CHAPTER SEVENTEEN
EVER SINCE Anurak was a kid—ever since he knew his cousin's condition and vulnerability, he promised her and himself that he'll do anything in his power to protect her.
Narae deserves to be loved, to be cherished, to be treated with pure intentions, not like how her uncle treated her.
Kaya naman nang mag-kolehiyo si Anurak ay hindi business management ang kinuha niyang course kahit na iyon ang dapat at nais ng mga magulang niya. Ipinaglaban niyang magiging college professor siya para mababantayan niya pa rin si Narae.
Wala naman na siyang ibang inisip kundi ang pinsan niya. Nakikipaglaro siya sa ibang tao pero tanging customers o members lang nila sa club, at dapat na sa club lang may mangyayari, para naman malapit pa rin siya sa kung nasaan ang pinsan niya.
Anurak settled for flings and one-night stands because he doesn't want to get attached to anyone romantically. He doesn't want a reason for him to stop guarding his cousin's safety and well-being.
Kaya naman itong nararamdaman niya sa estudyante niya. Bawal ito. Bawal sa trabaho niya at bawal sa kailangan niyang gawin para sa pinsan.
Idadahilan niya lang nang idadahilan na hindi pwedeng maramdaman niya iyon dahil guro siya at estudyante niya ito, pero pagdating naman sa dulo ay mas nananaig ang dahilang hindi niya pwedeng iwan ang pinsan. Hindi pwede hangga't hindi pa niya nakikilala ang taong tunay na magmamahal at mag-alaga kay Narae.
Muling tiningnan ni Anurak ang sinend sa kanya ni Worachet.
Can we go out again, Sir? I have forgotten to get Narae's email address and I do not have a working phone as of the moment that is why I am doing this. I apologize for being this casual, Sir.
Hindi malaman ni Anurak kung ilang beses niyang binasa ang laman ng email. At mas lalong hindi na niya malaman kung ilang beses siyang nagpabalik-balik sa tanong ng estudyante niya.
A student. That's what Worachet is to Anurak, and it should stay that way. He knew he had to avoid the guy.
Hindi pwedeng ganito siya at napapangiti nang dahil lang sa binata. For godd*mn's sake, this isn't the Anurak Saetang that almost everyone knows. Hindi siya dapat nahuhulog, at mas lalong hindi siya pwedeng mahulog sa estudyante niya.
Napabuntong hininga naman si Anurak saka isinandal ang likod sa sofa. Mag-aalas otso na at kailangan niya pang magluto ng hapunan nilang magpinsan kaya naman iniwan niyang bukas ang laptop saka dumiretso sa kusina nila.
Anurak was making himself busy when he suddenly saw Narae entering the kitchen with his laptop on her hands. Hindi sana niya iyon papansinin at baka may kinailangang file lang ang dalaga sa laptop niya, kaya lang ay naalala niyang nakabukas ang tab kung nasaan kitang-kita ang email ni Worachet sa kanya.
Muli siyang napatingin sa pinsan at saka niya lang nakitang nakangisi ito sa kanya. Agad siyang tumalikod dito dahil ramdam niya ang pag-init ng mga pisngi sa sobrang kahihiyan. D*mn it! Why did I even forgot to close it‽
Akala ni Anurak ay hindi siya aasarin ng pinsan kaya lang, ano pa ba nga ang inaasahan niya? "So... going somewhere, my dear Oppa?" she teasingly asked.
Napabuga naman ng hangin si Anurak saka hininaan ang apoy bago hinarap ang pinsan. "Just send him your email address so both of you could communicate." Sinigurado ni Anurak na walang emosyon ang mukha niya.
His cousin then frowned. "What's with the tone and expression?" takang tanong nito saka umupo sa dining chair at maingat na ipinatong ang laptop sa dining table.
Umiling naman siya. "Just a bit tired, I guess." Muli niyang hinarap ang niluluto saka roon itinuon ang atensyon.
"Just tired? What's really going on, Oppa?" pangungulit ng dalaga sa kanya.
Nanatiling tahimik naman si Anurak saka tinapos ang niluluto saka inayos ang kakainan nila ng pinsan niya. Ramdam na ramdam niya ang titig ng dalaga sa kanya pero ipinasawalambahala niya lamang iyon.
But of course, Narae being Narae... "Is there something bothering you? Perhaps, concerning Worachet?" anito habang kumakain sila.
Anurak wanted to keep silent but his cousin is his weakness. "I just don't want to get attached to him." One-third truth.
Natahimik naman ang pinsan niya kaya tiningnan niya ito. Narae's face were showing mixed emotions. Para itong masaya na medyo malungkot. "Why though?" Anurak opened his mouth to give his legendary reason but his cousin beat him to it. "Nope, you're not giving me that teacher-student no relationship rule. Dom talked you out of it already and the last time I checked on you, you seemed fine with it. You were to listen to Dom and do what your heart wants. Halata naman na na ganoon na ang gagawin mo nitong mga nakaraang araw na kasama mo siya eh. Kaya nagtataka ako sa binibigay mong rason ngayon, Kuya."
Napaka-seryoso ng mukha ni Narae na hindi napigilan ni Anurak na iiwas ang tingin sa pinsan. "Let's just finish dinner so we can all rest early. May exams ka pa bukas."
Narinig niyang napabuntong hininga ang pinsan. "Don't make it complicated, Oppa. Do what makes you happy, and let go of the things that make you stressed. 'Wag mong masyadong inuuna ang kalagayan ng iba kesa sa kasiyahan mo. Do remember, being too selfless can make you self-destruct."
Nanatiling tahimik na lang si Anurak at tinapos ang pagkain. Si Narae na rin ang nag-presentang maghuhugas ng pinggan dahil siya naman na raw ang nagluto. Pumunta na lang si Anurak sa sala para ayusin ang mga papeles sa coffee table saka kinuha ang laptop na nasa dining table pa rin bago pumasok sa sariling kwarto.
Naligo muna siya bago hinayaang bumagsak ang katawan sa kama. Noon naman ay hindi siya ganitong nagpapagod o nai-stress sa trabaho niya pero pakiramdam niya ay pagod na pagod siya ngayong araw na ito.
Maybe because I'm thinking too much about many things. Napatango naman siya sa isip niya saka ipinikit ang mga mata. Pumasok sa isip niya ang sinabi sa kanya kanina ng pinsan.
"'Wag mong masyadong inuuna ang kalagayan ng iba kesa sa kasiyahan mo. Do remember, being too selfless can make you self-destruct."
Anurak let out a heavy sigh. But all I want is her happiness and safety first. Para kay Anurak ay mas deserving si Narae na maging masaya kaysa sa kanya kaya naman hindi muna niya hahayaang maging masaya ang sarili niya sa piling ng taong gugustuhin niya nang lubos. Responsibilities and family first before my own happiness. Muli siyang napatango sa isip bago siya tuluyang nilukob ng kaantukan.
BINABASA MO ANG
Aggressive Lover [COMPLETED]
Genel Kurgu~•~•~ LUST DAWN Series 2 ~•~•~ Anurak is a Thai hottie professor at Keīyrtiyṣ̄ International School. He's the campus' favorite teacher, even his co-lecturers adore-desire-him. But aside from being an amazing teacher, he's also one of the four owners...