Secretly 31

921 24 19
                                    

"OH ATE, naparito ka? Akala ko busy ka dahil bukas na ang hearing ni Harry." Magkasalubong ang dalawang kilay ni Aryen ng buksan niya ang pinto. Hindi ko siya masisisi dahil unexpected naman talaga ang pagbisita ko, usually kasi ay nagpapaalam ako sa kanya na pupunta.

Hindi ko pa naiprocess ang tanong niya pero lupaypay na ang aking mga balikat. Eh pano, kahit si Aryen ang kaharap ko ay sadyang si Miguel pa rin ang nakikita at naiisip ko.

It's impossible for me to do that. Being not worried about you.

Parang sirang plaka ang aking isip dahil paulit-ulit ang mga katagang iyon. Hayys. Ohmagee naman oh, bakit tumitibok pa rin ang matanda kong puso?

"Hello ate? Nandyan ka pa ba?" Medyo nagulat pa ako ng muling magsalita si Aryen. Ah oo, nasa harap ko pala siya ngayon.

"May pagkain ka ba?" Seryoso kong tanong sabay hawak sa aking tiyan, dahilan para bumilog ang mga mata ng aking kapatid at humalakhak. At the end, narealize ko na sana hindi na lang ako nagtanong.

"Meron, ate. Kung gusto mo paglutuan pa kita, eh." Sagot niya sabay hila sa aking kaliwang braso. Sa huli niyang sabi ay parang gusto kong mag back out. Hindi naman forte ni Aryen ang magluto, sa katunayan, si David lang ata ang kumakain ng mga niluluto niya. Minsan, ang buong banda ni David ay napipilitan ding kumain kasi pinapagalitan sila ni David kapag hindi. Gumising na lang ako isang umaga na kahit si Miguel ay kumakain na rin sa niluluto ni Aryen. Got used to it, perhaps. Hindi ko na lang pahahabain ang komento ko sa cooking skills ni Aryen, baka maubos ko pa ang buong gabi. Hayys.

Panay ang buka ng bibig ng aking kapatid habang nasa hapagkainan. Hindi raw kasi makakauwi ng maaga si David ngayon dahil hindi pa tapos ang recording nila sa studio. Habang ako ay kumakain ng overcooked na ginisang gulay, siya naman ay nagpapakasaya sa isang gallon ng chocolate ice cream. Ibang klase din namang maglihi itong si Aryen.

"Ngapala ate, kamusta na kayo ni Kuya Grey? Nagkita kasi kami noong nakaraang araw sa labas ng mall. May sinabi siya sa'kin eh." Gosh naman, ang tanong ni Aryen nakakawala ng gana sa pagkain. Ang dami kong iniisip at ayoko munang idagdag si Grey.

"Hanggang ngayon Team Grey ka pa rin, Aryen? Tigilan mo na yan ha."

Ngumiwi siya. "Ano ba kasi ang problema mo at bakit hindi mo makita-kita ang pagmamahal niya sayo. You're not getting any younger, ate."

Tumahimik ako at napatitig sa sumeryoso niyang mukha. Tumigil na rin siya sa pang-iiscoop ng ice cream. "I can't marry Grey just because I'm getting older."

"Kung si Miguel ba ang yumaya sayo ng kasal, yan rin ang sasabihin mo?"

Nabilukan ako sa sarili kong laway sa huling tanong ni Aryen. Inirapan ko siya bago nagsalita. "Ba't naman nasali si Miguel sa usapan?"

"Eh siya na kasi ang lagi mong kasama. Puro ka na lang Miguel dito, Harry doon."

"Pinsan ni Miguel si Harry, of course I would like to save him."

"You're lying. I can't believe you're saying that to me now, ate. Hindi sila magpinsan." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Aryen. I put down my spoon and felt the ambience was getting even more serious. Alam ba ni Aryen ang tungkol sa magkapatid? Sa pagkakaalam ko, hindi alam ni David ang tungkol sa totoong relasyon nina Harry at Miguel.

"David knew about Harry and Miguel. Of course, hindi naman si Miguel mismo ang nagsabi. We can't expect Miguel to be so open to us. He never was." Explain ng kapatid ko. "Kahit na close silang dalawa ni David, there's still a mysterious wall between them. David is always worried about Miguel, especially when Miguel left the band."

"Pano niyo nalaman?"

"Na magkapatid sila? No one said anything to us. Na discern lang ni David ate...pero matagal na talaga niyang pinaghihinalaan kahit noong nasa banda pa si Miguel."

Hindi na ako umimik sa sinabi ni Aryen. Mas mabuti na rin siguro na may nakakaalam tungkol sa kanila maliban sa'kin. At least confident akong hindi ipagsasabi nina David at Aryen sa iba.

"Ikaw ate, pano mo nalaman? Sinabi ba ni Miguel?"

I sighed. I wished that was the case...that Miguel would trust me enough to even tell his family secrets to me. "It was Harry who told me. Hindi alam ni Miguel na alam ko ang pagiging magkapatid nila. And I don't plan to ruin his secret. Nirerespeto ko kung ano man ang dahilan niya."

Napaangat ako sa mukha ng marinig ang malalim na buntong-hininga ni Aryen. Kung bakit ay hindi ko pa alam. She stared at me awkwardly.

"Hmn...something is different now." Sabi niya. Strangely, napalunok ako sa malagkit niyang titig sa'kin. Weird...especially nang magsalita siyang muli.

"May gusto ka ba kay Miguel, ate?"

BOOM! Parang may biglang sumabok na bulkan sa'king dibdib nang marinig ang tanong na yun mula sa'king kapatid. Saan at paano niya nasabi yun? Napalunok ulit ako. Thinking back of my recent reations and emotions toward Miguel, there's no way I can deny the question. After all, I was already defeated and admitted to myself na may gusto nga ako kay Miguel. So what's the point of hiding it from my sister?

Just because Aryen rooted for Grey doesn't mean I'd choose Grey. Besides, I'm not choosing anyone. Kung gusto ko si Miguel ngayon, it doesn't mean na gusto rin niya ako. And it doesn't mean that I'm going to tolerate it any longer. Sa katunayan, tatapusin ko lang talaga ang kasong to tapos magpapakalayo na ako sa kanya. Minsan na nga lang akong nakakasama sa church activities dahil sa trabaho ko tapos magpapa-alila pa ako sa hilaw na pag-ibig? No way.

"What will you say if hindi ko lang siya gusto? What if mahal ko na nga siya?" Seryoso kong sagot kay Aryen. For a reason, I can read her reaction. Ayaw niya kay Miguel para sa'kin. I cleared my throat. "Well, it's not like we're going to end up together anyway. In fact, I'm still praying to God na mawawala rin ito."

"Defensive much ka rin, ate noh." Napatawang bigla si Aryen. "Hindi naman ako against if ever gusto mo si Miguel. Kaya lang, mas boto pa rin ako kay kuya Grey."

I sighed. "Kung hindi ka nagpakasal kay David, iisipin ko talagang inlove ka pa rin sa Grey na yun. Tigilan mo na ngang kapi-pair up mo sa'ming dalawa. Malabo talaga."

Ngumuso ang bibig ni Aryen at hindi ko na lang pinatulan. "Siyangapala, ate...kamusta ang kaso ni Harry? Bukas ang first hearing ah."

"Well...I'm positive."

"Positive?"

"Harry's not the culprit." Sagot ko.

"Eh sino?"

"You know, Aryen, my responsibility as his lawyer is to prove his innocence, labas na sa trabaho ko ang hanapin ang totoong salarin. In other words, it's not my intention to know who the real criminal is. Trabaho ng polisya yun. However, if I know who he is, I'll make sure he will also deserve the corresponding consequence in accordance to the law. But before anything else and the hearing case, all I want right now is sleep. Pwede bang dito ako matulog?"

"Tss...excited ka lang para bukas."

"Okay sana kung excited lang, eh pano kung—" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil biglang nag ring ang phone ko. Both of us were startled at the persistence of the ringtone kaya naman sasagutin ko na lang. And then Miguel's name appeared on the screen. What a timing.

"Yep, bakit?" Panimula ko.

"I'm here outside your apartment and all the lights are out. You're not home yet. Nasaan ka ngayon?" Sunod-sunod niyang tanong na para bang may halong galit. Ugh. Wag mong sabihin na beast mode siya ngayon dahil wala talaga ako sa mood na makipagtalo. And wait, what is he doing outside my apartment?

"Nandito ako kina Aryen. Ba't ka naman pumunta dyan na walang pasabi?"

"Well..." I heard his sigh from the other line. "I was just checking if you're...okay."

And with that, marahan akong tumayo sabay sabi kay Aryen at tinakpan ang aking phone, "Thanks for the meal, Aryen...pero kailangan ko palang umuwi ngayon. Next time na lang ako matutulog dito."

Ugh. Did I just choose Miguel over my sister?

Secretly Dating!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon