Encounters are meant to be memorable. Pero ang pagkikita namin muli ni Miguel, is meant to be despicable.
Sa dami ng panahon na pwede siyang magpakitang muli, talagang ngayon pa niya naisipan? At sa bahay ko pa mismo.
"Excuse me, alam mo bang illegal yang ginawa mo?" Sabi ko, namemeywang.
"You're so legalistic. Kasalanan ko bang napakadali lang buksan ng pintuan mo?" This time tumayo na si Miguel. Aba, kasalanan ko pa ngayon? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to kahit kailan.
"Isang taon na ako dito pero hindi naman ako pinapasok ng masamang-loob, ngayon lang." Komento ko habang nakataas-noo.
"So you're saying...I'm a bad person?" Tanong niya habang lumalapit sa'kin. Pakiramdam ko ay unti-unti akong lumiliit dahil sa kanyang katangkaran.
Wait, posible pa kayang tumangkad siya lalo sa loob ng isang taon?
"Do I look like a criminal to you?" Naiintriga niyang tanong at parang kinokorner pa yata ako sa dingding. Nang maramdaman ko ang likod ko na nakadikit na sa dingding, I push my hands forward upang pigilan siya sa paglapit.
Kaya lang, parang bakal ang kanyang dibdib. My golly!
Nakahawak pa rin ako sa kanyang dibdib at nag-angat ng mukha kahit nahihirapan na ako sa aking posisyon.
"A-ano ba ang pakay mo? Nakakairita ka na, ha." Naiilang kong tanong when I caught him staring down at me. Asar.
"You're really smart, Clarice." He sneered at me.
"Of course, kaya nga lawyer ako di ba? Kaya lumayo ka na dahil hindi ako makahinga." Naiinis kong sabi sa sobrang lapit ng kanyang mukha. At buti naman at naintindihan niya agad ang sinabi ko. He turned away and sat on the couch again.
I snapped out from my senses when he looked at me.
"I need your help." Miguel said which made me dropped my mouth open. Muntikan ko pang mabitawan ang aking shoulder bag sa gulat.
Wait, tama ba ang narinig ko?
Miguel Harrington needs my help? Like seriously?
"Wee, di nga?" Nakakaloka. Yun ang nasa isip ko ngunit di ko napigilan at nabigkas ko ang mga yun sa harapan ni Miguel. Napalunok ako ng marealize ang mga katagang nabigkas ko.
"I mean...anong help ang ibig mong sabihin?" Tanong ko habang inayos muli ang pagkabitbit ng aking shoulder bag. Nakatayo pa rin ako sa kanyang harapan.
"Licensed lawyer ka na, diba? My brother needs your help. And I need you to help him, because I can't think of anyone else." Sagot niya at masyadong malalim ang kanyang mga tingin, na para bang ang lalim ng kanyang iniisip. Hindi ko mabasa kung ano.
"May kapatid ka?" Gulat kong tanong at inirapan niya lamang ako. "Oo nga, sabi ko meron. So, what's the thing with him? Libel? Estafa?" Deretsahan kong tanong habang umupo na rin sa isang single couch na katabi niya. Hindi na ako nagulat ng todo kung may kaso ang kapatid niya, nangyari din naman sa kanya to one year ago. When Miguel caused trouble inside a bar.
"Nope."
"Then what?"
"Attempted rape. And murder." Matigas niyang sabi at parang gumuho ang buong paligid sa kanyang sinabi. I quickly looked at him and I knew my eyes were widening in shock. Kulang na lang ay lunukin ko ang ngipin ko sa sobrang gulat.
"M-murder?" Ulit ko.
He closed his eyes and massaged his temples. "I know, it's shocking. But my brother is innocent, Clarice. Yun ang diin ng prosecutor, but I'll prove them wrong in the court."
BINABASA MO ANG
Secretly Dating!
SpiritualSecretly Dating He's courting someone else, but he's also dating you in secret! Wait, yung totoo? Right guy nga ba? This is the story of Aryen Dela Cerna. And these are the struggles of a Christian woman in love. Secretly in Love Christian lawyer ka...