CHAPTER SIXTEEN
IT HAS been a couple of days since Narae invited Worachet and his friend to a coffee-friendly date. And ever since then, all four of them would go out whenever they all got the free time.
"Hay! Hindi naman masyadong ngising-ngisi," rinig ni Anurak na sabi ng pinsan niya.
Even when he's being teased, Anurak couldn't let go of the smile. "Just finish your homework, nóng săao, then I'll prepare your favorite snack."
"Who?" Narae's question should've made Anurak frown, but well... he's in a great mood. That wasn't enough to make him lose his smile.
Tinapos na lang ni Anurak ang mga papeles na kailangan niyang asikasuhin sa LUST DAWN para makapagsimula na siya sa Lesson Plan na tatapusin na lang din niya. It was his schedule this week to take care of their nightclub kaya naman siya ang busy na busy ngayon.
Though honestly speaking, Narae has been busy since malapit na naman ang midterms nila. Dominique is barely in Thailand and Anurak just assumes that he's busy with business, and trying to move on from Angelo. And as for Wynter, she's most likely drowning herself with workloads, which isn't new to them, just a little bit worse this time.
All in all, the four of them haven't been together like usual for weeks, and probably for months. I just hope that Wynter and Dominique finally fix their sh*ts. It was pretty obvious for Anurak to notice that the two have a deeper problem than what they're letting him and Narae see, but that's fine with Anurak. It's not like their friendship would lessen because of the two's secrets.
"...Honestly, maybe that guy is cute."
Nawala sa focus si Anurak nang marinig ang boses ni Narae. "Huh?"
Narae shrugged. "BBB's best friend. Seems like a nice guy too."
Naguguluhan namang tumingin si Anurak sa nakababatang pinsan. "And?"
The lady snickered. "If he's nice, then he's not for me." Narae focused her eyes on her books again.
Napakunot naman ng noo si Anurak. "How can you say so?"
Napabuga ng hangin ang dalaga saka tumingin sa kanya. "You know how I am, Oppa. No man deserves me. No nice guy deserves me. I'm... I'm just too... corrupted." Halata sa boses ng dalaga ang lungkot na medyo ikinagulat niya.
"Nar—"
Pilit na ngumiti ang babae saka tumayo. "I'll get inside my room, Oppa. I'll be able to focus more if I study there."
Hindi naman na pinilit ni Anurak ang usapan dahil halatang iwas ang dalaga. Kahit minsan ay hindi pinroblema ni Narae ang tungkol sa bagay na iyon, kaya naman mas lalong nag-alala si Anurak. Is this what I have been scared of? Napabuga na lang ng hangin si Anurak. I hope Narae will get through this.
Akmang babalik na sa pagta-trabaho si Anurak nang tumunog ang telepono niya. Medyo natigilan naman siya bago niya huminga nang malalim saka sinagot ang tawag.
"Mae..."
(Anurak, meụ̄̀xrị khuṇ ca klạb b̂ān?) Anurak, when are you coming home?
Napabuga naman ng hangin si Anurak saka isinandal ang likod sa sofa bago pumikit. "Ǹā ca deụ̄xn h̄n̂ā na, Mæ̀" Probably next month, Mom.
He then heard his mother sigh. (Thảmị khuṇ t̄hụng pĕn? Khrū khuṇ khwr dūlæ ṭhurkic k̄hxng reā.) Why are you even a teacher? You should have taken care of our business.
May maliit na ngiting namuo sa mga labi ni Anurak. "You know the reason why, Mae." Naalala naman niya ang nakaraan.
(She isn't your responsibility, Anurak. And I'm pretty sure that Narae can already handle herself. She's no longer the little kid that wouldn't talk to anybody.) His mother's worried tone was obvious.
Napailing naman siya. "I promised that I'll take care of her, Mae, and I plan to keep my promise."
Medyo matagal silang nanahimik na mag-ina bago muling umimik ang ginang. (She's in her last year, isn't she?)
Napatango naman ang lalake na akala mo ay nakikita ng kausap. "Yep."
(So you'll leave your job after she graduates?) His mother seemed hopeful. Anurak's parents did ask him to take care of their business. They needed an heir, and Anurak was their only child.
Bigla namang naalala ni Anurak ang mga kasamahan niya sa trabaho, ang kakaibang sayang nadarama niya tuwing magtuturo siya o makakakilala siya ng mga bagong estudyante, at ang saya tuwing makikita niyang nakakapagtapos ng pag-aaral at nagiging successful ang mga naging estudyante niya.
Muling umimik ang kanyang ina nang hindi siya sumagot. (Anurak, please tell me that you're not thinking of continuing your career.)
Mahina namang natawa si Anurak. "Let's cross the bridge when we get there, Mae." Malalim na nama siyang napahinga. "But anyways, other than that, do you need anything, Mae?"
(Nothing else, luuk chaai. Dūlæ tạw xeng na.) Take care of yourself.
"Chèn kạn kh̀a, Mae." You too, Mom. "I love you," he sincerely said.
(We love you too, luuk chaai. Gotta go now.)
Tuluyan nang nagpaalam sa isa't isa ang mag-ina saka naman muling umayos ng upo si Anurak at ibinigay ang atensyon sa mga nagkalat na papel para matapos kaagad.
Hindi na namalayan ni Anurak ang oras dahil sa pagkakalunod sa mga kailangang basahin at pirmahan. Napansin niya na lamang na malapit nang mag-alas singko ng hapon nang makita niya si Narae na nasa gilid niya at parang nag-aalangan kung lalapitan ba siya.
Tiningnan naman niya ang dalaga saka ngumiti. "Hey, you need anything?"
Malamlam siyang tiningnan ng pinsan niya na medyo nagpa-alala sa kanya. Mga ilang segundo rin bago ito nagsalita habang may tipid na ngiti sa mga labi. "Nothing. Katatapos ko lang sa assignments and pagre-review ko."
Napangiti naman si Anurak. "That's good to hear. I'll prepare your snack then."
Akmang tatayo na siya nang muling magsalita si Narae. "I can do that, Oppa. Just focus there then I'll prepare you snacks too and help you there."
Lumambot naman ang ekspresyon ng binata. "No need to do that, nóng săao. Just focus on your studies."
Man lumaki naman ang ngiti ng pinsan niya. "I promise you, Oppa. I'll make you three proud of me and then, you can finally live your life the way you wanted it to be."
Ilang beses napakurap si Anurak habang pilit na ipinapasok sa isip ang ibig sabihin ng pinsan niya sa mga sinabi nito. Wait, did she hear me talking to Mom? But even so, she wouldn't hear Mom's words.
Napailing na lang si Anurak saka ibinalik ang atensyon sa hindi matapos-tapos na mga papeles. Mas dumami kasi ang nag-apply para sa membership sa nightclub nila kaya naman mas tambak siya ng gawain. Kaya nga mas kailangan na niyang magbati ang dalawa para nman kahit papaano ay mabawasan ang trabaho niya.
Ilang saglit pa ay bumalik na si Narae sa sala habang may bitbit na tray na may mga pagkain at inumin. Saglit silang nagkwentuhan kaya naman huminto muna si Anurak sa ginagawa. Nang maubos naman ang pagkain ay si Narae pa rin ang nagligpit at bumalik si Anurak sa mga papeles na kumonti naman na.
Nagpaalam na muli si Narae na babalik sa kwarto niya kaya naiwang mag-isa ang lalake sa sala. Saktong katatapos niya lang sa lahat ng papeles na kailangan niyang gawin ngayon nang biglang tumunog ang phone niya.
Pagtingin ni Anurak ay isa iyong notification. An email, to be exact. And to be specific, it was an email from the person who kept occupying his mind and causing his lips to form into a smile.
Napailing na lang si Anurak habang nakangiti pa rin. This sh*t is scary.
BINABASA MO ANG
Aggressive Lover [COMPLETED]
General Fiction~•~•~ LUST DAWN Series 2 ~•~•~ Anurak is a Thai hottie professor at Keīyrtiyṣ̄ International School. He's the campus' favorite teacher, even his co-lecturers adore-desire-him. But aside from being an amazing teacher, he's also one of the four owners...