Chapter 11

29 5 0
                                    

Chapter 11

Buong weekend ay nasa condo lang ako ni Terrence. Nagreview na kasi ako para sa paparating kong exam kaya nagsabi sa akin si Terrence na pwede naman daw ako magreview sa loob ng condo niya dahil di naman niya ako guguluhin. Naging tahimik ang pagrereview ko doon dahil di nga ako ginugulo ni Terrence. Busy din kasi siya sa kanyang laptop kaya sa tingin ko ay nag aaral din siya katulad ko.

Pagkatapos ko nga magreview ay lumabas kami sandali ni Terrence para kumain muna sa labas para hindi puro review daw ang iniisip ko. Masyado na niya ako naiispoiled sa mga pagkain kaya busog na busog na ako nang nakabalik ulit kami sa condo niya.

Nang dumating na nga ang examination day ay nagkaroon pa ako ng goodluck kiss kay Terrence. Nakakagulat pero yon ang nangyari! Di na rin naman ako nagreklamo , dahil sa pisngi lang naman niya ako hinalikan kaya ayos lang sa akin yon.

Nung pumasok na nga ako sa room ko ay nakita ko pa si Erich na parang nagriritwal pa kaya pinansin ko siya pero di naman niya ako pinansin pabalik.

Busy siya nagriritwal baka sakaling makapasa siya ngayon sa exam.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang professor namin kaya bumalik ang mga kaklase ko sa kani-kanilang mga seat. The examination started. And of course nakakangapa dahil kahit nagreview na ako ay dadating talaga sa punto na makakalimutan mo ang nireview mo kapag nasa harapan mo na ang exam.

Ang sakit na agad ng ulo ko kahit wala pa akong sagot.

Stock knowlegde ang aasahan ko baka sakaling makapasa ako!

Nasurvive ko ang first exam ko. At ang masasabi ko lang ay sobrang gumaan ang pakiramdam ko dahil nalagpasan ko kahit papano ang exam ngayon. Mahirap oo ,pero nakayanan at nagkaroon naman ako ng sagot.

After exam ay nagkikita kita kami ni Vinz at kahit siya ay nahirapan sa mga tinake niyang exam. Pero kahit ganon ,nakayanan niya kaya achievement na yon. Kaya nagdecide ang dalawa na kumain kami sa labas kaya pumayag na ako.

Nandito kami sa lomihan malapit sa Dream High at maraming mga estudyante dito ang kumakain kaya nahirapan pa kami maghanap ng mauupuan dahil halos punuan na. But thankfully may isang grupong estudyante ang natapos kaya wala pang segundo ay nakipag unahan na si Erich doon. Parehas kaming napailing ni Vinz dahil sa pagiging childish ni Erich.

"Buti at mabilis ang mata ko kaya nakahanap agad tayo ng pwesto!"pagmamalaki pa ni Erich ,"But anyway ,order na muna ako doon! Mag usap muna kayo dito."

Parehas kami tumango kaya tumayo na si Erich para pumunta sa counter para mag order. Kaya kaming dalawa ni Vinz ang nandito kaya tumingin ako ng mariin sa kanya at nahuli ko na nakatingin pala siya sa akin.

"Bakit?"I asked then he smiled to me.

"Wala naman gusto lang kita i-check kung ayos ka lang ba ngayon?"he said while he's still looking at me.

I nodded quickly ,"Oo naman! Bakit mukha ba akong hindi maayos sa lagay na 'to?"

He shooked his head ,"I think so?"napaisip pa siya at kalaunan ay natawa siya ,"Just kidding ,alam ko naman na maayos ka kahit mukhang stressed ka na."

I chuckled. Di na talaga mawawala ang stressed ko kahit lagyan ko pa ng make up ang mukha ko. Nahahalata pa rin ng ibang tao.

Pero okay lang ,sabi naman ni Terrence maganda pa rin naman ako kahit anong man maging itsura ko.

"But anyway ,ngayon ko lang napansin parang di ka na hinahatid sundo ni Terrence ,"usisa niya saka siya tumingin sa akin ,"Tatanong ko lang kung anong dahilan?"

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)√Where stories live. Discover now