Secret 4

2K 46 1
                                    

"HINDI kita napansin kanina, umuwi ka ba sa inyo?" Yun ang text ni kuya Grey kinagabihan. Gusto ko sanang kiligin. Bakit? Kasi nga hindi niya ako nakita kanina! At ang ibig sabihin non ay hinanap niya ako! Ako! Ako at hindi si ate Clarice. Oh my gosh! Oh my gosh talaga. Kikiligin na ako, kikiligin na ako!

Kikiliginnnnn na akoooo!

Hoooooo!

Oohhhhhh!

Boooooo!

WAIT.

Something's wrong. Kinapa ko ang dibdib ko pero hindi ko mawari ang kilig. Pahamak naman, oh. Napatayo ako sa kama at kinapa ulit ang dibdib ko. Binasa ko ulit ang text ni kuya Grey at inabsorb ang context non. Kaso sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi ako kinikilig! Kahit gustuhin ko man.

OMG. Anong kababalaghan to?

"Hindiiiii!" Bigla akong napasigaw. Nashock ako sa sarili ko nang mapagtantong hindi ako kinilig kay kuya Grey at sa text niya. Eh konting smile nga lang niya noon, kinikilig na ako. Concern pa kaya na galing sa kanya?

"Ano ba, Aryen? Ba't ka sumisigaw?" Hiyaw ni ate Clarice nang buksan niya ang kwarto. Napatingin ako sa baba kasi nga nasa taas yong kama ko. Napabuntong-hininga ako nang makita si ate Clarice. Naks naman. Panira moment.

"Wala ate. Sorry. Nadala lang ako. Tinext kasi sa akin ni Marcela yong ending ng I Hear Your Voice." Pagsisinungaling ko kay ate Clarice. Tinapang tokwa naman, oh! Nagawa ko pang magsinungaling? Anong nangyayari? Waa! Lord, patawad po. Hindi ko na po alam ang mga lumalabas sa bibig ko! Pero totoo naman talaga na tinext sa akin ni Marcela. Kagabi nga lang yon at hindi ngayon. Pero nagsinungaling pa rin ako. I feel so bad na! Lord, patawad po.

"Di ba sabi ko sayo na tigilan mo muna ang panunuod ng Korean dramas?"

Naku lagot, buking ako. Napakamot ako sa ulo.

"Sorry ate, pwede tapusin ko na lang ang I Hear Your Voice? Hindi kasi ako mapakali kapag di malaman ang ending, eh."

"Tinext na nga ni Marcela yong ending, di ba? Kaya tigilan mo na yan."

"Iba naman yong nakikita ko talaga."

"Sinusuway mo na ako, Aryen? Mas mabuti pang magpray ka dyan at humingi ng tawad sa katigasan ng ulo mo."

Si ate Clarice naman oh, masyadong strict. Napakamot nalang ako sa ulo at tumango sa sinabi niya. Lumabas na siya ng kwarto. Bago pa man ako magpray ay tinext ko muna si kuya Grey.

Ako: Umuwi kasi ako agad, kuya Grey.

Kuya Grey: Bakit?

Kasi iniiwasan kong makausap si David. Hindi pa rin ako makarecover sa natuklasan kong other life niya, na tumatanggap siya ng mga gigs sa mga bars!

Kanina kasi pagkatapos kong ihatid sa labas sina ate Jackie at ang mga bata, pumara agad ako ng masasakyan pauwi. Tinext ko na lang si ate Clarice na mauna na akong uuwi for urgent matters. Gusto ko sanang sabihin kay kuya Grey. Kaso hindi naman niya alam na close pala kami ni David. Kahit nasa music team si kuya Grey, alam kong hindi nababanggit ni David sa kanila ang pagkikita naming dalawa. Bass guitarist kasi si kuya Grey at siya din ang leader ng music team. Oh di ba, bongga ang kuya Grey ko? Kaya crush na crush ko yun, eh.

Sa tingin ko ang reason kung bakit hindi ako kinilig kay kuya Grey ay dahil sa magulo kong isipan. Si David pa kasi ang laman ng isip ko for the entire week. Kung bakit siya nandoon sa bar, kung bakit siya tumutogtog ng worldly music, at kung alam ba ng pastor namin ang mga pinaggagawa niya.

Hindi ko naman maitanong kay Nikoli about kay David at sa banda nila. Kasi hindi naman niya alam na worship musician si David. May mga texts naman si David sa akin, kaso dinedelete ko agad at hindi ko binabasa. Natatakot kasi akong mabasa ang sagot at explanation niya. Baka kasi tama ang kutob ko na may double life si David. Ayokong malaman!

Secretly Dating!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon