Secretly 2

909 23 3
                                    

Meet you at dinner time. Starbucks, MOA. 8:00PM sharp. Miguel.

Tss. Kung makapagsabi ng sharp akala mo pagmamay-ari niya ang oras. Hay. Akala ko pa naman lunch time ko makukuha ang mga notes. Paghihintayin ba naman ako hanggang 8PM? Wow naman. Pero sige lang. Ako naman ang may kailangan sa kanya, so okay lang.

PERO KAHIT NA! Anong ibig sabihin ng sharp niya ha? Sharp siya dyan. Papresyo much! Papresyo! Papresyo!

"Miss Dela Cerna, is something wrong?" Napaliyad ako sa tanong ng professor. Ikalimang araw ko na sa review center pero di ko pa rin memorado ang pangalan niya. Ang alam ko lang isa siyang sikat na abogado sa Makati. Kung di niya ako tinawag hindi ko mapapansin ang talim ng titig ko sa cellphone. Na para bang may kaaway ako sa text, tss.

"Nothing, sir." Nahihiya kong sagot, nakatingin kasi sa'kin ang mga kaklase ko sa review class na yon. Oh well.

"No cellphones allowed in this class, Miss Dela Cerna. Understand?"

"Yes, sir. I'm sorry." Tumayo ako at yumuko. Nakakahiya ka, Clarice!!!

Alas tres ng hapon natapos ang review namin. Uuwi sana ako sa apartment dahil malayo pa naman ang alas otso. Kaso naalala ko ang kalat sa buong bahay. Nagkalat ang mga basurang papel mula mesa hanggang sahig. Ang trash bin ko hindi pa natatapon sa labas. May mga labahin ding nakasabit sa kung saan-saan. Mukhang may naiwan din akong hugasin sa kusina. Nakakalamya ng pakiramdam.

Kung uuwi ako ngayon, there are two possible scenes na mangyayari. First, mai-stress lang ako sa kalat na madadatnan at kaya maiisipan kong maglinis na lang. The second scenerio will be, well, dahil sa kalat at stress at pagod sa review, I'll end up sleeping instead of cleaning. Either way, I'll end up not meeting with Miguel.

Kaya naman imbes na umuwi ako ay dumeretso na lang ako sa MOA. Nilipot ko na lang muna ang department store ng MOA habang nagpapalipas ng oras. Namimili ako ng mga casual dress na magagamit ko during review days. Unfortunately, wala pa akong napili na maganda hanggang sa napadpad na lang ako sa Forever 21. Paborito ko yan na brand, kaya always save for the last yan.

Kung ang kapatid kong si Aryen ay mahilig magsuot ng pants, sleeves at sneakers, mahilig naman ako sa formal attires, casual dress, at kikay sandals. Nakasanayan ko na lang din simula nang pumasok ako sa law school.

Nakasuot ako ngayon ng pencil skirt, black and fitting on my slim legs. Pinaresan ko ng matingkad na kulay asul na blusa at asul din na flat sandals. Buti na lang talaga at flat ang sinuot ko ngayon, usually kasi naka high heels ako. Ang dala kong shoulder bag ay dark brown. Gucci. Pasalubong sa akin ni David yon galing Korea. Fufufu.

Dalawang malaking paper bag ang pinamili kong damit. Over. Kaya ayokong tumambay ng matagal sa mall, eh. Dahil hindi ko talaga naiiwasang bumili ng kung anu-ano, especially when it comes to dresses. Buti na lang at may pambili ako, pero kung wala naku GG talaga. Katatapos ko lang magbayad sa counter ng biglang tumunog ang phone. Unknown ang number pero alam ko kung sino to.

Si Miguel, tumatawag.

"Hello?"

"Where are you now? Been here waiting for ten minutes." Naiirita ang boses niya.

"Coming!" Yon ang sinagot ko saka siya binabaan ng phone. Hindi ko na napansin ang oras! Pag nasa loob ka talaga ng mall hindi mo napapansin ang oras! Golly! Kay bilis kong tinakbo ang palabas ng Forever 21, buti na lang talaga at naka flat shoes ako. Dahil may paper bags akong dala, hinihingal akong dumating sa Starbucks. Gosh naman. Bakit kasi naiwan ko ang notebooks na yon! Papasok na ako sa coffee shop nang mapansin ko na si Miguel. Dun siya nakaupo sa bandang likuran.

May suot siyang red headset, abala din siyang nakatingin sa kanyang phone. Nakikinig ata ng musika. Dalawang taon ang tanda ko kay Miguel, matangkad ito at may pagka-tan ang kanyang balat, halatang napapaso sa araw. Sa pagkakaalam ko half-foreigner si Miguel, kaya naman may pagka-green din ang kanyang masusungit na mga mata. Gwapo siya oo. Pero ang mukha niya itself ay nakakadismaya. Palagi kasing nag-aabot ang kanyang makapal na kilay. Masungit.

Kaibigan nina David ang manager ng Starbucks dito sa MOA. Sa pagkakaalam ko ay madalas ang mga artista dito na tumambay, wala kasing pakialamanan sa loob. Lesser din ang fanatic crowd sa loob ng shop, pinagbabawal ata. Well, whatever. I'm soon to be a lawyer and I don't care.

"Hi, Miguel." Bati ko sa kanya sabay tanggal ng headset niya sa kanyang tenga. Ngumiti ako, effort yan ha. Effort. Umupo ako sa harap niya at nilagay ang paper bags sa gilid ko.

Napawi lang ang mga ngiti ko ng sumimangot siya. Oh well. Lagi naman siyang sumisimangot, a. Kinuha niya ang headset mula sa kamay ko, at sinabing, "Ganyan ba ang mga abogado ngayon? Nali-late sa usapan."

Sungit. Akala mo kung sino. Kalma lang, heart. Masama sa puso at kay Lord.

"Over naman, ten minutes nga lang." Sagot ko. See why I don't like conversing with him? Sa lahat ng bagay lagi niyang kinikitaan ng dumi ang pagka-abogado ko, dinadamay pa niya lahat ng abogado sa buong mundo. Bitter ata ang lalaking to.

"Late pa rin. Kung ganyan lagi ang isang abogado ay malamang wala kang maipapanalong kaso." Diin niya at nawalan na ako ng ganang makipagtalo. May kinuha siya sa gilid ng upuan at inabot sa lamesa ang tatlong malalapad na notebooks ko, waaa! They're finally home with me.

"Okay, fine. Late na kung late. Pero maraming salamat dito, ha." Aakma na sana akong kukunin ang mga notebooks ng bigla niya itong nilayo mula sa'kin.

"Not that fast." Aniya at nanliliit na ang mga mata ko sa asar.

"What?" Gigil na gigil kong tanong. Oh Lord, patawarin mo sana ako. Pero kumukulo talaga ang dugo ko sa isang to. Buti sana kung hindi siya Christian, or nagpapangap whatever, kaso ayoko namang maging judgmental! Ako ang lugi nito, eh.

"Don't give me that high-rise brows. Treat me some dinner dahil hindi pa ako kumakain." He said and I was like, WHAT???

Hindi pala ako ang ililibre? Siya pala ang magpapalibre? Eh di hamak na mas mayaman siya sa'kin, a! Napatingin ako sa mga notebooks kong hawak-hawak pa rin niya. Oh well. Wala akong laban. He brought me those notebooks, anyway.

I sigh. Sana ito na ang huling araw na mag-abot kami ng landas. Like duh.

_______________

Kwela din pala tong si ate Clarice kung minsan!!! Haha!

Secretly Dating!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon