The old saying "there is no place like home" has a valid reason why it stood the test of time. Simply because, it is true.
Kasalukuyan akong nasa Laguindingan airport, bitbit ang kulay pink na travel bag ko. When I turned my phone on, I knew it. 20 messages received.
Si papa nagtext. Kung nasa airport na ba ako or not. Ganun din naman si mama. Limang texts na rin ang nareceive ko mula sa kanya. Akala mo kung ano, eh carbon copy lang naman ng text ni papa yung laman ng text niya.
Haay naku. My sweet, loving parents. Nag-iisa lang sila sa mundo and I thank God for them. Ang pagiging abogada ko ay resulta din ng pag-aaruga at pagmamahal ng aking mga magulang. Lahat ng graduates ay dapat thankful sa parents, lalo na kay Lord.Yung ibang text naman ay galing kay Aryen at David. Sila kasi ang susundo sa'kin ngayon. Malayo pa kasi ang Cagayan mula sa airport, it takes 46 kilometers away from Laguindingan airport to Cagayan de Oro City.
Tinext ko si Aryen na nasa airport na ako. Maghihintay na lang ako sa arrival area. Ngunit hindi pa nga ako nakahanap ng mauupuan, bigla ng nag ring ang phone ko.
Tumatawag na si Aryen.
"Ate, andito na kami sa labas."
"O sige sige, palabas na din ako. Saan ba kayo banda?" Tanong ko habang hinihila ang travel bag. When I finally got out sa arrival area, nakikita ko na si Aryen at David na nakatayo sa labasan. Nakapark na rin ang Montero ni David sa unahan.
"Ateeeee!!!!" Sigaw ni Aryen habang tumatakbo palapit sa'kin. Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang kay tagal naming hindi nagkita.
"Hindi ako balikbayan para mag react ka ng ganyan. Ikaw talaga." Natatawa kong sabi.
"Namiss kita ate!"
"Oo na. Hi, David." Bati ko sa papalapit na asawa ng kapatid ko.
"Welcome back, ate Clarice. Congratulations din." Sagot niya at kinuha ang dala kong travel bag. Pinabayaan ko na lang siyang magbitbit nito.
"Salamat, David. Buti na lang talaga at ikaw ang nakatuluyan ng kapatid ko." Natutuwa kong sabi. Ngayon ko lang din napansin na nakasuot pala siya ng maitim na shades.
"Naman. Pero wag na tayong magtagal pa dito, ate. Baka guluhin na naman ng fans si David, eh." Suhestiyon ni Aryen at sinundan na namin si David sa loob ng Montero.
Hayyys. Cagayan.
It's good to be back home.
Sa bahay na ako hinatid nina David. Sa katunayan, kanina pa ako inaabangan nina Papa at Mama sa labas ng gate. Kaya naman paglabas ko ng sasakyan, sumalubong na agad sa'kin ang maiinit na yakap nina Papa.
Naiiyak naman si Mama habang hinalikan niya ako sa pisngi. Natawa pa nga ako ng mapansin ang malaking tarpaulin na nakasabit sa may pintuan. Ang bilog nga ng mukha ko sa picture, eh. Sa dami-dami ko ng pictures, yung angle pa talaga na mataba ako.
Congratulations for passing the BAR, Clarice. And for coming home.
Yun ang mga nakasulat sa tarpaulin. Oh di ba, supportive masyado ang family ko. With all effort din. May tarpaulin pa silang nalalaman.
Sabik silang lahat sa pag-uwi ko. Pati ang kapatid naming lalaki na si Edgar, nag-iingay din sa pagbabalik ko. Ngayon lang ako nakauwi ever since I passed the Bar in Manila. Higit dalawang buwan na din ang nakalipas.
Uuwi sana ako after ng bar, eh. Kaya lang dahil sa nasangkot ako sa isyu with Miguel's viral video, naisipan kong wag na lang muna. Patatahimikin ko muna ang isyu na yun, total, mag-aapply pa naman ako sa Santiago Law Firm. But then, hindi ako tinanggap. Pang-Cagayan lang siguro ang law beauty ko. Whatever.
BINABASA MO ANG
Secretly Dating!
SpiritualSecretly Dating He's courting someone else, but he's also dating you in secret! Wait, yung totoo? Right guy nga ba? This is the story of Aryen Dela Cerna. And these are the struggles of a Christian woman in love. Secretly in Love Christian lawyer ka...