Secretly 12

706 32 22
                                    

Sa oras na matuklasan mo ang bumabagabag sa iyong isipan, makakaramdam ka ng kaginhawaan.

"In three seconds, bitawan mo ako, Miguel. Kung hindi--"

"One," Nagsimula siyang magbilang at hindi na ako pinatapos. Ano bang kalokohan ang pumasok sa utak ng lalakeng to?

Nagpumiglas ako ngunit niyakap niya lamang ako ng mahigpit, naiipit na rin ang isang kamay ko sa pagkakahawak ni Miguel. Kinakabahan na ako. Ni minsan hindi ko pa nararasanan na mayakap ng isang lalake! And to think it's Miguel!

"Miguel, ano ba?"

"Two," Pagpapatuloy niya sa pagbibilang. Sisipain ko sana siya sa ilalim nang bigla kong marinig ang ungol sa kanyang dibdib. Wait. Tibok ba ng puso ni Miguel ang naririnig ko ng malakas?

Hindi ko man makita ang pisngi ko ay alam ko na. Nababalutan ako ng kapulahan sa aking mukha. I can feel my own heart thumping on its own, na para bang sumasabay sa pagtibok ng puso ni Miguel. Alam ko kung ano to. It's a sign na kailangan ko ng lumayo. Hindi na ako makahinga, eh! Masyadong mainit dahil sa suot kong jacket. My gosh naman. Bakit nag jacket pa kasi ako?

Hinihintay ko na lang ang three ni Miguel, pero hanggang ngayon wala pa. Pero imbes na numero ang marinig ko, ganito ang sinabi niya sa mahinahong boses, ramdam ko ang lapit ng labi niya sa kaliwa kong tenga:

"I'm sorry for pushing you into limits, Clarice. But I couldn't think of anyone else. You can still refuse this case while it's still early, but I'm telling you, the longer you stay the more you can't run away. Even if I desperately ask you to help him, and you think you can't do it because of your faith, then refuse it. Use all of your energy to refuse my request. So that if you help Harry, it will be on your own accord, and not mine. Choose then, Clarry."

Napasinghap ako ng malalim sa sinabing yun ni Miguel. Hindi ko yun inaasahan mula sa kanya, para kasing mahabang speech na may pinaghuhugutan. At higit sa lahat, tinawag niya akong Clarry. Clarry, like seriously? Saan naman niya napulot ang palayaw na yun. Walang tumatawag sa'kin na Clarry.

"Hindi kita maintindihan, Miguel, kaya pwede ba--"

"Three." He said in finality saka niya ako binitawan mula sa pagkakayakap. Halos habulin ko ang aking hininga nang magtama ang aming mga mata. There was unexplainable tension between us. I couldn't name it.

"The choice is yours, Clarice. If you continue to help Harry, that will be your accountability. If you're afraid then don't do it."

"At sino namang may sabi sayo na bibitawan ko ang kaso ni Harry, aber?" Mataray kong tanong para matabunan ang panginginig ng aking boses. Oh my gosh, goosebumps. Natahimik siyang bigla sa sinabi ko.

"Hindi mo naman ako kailangang yakapin para ipamukha kung gaano kabigat at kahalaga sayo ang case ni Harry. So bakit mo ako niyakap?"

"D-do I need a reason para yakapin ka?" Nauutal na sagot ni Miguel. Aba, ganun?

"Anong yakap-yakap ang pinag-uusapan niyong dalawa?" Halos tumalon ang puso ko sa gulat nang marinig ang buong boses ni David, nakatayo na pala siya sa tuktok ng hagdanan, nagtatakang nakatingin sa amin ni Miguel. Gosh!

Pareho kami ni Miguel na tumayo ng matuwid, halatang naninigas sa tanong ni David. When David was coming down, it was Miguel who explained everything.

"May pinag-uusapan lang kami ni Clarice, David. We're replaying a crime monologue para sa kasong hinahawakan niya." He said while giving me a cautious stare, as if to go with the flow. At bakit ko naman itotolerate ang pagsisinungaling niya?

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para itama ang sinabi niya when David butted in, "Ganun ba? Noon hindi kayo nagpapansinan, hindi ko akalain na close pala kayo ni ate Clarice."

Secretly Dating!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon