"Anong ginagawa mo dito, Grey?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Nang hindi pa makasagot si Griyego ay binaling ko muna ang atensyon kay Miguel. "It's not what you think, okay?"
Hindi ko naman maintindihan kung bakit kailangan ko pang mag-explain kay Miguel. Sa katunayan ay wala naman siyang pakialam. Pero ayokong may isipin siyang kung ano sa aming dalawa ni Grey, lalo pa at alam ko ang pagmamalinis din niya.
"Naglilinis lang ako sa kalat ni Clarice, uuwi din naman ako after nito." Pagdedepensa rin ni Grey na kasalukuyang lumalapit sa'min.
"It doesn't even matter. I'm leaving." Yun lang ang tanging sagot ni Miguel saka siya tumalikod upang umalis. Naiwan akong nakatunganga ang tingin mula kay Grey at sa sasakyang paalis. When I finished internalizing everything, I look back to Grey.
"Pano ka nakapasok? At bakit ka nandito, Grey?" May halong pagkadismaya ang aking boses. Hindi ko nagustuhan ang biglaang pagsulpot ni Grey sa'king apartment, walang pasabi, eh. At higit sa lahat, hindi siya dapat pumapasok ng walang paalam. Isa pa, wala naman siyang rason para puntahan ako.
"I'm sorry, Clarice. Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot. Kasama mo pala si Miguel." Mahinahon naman niyang sagot habang pinagbuksan ako ng gate, na para bang okay lang ang ginagawa niyang panghihimasok sa apartment ko.
Pumasok naman ako sa loob ng gate at deretsang tinungo ang pintuan, ni hindi ko siya nililingon.
"Hindi yun ang point ko, Grey. Bakit ka nga nandito? Bakit may susi ka ng bahay ko?" Medyo naiirita ko ng tanong. At dahil sa ginawa niyang panghihimasok sa bahay ay halos nakalimutan ko ng magkasama pala kami ni Miguel kanina.
Naramdaman ko naman na sumunod siya sa'kin. "May unfinished business kasi akong pinuntahan dito sa Manila. Kanina lang ako dumating."
"And? Ba't may susi ka ng apartment ko?" Tanong ko sa kanya habang hinuhubad ang flat shoes kong suot.
"Binigay ni Aryen ng malaman niyang luluwas din ako. Madalian ang lahat kaya siguro hindi niya nasabi. I'm sorry, Clarice, kung hindi mo nagustuhan ang pagpunta ko. Aalis naman din ako, so wag ka ng magsungit pakiusap." Naghihinayang niyang sabi. Nang nilingon ko siya ay naabutan ko siyang nilagay ang walis sa gilid ng pintuan. Umiling ako sa ulo. Kailan ba kasi makaka-move on ang lalakeng to sa'kin, Lord? Sobrang bait lang niya para sa'kin!
Pumasok na lang ako sa loob ngunit napadilat ako sa mga mata ng makitang ang linis-linis ng buong apartment. Wala ng bakas ng basura sa paligid at kaybango ng hangin na para bang inespreyan ng freshener. Pumasok din naman si Grey at napaangat ako sa pawisan niyang mukha.
"Nilinis mo ang buong bahay?" Tanong ko sa kanya. Dapat nga matuwa pa ako, pero parang nakakaguilty lang.
Tumango siya at ngumiti ng mabilisan. "Hindi ko kasi marefuse ang pabor ni Aryen. Don't worry, sa Monday pa naman ang transaction ko kaya naisipan kong ngayon na lang gawin."
Napabuntong-hininga ako sa sagot ni Grey. To be honest, hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang paglilinis dahil hindi ko naman siya katulong. Isa pa, ayokong magkaroon ng utang na loob sa kanya kaya nga iniiwasan ko ng lumapit sa kanya. Ayoko rin na magpatuloy siyang magkagusto sa'kin kaya as much as possible gusto kong putulin. Pagsasabihan ko talaga ang Aryen yon mamaya. Hanggang ngayon maka-Grey pa rin siya!
Hinarap ko si Grey at bakas na ang pagod sa aking boses, "Grey, thank you for cleaning up my apartment. But please, don't do this again. Alam mo naman kung bakit, di ba? Let me help you move on, kaya ayoko tumanggap ng kahit anong pabor sayo, eh."
Napangiti lang ng mapakla si Grey. "Hindi ko naman to ginawa dahil sayo, pinaunlakan ko lang ang pabor ni Aryen. Eto lang sana ang hiling ko, Clarice, sana hayaan mo akong maging kuya kay Aryen kahit hindi man tayo ang magkatuluyan. Mauna na ako, Clarice." Medyo may katigasan na sa kanyang boses ng binigay niya sa'kin ang duplicate key sa apartment. Kinuha ko naman yon sa kanya bago siya tumalikod.
BINABASA MO ANG
Secretly Dating!
SpiritualSecretly Dating He's courting someone else, but he's also dating you in secret! Wait, yung totoo? Right guy nga ba? This is the story of Aryen Dela Cerna. And these are the struggles of a Christian woman in love. Secretly in Love Christian lawyer ka...