Prologue
Aifha Yenniz Saavedra
Hindi ako sanay sa buhay sa manila. Lumaki ako sa isla na kung saan doon ako lumaki ,nag aral hanggang sa nagcollege ako. Doon sa isla na yun ,naging masaya ang pamumuhay ko. Nagkaroon ng ilang kaibigan ,laging nakikisalamuha sa mga taong nakikita ko sa isla. Sabi ko sa sarili ko kahit kailanman ,hindi ako pupunta ng manila dahil di ko kayang iwan ang Romblon ,dahil dito na ako nasanay ,namuhay ng payapa. Hanggang sa dumating ang panahon na kailangan kong lisan ang lugar na kinalakihan ko para sa kapakanan ko.
"Aifha you're a 3rd year architect student next enrollmet ,wala ka ba talagang plano mag aral sa manila?"napatigil ako sa pagngunguya ko ng pagkain na tinanong ako ni Mommy kaya napatingin ako sa kanya ,"Beside ,may alam akong university na maganda sa manila kung sakaling gusto mo mag aral sa doon."
Ito na naman kaming dalawa ni Mommy. Simula nung nakatungtong na ako ng college ,palagi niya sa akin binibring up na mas maganda ang oppurtunity na mag aral sa manila. Pilit naman akong tumatanggi dahil bakit ba ako mag aaral ng manila kung maganda naman ang university dito sa Romblon? And beside ,okay na sa akin na nandito mag aral dahil kumpleto naman lahat ng mga kagamitan sa university na pinapasukan ko.
"No mommy ,"tanggi ko ,"I have no plans to go to Manila ,because I have no plans to study there."
Hindi ko kailangan mag aral dun. Sapat na nandito na ako. Atsaka ,hindi ako sanay sa manila kaya mas gugustuhin ko na lang dito dahil payapa ,tahimik ,maaliwalas ang paligid.
Nakita kong natahimik na lang si Mommy dahil sa sinabi ko. Ayokong pinipilit ako kung ayaw ko naman talaga. For me ,ayoko lang pumunta ng manila dahil hindi ko alam kung ano ang pag uugali ng mga tao dun dahil laking probinsiya nga ako diba?
"She's right ,Ciara."Daddy sighed ,"Hayaan mo ang anak natin na magdesisyon kung saan siya mag aaral. Since ,buhay niya yan at nasa tamang edad na siya para gumawa ng desisyon."
Dahil doon sa sinabi ni Daddy ay napangiti ako. Hindi niya pinapakialaman ang nagiging desisyon ko as long as makakabuti yun sa akin. Si Mommy naman iniisip niya kung ano ang makabubuti para sa future ko kaya pinupush niya ako na mag aral sa manila.
Tumango si Mommy at nagpatuloy na ulit kami kumain sa hapag kainan. After our breakfast ,nagpaalam ako kay Daddy na lumabas muna sandali para makapagpahinga. Gusto ko kasi na nasa labas ako dahil ang bahay namin ay nasa harap ng isla. Ang buong isla kasi nito ay pag mamay ari ni Daddy ,marami din mga nagbabakasyon dito pero siyempre ,may sarili kaming bahay dito para sa aming tatlo. Madalas pumupunta si Daddy sa hotel para mamahala dun.
"Aifha!"
Napalingon ako sa likod na may tumawag sa akin at napangiti ako na nakita ko ang matagal ko na kaibigan sa isla. Si Vinz.
"Vinz ,"I smiled to him ,"Buti at nagpakita ka na sa akin!"
He's wearing a white v-neck tshirt with maong short. Nakasuot din siya ng shade niya at may cap pa ang ulo niya. Nilapitan niya ako at nginitian niya ako. Damn! mahigit 2 years ko din siya hindi nakita!
"Masaya ako na nakita ulit kita ,Aifha."he smiled widely.
Napag alaman ko kasi na sa manila na siya nag aaral simula nung nagcollege na siya. Tinanong ko pa nga sa kaniya kung bakit gusto niya mag aral sa manila gayong okay naman dito sa Romblon mag aral at ang sabi niya....may gusto siyang school na pag eenrollan at ang swerte niya dahil nakapasa siya dun. Kaya simula nung umalis na siya ng Romblon hindi ko muli siya nakita at ngayong araw lang kami muli nagkita!
"Me too ,"I replied to him ,"Kumusta ka na? kailan ka pa nandito sa Romblon?"
He sighed hardly ,"Ngayon lang ako nakauwi dito sa Romblon ,naisip kasi ni Mommy na magbakasyon dito at guess what? 3 days kami mag iistay dito sa isla niyo!"bakas sa mukha niya na naexcite siya.
YOU ARE READING
The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)√
RomanceA COLLABORATION SERIES [COMPLETED] Love. Endurance. Sacrifice. This is how Aifha Saavedra feels about her love experience. She never thought that it would come to the point where she had to endure just to strengthen her relationship with Terrence. S...