BTH THI SIB PÆD

178 3 0
                                    


CHAPTER EIGHTEEN

WHAT WOULD happen to Narae if Anurak does what his stupid heart tells him to do?

What would happen to his beloved little cousin if he finally gives in and actually starts caring for himself?

Sinong mag-aalaga sa dalaga kapag iba na ang inalagaan niya?

Sino ang magbibigay pansin sa mga hinanakit ng babae kung ibang tao at sarili niya ang papansinin niya?

Maraming tanong ang palaging pumapasok sa isip ni Anurak simula nang matanggap niya ang email sa kanya ng estudyante niya at otomatikong ngumiti ang mga labi niya.

Muli na lang napabuntong hininga si Anurak saka itinuon ang atensyon sa tambak na school papers na ipinasa sa kanya ng isang section kaninang umaga lang. Kinakailangan niyang check-an kaagad ang mga iyon kung hindi ay mas lalo siyang matatambakan ng gawain.

Why did I even adjust the deadline for those kids? Nangingiting napailing na lang siya. Nang dahil sa pakikiusap ng mga estudyante niya sa isang section ay napilitan siyang pahabain ang deadline ng proyekto ng mga ito. Ang naging kapalit tuloy ay ang dami ng gawain niya.

Nasa isip ni Anurak ang tungkol sa mga estudyante niya at gawain nang may biglang kumatok sa desk niya. Agad siyang tumingin dito saka nakita ang co-professor niya.

Napangiti naman lalo si Anurak. "Professor Sud, do you need something?"

The man nodded. "A student from one of your classes is outside. Most likely, he'll submit another set of those." Sud glanced at Anurak's pile of students' projects.

Napailing na lang si Anurak saka napabuga ng hangin. Yep, tons of tasks it is then. "Let him in then. Thank you."

Tumango lang muli ang lalake. "Do not overwork yourself, okay?" Nakangiting tumango naman si Anurak. "Remember, you can ask some or one of your students to help you with your checking those," sabi nito sabay turo sa patong-patong na mga papel doon.

Nakangiting napailing na lang si Anurak saka muling nagpasalamat dito. Ibinalik niya ang tingin sa mga chine-checkan at ilang saglit lang ay may tumikhim sa harapan niya.

Inangat naman ni Anurak ang tingin at akmang uutusan itong ipatong na lamang ang mga papel sa desk niya nang matigilan siya.

Do I really have to see him today? But why? Napahinga naman nang malalim si Anurak bago pilit na ngumiti at nagsalita. "Mr. Khankham, are those your class' projects?"

Nahihiyang ngumiti at tumango naman ang binata. "Yes, ajarn. Today is our submission day."

Anurak motioned his hand to his desk. "Feel free to find a spot for those," medyo natatawang sabi niya nang mapansin kung gaano karami ang nakapatong sa lamesa niya.

Nakita naman niya ang pag-aalangan ng estudyante niya kung saan nga iyon ilalagay na ikinatawa ni Anurak. I should stop finding him cute. Unfortunately, I don't know how.

Napatingin naman sa kanila ang isang pang guro. "Worachet, are you busy later?" Sud asked the student.

Ilang beses napakurap ito bago umiling. "Not really, ajarn. Thảmị?"

Nakangiti namang sumulyap si Sud kay Anurak na nagsisimula nang magdilim ang mukha bago muling tumingin sa estudyante. "Well, your very hardworking professor over here—" Sud pointed at him. "—has a lot of projects and quizzes to check." Sud's smile widened. "You're a scholar and a very outstanding student. If you could only lend a hand, would you help Professor Saetang? I'm pretty sure that he'll give you extra credit."

Natigilan naman si Anurak saka ipinagpapalit-palit ang tingin sa estudyante at sa kapwa propesor. Th-That shouldn't— "Sure, ajarn," nakangiting wika ni Worachet na mas lalong nagpalaki ng mga mata ni Anurak.

Napapalakpak naman si Sud. "Great! Do it later then," huling sabi nito bago kinuha ang bag at ilang mga papel saka nagpaalam na may klase na ito.

Naiwan namang tahimik sina Anurak at Worachet. Nauna nang umimik ang estudyante. "I would like to help you, ajarn. I owe you a lot because of Star's situation," nakangiti nitong sabi na nagpatitig kay Anurak.

That smile. He looked so cute and pure. Pilit binubura ni Anurak ang nasa isip saka napabuga ng hangin bago tumingin sa tambak na mga papel at sa estudyante. "Are you sure?" Mas lalong lumaki ang ngiti nito saka mabilis na tumango. Muli tuloy siyang napabuntong hininga. "Would it be fine with you to do it in your apartment?"

Anurak noticed how many times Worachet blinked and his cheeks suddenly reddened before he nodded. "Y-Yes, ajarn. B-But why there, Sir?"

Ayaw rin naman sana ni Anurak doon kaya lang kasi wala naman siyang sariling lugar dito sa bansa. Bahay lang ng mga magulang niya at ang penthouse sa LUST DAWN ang tinutuluyan niya. "Unfortunately, we're not allowed to stay here on campus until six PM. And with these tons of papers, I don't think an hour or two would finish them." I just hope that I'll survive.

"O-Okay, ajarn." Hindi naman inaasahan ni Anurak na biglang yuyuko ang estudyante at ilalapit ang mukha nito sa tenga niya. "B-But, Sir, may I ask something?" bulong nito na mas lalo pang nagpapula ng leeg at tenga nito. Tumango naman si Anurak. "S-Sir, I-I'm sorry but c-can you say something?"

Napakurap naman si Anurak ng ilang beses. "Something?"

"N-No, Sir. C-Could you call me N'Wor?" Ramdam ni Anurak ang pag-aalangan ni Worachet.

But that... Anurak cleared his throat before doing what his student asked. "N'Wor." Napansin naman ni Anurak ang paninigas ni Worachet kaya bahagya niya itong nilingon. "Are you okay, Mr. Khankham?"

Narinig niya itong napasinghap saka mabilis na bumalik sa pagkakatayo nito nang maayos. "I-I think I-I remember..." Worachet cleared his throat. "I think I remember you, Sir."

Kahit halatang hiyang-hiya si Worachet ay nakatingin ito diretso sa mga mata ni Anurak na nagpakaba sa guro. "What... what do you mean?"

Huminga nang malalim si Worachet saka nagsalita. "I-I'll tell you later, Sir. I-I think I need to c-clarify it later. I need... I need to confirm it."

Kinakabahang tiningnan ni Anurak ang estudyante. "What are you saying?" Please, don't tell me he remembers that night.

"O-One night, Sir," simpleng sagot nito na nagpaguho sa mundo ni Anurak. Oh, sh*t. I'm definitely in trouble.

Aggressive Lover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon