na kitang sinumbong sa pastor." Nilapitan ko siya at aakmang abutin ang kanyang kamay, pero umatras siya para iwasan ito. Nagulat ako sa ginawa niya. Tiningnan niya ako na para bang may sakit akong nakakahawa.

"Wag ka ngang OA, hihilahin lang kita papuntang kusina. Nagluto ako ng lugaw." Sabi ko sabay hila sa kanyang kamay, this time hindi na siya nakaiwas.

Pilit ko siyang pinaupo sa dulo ng lamesa at binigay ko sa kanya ang lugaw na ginawa ko kanina. Kumuha rin ako ng mainit na tubig at nilagay sa baso, tapos binigay ko rin sa kanya. Wala akong ideya sa hang over pero sa pagkakaalam ko ay mainam din ang maligamgam na tubig. Pagkatapos non ay umupo ako sa harapan niya. Naguguluhan siya at ramdam ko yun. Pinikit ko ang aking mga mata at nagsimulang magdasal para sa pagkain. Pagdilat ko ng mga mata ay nakatingin pa rin siya sa'kin.

"Oh, bakit? Kainin mo na. Bawal tanggihan ang grasya. Naglalasing ka tapos di mo naman pala kaya."

"You're not eating?" Tanong niya ng mapansing wala akong lugaw.

"Busog na ako sa katitikim nyan kanina." Sagot ko naman. Hindi na siya umimik pagkatapos non. "Hindi ka na bata para subuan ko pa, okay?"

Kinuha niya ang kutsara at sinubukan ng kumandos ng lugaw. Pakiramdam ko slow motion ang lahat, dahan-dahan niya lang kasing sinusubo ang lugaw. Walang umiimik. Tahimik lang siyang kumakain, at malalim ang kanyang mga hininga. Tahimik lang din akong nagmamasid. Ano kaya ang pinagdadaanan ng lalakeng to? Nakakabasag ang katahimikan kaya naman ng biglang mag-ring ang phone ko ay halos mapatalon ako sa gulat.

Sinagot ko ang tawag at malaking boses ni Aryen ang sumalubong sa'kin. "Ate Clarice? Nasan ka ngayon? Nanunuod ka ba ng morning news?"

"Nasa apartment ako. Bakit? Hindi ako nanunuod ng morning news."

"Pero ate manuod ka ngayon, Channel 2! Naku lagot talaga, nasa apartment ka? I-on mo ang TV at wag kang lumabas ng bahay." Nagtataka na ako sa sinasabi ni Aryen. Tiningnan ko muna si Miguel na naka-angat din ang mukha sa'kin. Parang may mali yata...parang may mali at ngayon lang ako kinakabahan.

Tumayo ako at nagtungo sa sala upang i-on ang telebisyon. Pumunta ako sa Channel 2 at napaawang ang bibig ko ng makita ang pamilyar na gate sa likod ng isang babaeng reporter. Teka...gate yan sa labas ng apartment ah!!!

"Napaaway si Miguel Harrington, bass guitarist ng Beloved Band, sa isang resto bar kagabi ayon sa isang unknown source. Sa video clip na kumalat kagabi ay makikitang nagwawala si Miguel habang sinisigaw ang pangalang Clarice. Ngayon naman ay nandito tayo ngayon sa harap ng bahay sa sinasabing Clarice, na napag-alamang kapapasa lang sa bar exam."

ANO DAW????

"Ano nga ba ang koneksyon ni Clarice at nagwala ang isang miyembro ng Beloved Band?" Patuloy na sabi ng reporter at napaluhod naman ako sa sahig.

Oh my gosh. Masisira pa ata ang lawyer life ko! Hindi pa nga ako nakakapagsimula ay may bahid na ang reputasyon ko.

"What kind of inanity is that?" Gulat na tanong din ni Miguel na ngayon ay nakatayo na rin pala sa gilid ko.

Matalim ko siyang tiningnan.

_______

Muli, maraming salamat sa suporta guys! Readers at silent readers, thank you and God bless!

Secretly Dating!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon