BTH THI SIB SI

199 4 0
                                    


CHAPTER FOURTEEN

"SO, KUMUSTA ang date?" agad na tanong ng dalagang nasa backseat nang umandar ang kanilang sinasakyan.

Bahagya namang natigilan si Worachet sa narinig, at sa hindi malamang dahilan ay napaiwas siya ng tingin sa professor niyang nagda-drive saka naramdamang nag-init ang kanyang mga pisngi.

"Nóng săao, alam mo naman sigurong nakakaintindi siya ng Tagalog, diba?" pabalik na tanong naman ng kanyang professor.

He then heard her gasping. "Oh my! Really?" Mahina pa itong natawa. "Kidding aside, so... how's your talk?" muling tanong ni Narae.

Saglit namang natahimik ang dalawang lalake bago tumikhim ang professor niya. "Stop making him feel uneasy."

Narae just giggles before tapping his shoulder. "KJ si Oppa, kaya ikaw na lang." Napilitang lingunin ni Wor ang dalaga. "So? Care to answer my simple question?"

Sinubukan ni Wor na pigilan ang pamumula ng pisngi niya saka tipid na ngumiti. "Ahm... we talked about normal stuff. A-Ajarn is a nice person."

"Nice person, huh?" Narae took a quick glance at the one driving before grinning back at him. "Such a positive word to describe someone."

"Narae," his professor warned his cousin. "Anyways, we're near."

Tuluyan namang nanahimik si Narae pero hindi nawala ang ngiti nito sa labi. Nang huminto sila sa tapat ng dorm ni Worachet ay agad tinanggal ng binata ang nakasuot sa kanyang seatbelt.

"See you at school tomorrow," rinig niyang sabi sa kanya ng professor bago siya tuluyang makalabas ng sasakyan.

Nginitian niya naman ito. "See you, Sir, Narae."

"Bye! Next time, tayo naman ang mag-coffee together, you want? My treat." Ilang beses namang napakurap si Worachet sa narinig. He doesn't want to say yes, but also not no. "Don't worry, if you're not comfortable with me, you can bring a friend, then I'll bring Oppa with me," nakangising suhestiyon ng dalaga.

Napatango na lang habang nakangiti si Worachet nang may maisip sa balak na coffee together ni Narae. "Sure, Narae. Just tell me when."

Umaktong nag-iisip ang dalaga na nagpangiti sa kanya at nagpailing sa professor niyang mukhang hinihintay na lang silang dalawang matapos mag-usap. "How about tomorrow? After class maybe?"

Inalala naman ni Worachet ang schedule niya at baka may kailangan siyang tapusing assignment or project o kahit pagre-review para sa advance quiz. Napansin ata ng dalawa ang matagal niyang pag-iisip kaya nauna nang nagsalita sa kanya ang professor niya. "He might be busy, Narae. He's a scholar and it seemed like he's also grade conscious," nakangiting wika nito na nagpapula sa mukha niya.

Nahihiya siyang napakamot sa batok niya. Well, that's true. Star and Victoria used to call me that. "Well, no worries. You tell me na lang when you'll be available," nakangiting sabi sa kanya ni Narae.

Now, this is embarrassing as well. "I ahm... I'll be available the day after tomorrow," he said, almost as a whisper.

Mas lumaki naman ang ngiti ni Narae saka napapalakpak pa. "That's great. The day after tomorrow then. We'll pick you and your friend up on the waiting shed, meters away from school. You know? Para hindi kayo ma-issue."

Napatango naman siya sa sinabi ng dalaga. It would've really been an issue, especially if we were with our professor. Worachet bowed a little. "Thank you again for bringing me home and for the invite."

Narae just shrugged at him. "I'm looking forward to more of these meetups." She smiled cheekily at him.

Naguguluhan man pero ngumiti na lang si Worachet, saka tuluyang nagpaalam na sa dalawa. Kinawayan lang naman siya ng mga ito saka nagpatuloy na sa pag-alis.

Pumasok naman na si Wor sa apartment building na tinutuluyan niya. Parte ito ng scholarship niya kaya hindi na siya namo-mroblema sa renta. Bale ang kailangan na lang niyang bayaran ay ang pagkain niya.

Buti na lamang at nakapasok siya bilang isang crew sa isang fast food chain kaya naman may pambayad siya kahit papaano. Mayroon din siyang transportation allowance galing sa scholarship niya na hindi naman niya ginagamit dahil panay ang hatid sundo sa kanya ng mga kaibigan niya. Kung hindi si Star ay si Victoria naman.

Matipid din naman kasi talaga si Worachet kaya ang sahod niya at ang transport allowance ay ipinagkakasya niya sa groceries niya.

Hindi na niya kailangan ng WiFi dahil mayroon naman na ang apartment building nila. 'Yun nga lang, kailangan mong makipag-unahan sa pagkonekta, tapos pahirapan maghanap ng signal. Kaya naman nakaugalian na ni Worachet na tapusin ang school work, na may kinalaman sa internet, sa paaralan nila. The rest ay libro ang gamit niyang basehan.

Nang tuluyan na siyang makapasok sa apartment niya ay nagsimula na siyang magtrabaho. Mabilis siyang nagluto ng kakainin niya mamayang hapunan, para paiinitin niya na lang, tapos ay dumiretso na siya sa paliligo.

Seven PM pa naman ang duty niya pero kailangan niya nang kumilos dahil baka ma-traffic pa siya.

Gamit ang bisikletang pinag-ipunan niya noon ay agad pumunta si Worachet sa pinagt-trabahuan niya. He was right on time when he got there and his manager smiled at him. "N'Wor, thank goodness you're here. I was worried that you'll be drowning in your academic loads," the woman jokes.

Worachet just chuckled and proceeded to change his uniform. After a couple more minutes, Wor found himself smiling and taking the customers' orders. Tinext niya kanina bago siya pumasok sa trabaho si Star kaya naman hindi na siya nagulat nang makita niya ito sa harapan.

"I would like to order your time and explanation about that text," seryoso pero halatang excited at kabado na sabi ng matalik na kaibigan sa kanya.

Mahinang natawa naman si Worachet. "Let's talk later after my shift. For now, order your food," nakangising sabi niya.

Pinakinggan naman siya ng lalake saka mahaba ang pasensyang hinintay siyang matapos sa trabaho niya. Ilang oras din itong nakaupo roon sa isang gilid at mago-order kada mauubos ang pagkain nito, pero naghintay talaga ang lalake.

This guy must be head over heels for Narae. Napailing na lang si Worachet saka umupo sa upuang nasa harap niyo. Thank goodness, my shift's done. "So... about Narae's coffee meet-up offer..." Wor smiled at his best friend.

Aggressive Lover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon