Nadatnan namin ang magulong condo ni Harry. Nagkalat ang ilang papel, mga bote ng alak, at mga basag na baso. Nandoon pa rin ang hugis tao na ginuhitan gamit ang chalk sa floor, kung saan nadatnan ang bangkay ni Elaine. Ang mga police na ang gumuhit nun, a day after the crime.
Ang alam ng mga tao dito ay kamag-anak lang ni Harry si Miguel. Hindi naman talaga sila taga-Cagayan, taga-Manila sina Miguel at wala silang kamag-anak dito. Mas madalas din si Harry sa Manila, kaya naman maliit lang ang impormasyon ng mga tao tungkol sa kanya dito.
According sa imbestigasyon, kaya nalaman ang krimen dahil sa fire alarm na bumulabog sa buong building. Nagkaroon kasi ng sunog sa unit ni Harry after he killed Elaine, maliit lang ang sunog at di naman kumalat dahil sa emergency shower.
Nang dahil sa fire alarm, sinugod nang security at personnels ang unit ni Harry, at pilit itong binuksan. At dun nga nadatnan ng gwardiya at mga staffs ang duguang kamay ni Harry, nakatunganga siyang nakaupo sa harap ng malamig na bangkay ni Elaine.
According sa autopsy, gumamit ng mabigat na bagay si Harry sa pagbagok ng ulo ni Elaine. At nakuha din ng polisya ang bagay na yun, isang glassed guitar that is used for display purposes. Yun kasi ang hawak-hawak ni Harry at the crime scene at duguan din ito.
He didn't say anything when he was caught, but he didn't deny it either. Harry was already chained down when Miguel came into view, at kahit ilang beses niyang sinabi sa police na hindi si Harry ang pumatay ay wala pa rin siyang magawa, lalo na nang tinanong siya ng police, "Bakit ka ba nakikialam? Kaanu-ano mo pala ang suspect?"
Just like what Miguel always said, hindi siya nagpakilala as Harry's brother. He's just a long distant relative, yun ang sabi niya sa police. Miguel could only look away while Harry was put into a jail car.
Hanggang ngayon hindi pa rin sinasabi ni Miguel ang dahilan kung bakit ayaw niyang malaman ng iba na magkapatid sila. Siguro may kinalaman ito sa hinanakit niya sa kanilang ama.
Kung ano man yun, hihintayin ko na lang na si Miguel mismo ang mag-open up.
I walked around the unit, nagmamatiyag kung ano man ang makita kong kakaiba. At meron nga. I turned to Miguel, saying, "Sa tingin mo ba kahina-hinala na nagkaroon ng small fire after the crime?"
"I don't know. It didn't cross my mind." Miguel replied. Pero nakikita ko sa kanyang mga mata ang kuryusidad. Sa tingin ko, he was considering my doubt. Well, I can't prove anything either. Not yet.
Hindi naman ako detective.
Sadyang mahilig lang ako mag-obserba at mag-isip ng mga theories. Kung ang kapatid kong si Aryen ay mahilig sa mga Korean novelas noon, ako naman ay mahilig sa detective series. Kaya siguro ganito ako mag-isip. Whatever.
"Well, alam mo ba kung saan ang technical room? Gusto kong makausap ang technical persons nila dito." I dropped doubting the small fire, may ibang bagay na mas importante ngayon.
Kung anong nangyari sa original CCTV scenes.
"It's up on the 10th floor. Follow me then." Malamig niyang sabi at kumunot na naman ang kanyang noo. Ano na naman kaya ang iniisip ng lalaking to?
Tumalikod siya upang tumungo sa pintuan. Malapad pala ang mga balikat ni Miguel. Ngayon ko lang din napansin ang mga malulusog niyang muscles sa braso. Matitigas kaya ang mga yun kapag hinawakan? Sa tingin ko may abs din siya. For sure lumalagi siya sa gym.
Teka. Ba't napunta ako sa muscles niya?
OHMEEGEE CLARICE!
Napalunok ako sa aberya ng pag-iisip ko. Pero hindi ko pa rin naiaalis ang mga titig ko sa malapad niyang mga balikat. Atsaka take note, napaka-cool niyang maglakad, lalakeng-lalake ang dating.
BINABASA MO ANG
Secretly Dating!
SpiritualSecretly Dating He's courting someone else, but he's also dating you in secret! Wait, yung totoo? Right guy nga ba? This is the story of Aryen Dela Cerna. And these are the struggles of a Christian woman in love. Secretly in Love Christian lawyer ka...