Chapter 7

35 5 0
                                    

Chapter 7

"Nanliligaw ka ba sa lagay mo na yan Terrence?"di ko na napigilan na tanungin s'ya ng harap harapan.

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata n'ya dahil sa mga sinabi ko. Tinaasan ko lang s'ya ng kilay at umaasa na masasagot n'ya ang biglang tanong ko sa kanya.

Di naman n'ya ako bibigyan ng isang rosas kung walang ibig sabihin diba?

"Obvious ba?"he chuckled softly and I nodded my head ,"Magaling ka pala makiramdam."

Nginisian ko lang s'ya. Malakas pakiramdam ko Terrence lalo na't sa mga lalaking gustong umamin ng nararamdan nila.

Well ,di na rin ako nagtaka sa kanya nang inamin n'ya na gusto n'ya ako dahil simula nang makilala ko s'ya iba ang trato n'ya sa akin sa normal na trato ng magkakaibigan.

"Why do you like me Mr. Terrence Allejo?"tanong ko sa kanya at nakipagtitigan ako sa maganda n'yang mga mata.

Gwapo rin naman si Terrence kaya kung sakaling may liligawan man s'yang ibang babae ay sigurado akong mapapasagot din naman n'ya agad yun.

Pero ibahin n'ya ako ,kung sakaling liligawin n'ya ako kailangan n'yang maghintay sa akin hangga't sa maging pwede na ako.

"Kailangan ko ba sabihin sayo bat kita nagustuhan?"tanong n'ya sa akin at tumango ako ,"Well ,di ko alam kung ano ba ang right word para sabihin sayo kung paano kita nagustuhan. But you're so adorable girl Aifha. And of course ,you're so beautiful and smart."

Nang sabihin n'ya yun ay di ko alam bat kusa na naman tumigil ang pagtibok ng puso ko. Pero kahit ganon ,nakatingin pa rin ako kay Terrence.

"Is that so?"I asked carefully.

"Hmm yes ,"he nodded quickly ,"Mali ba ang pagkakasabi ko?"

Umiling ako sa sinabi n'ya. Hindi ko alam bat bigla na lang ako napangiti sa kanya. Napansin ko kasi ang pamumula ng mukha at tainga n'ya habang tinatanong n'ya ako kung maayos ba yung naging sagot n'ya sa tanong ko.

Ang cute.....sarap n'yang ibulsa.

Sa isang buwan na nakilala ko si Terrence di ko naiimagine na magugustuhan n'ya ako. Isa lang ako simpleng babae na nakatira sa probinsyang Romblon. Napunta lang ako sa lugar na 'to dahil kailangan ko mag aral. Kaya nakakagulat na ako ang babaeng nagugustuhan n'ya.

"Yenniz.....can I court you?"bumalik ako sa realidad na marinig ko ang boses n'ya. I bit my lower lip while he's waiting answer his question.

Seryoso ba talaga s'ya? Liligawan n'ya talaga ako?

"Are you serious about this?"I asked.

He nodded. Kaya napakagat ako ng labi. Oh my god! liligawan ako ng isang Terrence Allejo! Kung sakaling papayagan ko s'ya manligaw- limang taon ang agwat n'ya sa edad ko!

Pwede ba yun? Di'ba nakakahiya yun?

"I'm serious Yenniz. Di ako maglalakas loob na pahiyain ang sarili ko sa harap mo kung hindi ako seryoso sayo."sabi n'ya sa akin at naramdaman ko na lang na hinawakan n'ya ang kamay n'ya ,"I'm not the type of guy who makes a girl cry."

As day passed by ay panay hatid sundo na ako ni Terrence. Simula nung pinayagan ko na s'ya manligaw ay ganito na ang ginagawa n'ya. Pero may time talagang di ko na s'ya hinihintay lalo na kapag uwian dahil inaabot ako ng isang oras kakahintay sa kanya na dapat pinagpapahinga ko na yun. Nata-traffic kasi s'ya minsan kaya talagang natatagalan s'ya na ihatid ako.

Di rin nakatakas sa paningin ko ang ibang mga ka-schoolmate ko dahil sa tagal ng pagtitig nila sa lalaking nasa tabi ko. Dahil doon ,nairita ako kaya napatingin ako kay Terrence. Sinamaan ko s'ya ng tingin at sandali s'yang napalingon sa akin at kumunot ang noo n'ya.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)√Where stories live. Discover now