Nasa panahon na tayo kung saan ang mga tao ay sinungaling at ang CCTVs ay katotohanan. You know, CCTVs everywhere.
"Alam mo, Miguel, kung ano man yang hinanakit mo sa iyong ama isurrender mo na lang yan kay Lord. Bukas magsisimba ka di ba, ayos yan." Tanging sabi ko sa kanya at para siyang nawalan ng lakas, dahil unti-unti niyang binitawan ang mga balikat ko.
"You don't understand. And you never will, Clarice." Narinig kong sabi niya sabay talikod. Pinagbuksan niya ako ng pintuan, saying, "Get in. Pupunta ka sa condo ni Harry, right? I'll take you there."
Nawi-weirduhan man ako sa paiba-iba niyang mood ay tumango pa rin ako. After all, I needed to check Harry's condo, especially the people there. Ewan ko lang ha, pero mataas ang hinala ko that the investigations were meant to be fabricated. Ngunit hindi na ito binusisi pa ng malalim.
It must be Harry's doing or someone helped him out.
Dumeretso nga kami sa condo building kung saan nakatira si Harry Harrington. He owned unit 107, nasa tenth floor. Halatang madalas si Miguel dito sapagkat hindi na siya masyadong kinuwestiyon ng security guard. Papasok na kami ni Miguel nun when a question popped out, kaya binalikan ko muna ang gwardiya.
Tinawag ako ni Miguel pero hindi ko muna pinansin. "Kuya, kuya," hingal ko pagdating sa gwardiya. "Pwede magtanong?"
"Oho, ma'am, pwedeng-pwede. Ano po yun?" Nakangiting sagot ng gwardiya.
"Ikaw ba ang naka-assign dito on July 5th evening?" Tanong ko.
"Yes, ma'am. Ako po."
"Dinalaw ka ba ng mga police dito? Alam mo naman siguro yung kaso ni Elaine Reyes noh?"
"Ay, oo ma'am, yung pinatay? Ako po ang naka-assign nun. Pero hindi naman ako yung kinuwestiyon ng imbestigador, yung personnel po sa Technical Room. Sa panahon ngayon maam mas pinaniniwalaan na ang CCTVs kaysa sa mga tulad ko, hahaha!!!" Pag-iexplain niya sabay kamot sa ulo. Oo nga naman. May point siya dun.
Nasa panahon na tayo kung saan ang mga tao ay sinungaling at ang CCTVs ay katotohanan. You know, CCTVs everywhere.
"Ah, ganun ba. Pero nakita mo talaga si Elaine na dumalaw on July 5th, right?" Tumango naman ang gwardiya. "May ibang visitors ba ang unit 107 aside kay Elaine Reyes?"
Biglang napaisip ang gwardiya. "Meron po maam. Sa pagkaka-alala ko, bumisita rin si Attorney Lim pero hindi po gabi yun, bandang alas singko po yun. Tapos umalis siya bandang alas sais na."
"Si Attorney Michael Lim ba kamo ang sinasabi mo?" Biglang tanong ni Miguel, nakatayo na pala siya sa'king likuran. Kumukuyom ang kanyang mga palad habang lumalapit sa gwardiya. Matutulis din ang kanyang paningin. Ramdam ko ang poot ni Miguel...pero bakit?
At that moment, dun ko narealize na may galit na kinikimkim si Miguel sa kanyang ama, at marahil ito ang dahilan kung bakit hindi niya maituwid ng tuluyan ang pagiging Christian niya. Malakas ang conviction ko na merong unforgiveness si Miguel. At ito ang dahilan kung bakit tumiwalag din siya sa Beloved.
"Opo, si Attorney Lim nga po, yung sikat na abogado." Pagkokompirma ng gwardiya.
Natigilan sa paglalakad si Miguel. At alam kong pareho kami ng iniisip ngayon, ang hinalang si Attorney Lim ang posibleng pumatay, o kaya naman may kinalaman siya sa krimen.
In my case, hinala lang naman. Wala pa ring pruweba. Isa pa, ayoko din namang husgahan si Attorney Lim dahil aside sa hinahangaan ko siya, ay alam kong hindi matutuwa si Lord sa panghuhusga. Inamin na sa'kin ni Harry na hindi nga siya ang pumatay, at malamang, ang totoong kriminal ay yung taong malapit sa kanya. If not, why would he volunteer to admit the crime he didn't do?
BINABASA MO ANG
Secretly Dating!
SpiritualSecretly Dating He's courting someone else, but he's also dating you in secret! Wait, yung totoo? Right guy nga ba? This is the story of Aryen Dela Cerna. And these are the struggles of a Christian woman in love. Secretly in Love Christian lawyer ka...