Naririnig ko ang paghigop ni Miguel sa mainit na jjampong soup, at talagang sinasadya niyang lamutakin sa maingay na paraan ang noodles. Naasar ako sa mukha niyang nasasarapan sa pagkain.
Slurrrrp!
Napalunok ako.
"Ayaw mo ba talagang kumain, ha?" Pang-aasar niyang tanong kahit may octopus pa siyang kinakain sa bibig. Ewan ko kung anong pangalan ng pagkaing inorder niya, basta Korean foods yun lahat.
"Tss." Inirapan ko siya at tumingin sa malayo. I crossed my arms at paninindigan ko na ang hunger strike ngayong gabi. Kahit ang totoo nyan ay gutom na gutom na ako. Pahamak na Miguel kasi.
Slurrp!
"Sure ka? Ang sarap pa naman ng mga pagkain nila." Dagdag niya. Inaabuso niya ang patience ko, huhu.
"Hindi ako kakain hanggat hindi ka papayag na maging witness para sa kapatid mo." Matigas kong sabi, still crossing arms.
Natigilan siya sa pag-iislurp ng jjampong noodles. "Yan pa rin? San ba sa hindi pwede ang hindi mo maintindihan, Clarice?"
"Ang lahat! Atat na atat kang mapawalang-sala si Harry tapos ikaw mismo ayaw mong maging witness!" Naiinis kong sabi, this time nilingon ko na siya.
"May rason ako kung bakit."
"Bakit nga?"
Nag-iwas siya ng tingin sabay kuha ng kimchi dish at mabilisang isinubo sa bibig. Ngumunguya siya when he said, "Alam mo kumain ka na lang. Mas masarap ang Korean dish pag mainit. One time lang akong manlibre, kaya wala ng susunod nito."
"Kumain kang mag-isa." Pagmamatigas ko at binaling ulit ang tingin sa labas ng restaurant. Nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa panga ko. I was forced to face straight and I saw Miguel already standing, his left hand grabbing my chin up, while his other hand was holding a pair of chopticks with grilled octopus.
Our eyes met and I felt strange. Magrereklamo sana ako ngunit sa pagbuka ng aking bibig ay naging dahilan para maisubo ni Miguel ang grilled octopus. Mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko na mailuwa. Golly!
"Hindi tayo aalis dito hanggat hindi ka kumakain." Bruskong sabi ni Miguel at halos maiyak akong ngumunguya sa octopus. Eh sino ba namang hindi maiiyak sa ginawa niya, ang init kaya ng octopus na isinubo ni Miguel!!! Pasaway na binata.
"Ang init nun, ha!" Sigaw ko sa kanya. Katatapos ko lang lunukin ang octopus. Pero infairness, masarap siya.
"Kung ayaw mong subuan kita, kumain ka na. Wag kang OA, Clarice. Ang tanda-tanda mo na."
Binatukan ko siya sa ulo ng sinabi niya yun, pero mahina lang naman. "Anong matanda?!! Pasok pa sa kalendaryo and edad ko, a.""Whatever, Clarice." Natatawa niyang sabi at padabog kong kinuha ang aking pair of chopsticks.
ALAS nuwebe na ng gabi kami nakalabas sa Kimchi Restaurant. Sasakyan ko pa rin ang gamit namin at sabi ni Miguel ay ihahatid niya muna ako sa apartment. Magko-commute na lang daw siya pabalik sa opisina upang kunin yung sarili niyang kotse.
Ewan ko ba, pero after this dinner ay pakiramdam ko we got one step closer as friends.
Hindi ko pa rin nakumbinsi si Miguel na maging witness para kay Harry. Ang nais ko lang naman ay sabihin niya sa korte yung impormasyon sa pagiging computer genius ni Harry. That information can create a doubt sa validity ng CCTV scenes, at maari kong gamitin yun as advantage on Harry's side.
Kaya lang ayaw pumayag ni Miguel. Kung ano man ang dahilan niya ay paniguradong mabigat. Pero hindi yun sapat na dahilan para wag maging witness.
Nasa kalagitnaan na kami ng daan pauwi sa apartment, when Miguel suddenly turned the wheels around at dumeretso sa ibang daan. Nagtaka ako when he constantly glance sa sideview mirror.
"Miguel hindi ito ang daan papunta ng apartment." I told him kahit alam kong aware na din siya dun.
"Miguel, ano ba?!" Hiyaw ko when he didn't say anything.
"Dun ka muna sa bahay nina David matulog ngayong gabi, Clarice." Sabi niya at halos nag-abot na ang kanyang mga kilay. He looked again in the center mirror, at napatingin rin ako. "Sinusundan tayo. Kanina ko pa yan napapansin. May mga stalker ka ba?"
"Huh?! Wala noh." Sagot ko at lumingon sa likuran. May itim na kotseng nakabuntot sa'min. Yan siguro ang ibig sabihin ni Miguel. "Sigurado ka bang sumusunod sa'tin yan? Baka pareho lang ng routa."
"I couldn't be wrong, Clarice. I"m sure ang driver nyan ay same person na nakita ko kanina sa opisina niyo. Kina David ka muna matulog. Wala akong tiwala sa pintuan ng apartment mo."
Hindi na ako nakipagtalo pa kay Miguel. Kinakabahan ako sa posibleng stalker na yan. Pero hindi ko lang pinapahalata.
Nakarating nga kami sa bahay nina David. Nagawa namang iwala ni Miguel yung sasakyang sumusunod, kaya naman hindi na ito nakasunod pa sa bahay ng mag-asawang Gonzales.
May isang security guard na nagbabantay sa mansyon nina David. Kumuha talaga si David ng local na security dahil na rin sa nature ng trabaho niya. Nagawa na kasing pasukan ng isang obssess na fan sina David noon, and after that, he decided to secure his house para na rin kay Aryen.
"Mas safe ka dun dahil may security guard. Bukas ka na lang bumalik sa apartment mo, Clarice. Aayusin ko muna ang doorknob ng pinto mo." Yun ang bilin sa'kin ni Miguel bago siya umalis. Minabuti na rin naming wag sabihin kay David at Aryen ang tungkol sa stalker para hindi na sila mag-alala pa.
That night, alas tres ng umaga na ako nakatulog. Hindi ako pinatulog ng kaba. Bakit kami sinusundan ng sasakyan na yun?
Is it because of Harry's case?
MAAGA naman akong umuwi sa apartment kinabukasan. Wala kasi akong dalang damit pang-opisina kaya uuwi muna ako para maligo at magbihis. Wala namang mangyayaring masama kasi dilat na dilat na ang araw.
Pag-uwi ko sa apartment ay napangiti ako. Talagang inayos ni Miguel ang doorknob kagabi. Pinalitan niya ng dead bolt ang pintuan ko, tapos nilagyan pa niya ng automatic locker sa loob. May silbi din pala itong si Miguel sa buhay ko. At least he's not that annoying anymore.
Katatapos ko lang magbihis nang biglang may bumusina sa labas ng bahay. When I went out to check it, a black Montero was parked outside the gate. I walked closer and tried to see who's inside the car.
Bumukas naman ang window glass ng car at sumalubong sa'kin ang bungisngis na mga labi ni Miguel. Anong ginagawa niya dito early in the morning?
"Ready to go?" Tanong niya.
"At bakit nandito ka?"
"Susunduin ka. Oh, bakit?" Simpatiko niyang sabi.
"For what?"
"Ihahatid kita sa opisina niyo, Clarice. Gah, why are you so slow?"
He said and I was speechless.
Nganga ka, Clarice!
___________
Yay, go Miguel. Pangangahin mo pa lalo si ate Clarice. Wait..nasaan na kaya si kuya Grey?! Huehue.
Mag comment ka na.
Kbyes.
BINABASA MO ANG
Secretly Dating!
SpiritualSecretly Dating He's courting someone else, but he's also dating you in secret! Wait, yung totoo? Right guy nga ba? This is the story of Aryen Dela Cerna. And these are the struggles of a Christian woman in love. Secretly in Love Christian lawyer ka...