Secret 2

3.9K 62 11
                                    

(See a picture illustrtion of Kuya Grey attached in this chapter.)

ALAS dyes na ng gabi nang makauwi ako sa bahay. Medyo matagal kasi kami ni David kung mag-usap. Lalo na kapag sinasabayan ng masasarap na pagkain. Hindi naman kami namamasyal kasi pag nagkataon baka merong makakita sa amin. Tapos isusumbong pa kami sa mga spiritual leaders namin. Lagot pag ganun. Akalain pa nila na nagde-date kami ng pasekreto! Kahit parang ganon na rin yong ginagawa namin, alam naming pareho na hindi talaga date yon. Friendly date siguro oo.

Wala naman kaming mutual feelings ni David. Pareho kaming merong one-sided love. Kaya naman mas naging close kami kasi halos pareho kami ng sitwasyon pagdating sa love life. Nakaka-frustrate nga minsan. Ang buhay nga naman.

"Saan ka galing?" Tanong sa akin ni ate Clarice pagbukas ko ng pinto. Ni hindi ko pa nga nahuhubad yong sapatos ko, nagisang gulay na agad ako! My gosh naman. Ang ate ko matalas din ang pakiramdam. Kaya ingat na ingat ako pagdating sa kanya, eh. "Lagpas alas dyes na ah."

"Sinamahan ko lang mag-dinner ang kaibigan ko ate, nanlibre kasi." Sagot ko naman sabay abot sa kanya ng dalawang box ng sushi. 

Lord, please naman wag sanang magtanong kung sinong kaibigan ang kasama ko. Hindi pa niya pwedeng malaman na nagkikita kami ni David, e. Sasabihin ko naman Lord in the right time. Wag lang ngayon. Please?

"Sushi? Bigay din ba to ng kaibigan mo?" Tanong ni ate Clarice at ang saya-saya ng boses niya. Nakita kong namilog ang kanyang mga mata habang dinadala ang boxes ng sushi sa lamesa. WAGI! Nakalimutan niya agad na matagal akong nakauwi dahil sa sushi ni kuya Grey! Wow naman. May big purpose din pala ang pagiging bridge ko sa kanilang dalawa.

Nilagay ko ang backpack ko na kulay asul sa sofa. Tapos nagtungo na rin ako sa lamesa na hindi lang naman kalayuan sa sala namin. "Hindi. Ibang kaibigan ang nagbigay sa 'kin ng sushi."

"Ang dami mo namang kaibigan. Pinapakain naman kita ah. Ba't ka nila nililibre ng mga pagkain? Babae ba yan o lalake?" Aniya habang binubuksan yong isang box. Tinulungan ko na rin siya at binuksan ko yong isang bento. For sure, kakainin niya lahat ng laman ng isang bento.

Medyo natameme ako sa last question ni ate Clarice. Pano ko ba sasabihin na kilala niya yong mga kaibigan kong tinutukoy? Naalala ko yong sabi sa akin ni kuya Grey. 'Wag mong sabihin na galing sa akin ang pagkain, Aryen. Secret lang muna natin.'

Si kuya Grey naman oh. Pinapahirapan ako sa pagiging secret admirer niya. Buti na lang at crush ko siya at buti na lang na boto ako sa kanya. Kung hindi, naku, matagal ko na siyang binuking kay ate Clarice.

"Lalake po, ate. Pero friends lang naman." Pagdedepensa ko.

Tumahimik bigla si ate Clarice at hindi ko naman alam kung bakit. Ikinagulat ko nalang nang bigla niyang sinabi, "Si Griyego ba nagbigay nito?"

Tinapang taho naman oh!

Ang lakas naman ata ng discernment spirit ng ate ko!

Napakamot na lamang ako sa ulo, sabay sabi, "Dyan ako bilib sayo ate eh, ang husay mong bumasa ng tao. Itry mo kaya sa sarili mo ate, baka mabuksan mo din yang puso mo at mabasa kung sino ang laman nito." BOOM! Pabiro kong sabi. Kahit merong halong katotohanan. Alam naman ni ate Clarice na dinidiin ko siya kay kuya Grey. Alam din niya na si kuya Grey ang gusto ko para sa kanya at wala nang iba. Pero hanggang ngayon no comment pa rin siya tungkol dito.

Kumuha na siya ng chop sticks at tumusok nang isang sushi. Pagkatapos niyang isubo ito ay saka na siya sumagot. "Hindi tayo ang nagbubukas ng puso, Aryen. Si Lord."

"Alam ko naman, ate. Hindi ko naman sinabing si kuya Grey na talaga. Pero ano kasi, kahit ikonsider mo lang siya as your potential husband, kahit ganon lang muna? Mahirap ba yon?"

Secretly Dating!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon