Chapter 30
Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan si Claude sa condo niya. Kagat labi ko habang umaandar ang taxi na sinasakyan ko. Hanggang ngayon hinding hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga sinabi ni Ross kanina.
Hindi ko matanggap ang kanyang sinabi. Hangga't hindi ko nakakausap si Claude—hinding hindi ako maniniwala. Siya lang ang tanging makakapagsabi sa akin ng totoo tungkol kay Terrence.
Wala akong tiwala kay Ross dahil wala namang ginawa ang babae na yon para manira ng relasyon! Kaya hangga't hindi lumalabas sa bibig ni Claude ay hinding hindi ako maniniwala.
Pero paano kung totoo nga ang sinabi ni Ross? matatanggap ko ba?
Nang makarating na ako sa condo na tinutuluyan ni Claude ay hindi na ako nagdalawang isip pa na lumabas na ng taxi. Nagbayad na ako kay Manong bago ako naglakad patungo sa establisyemento ng condominium.
Alam ko ang condo ni Claude kaya hindi na ako mahihirapan pa dahil minsan naisama na ako ni Terrence dito para maipakilala niya ako sa nag iisa niyang kaibigan.
Pumasok na ako sa elevator. Pagkarating ko sa floor kung saan ang condo ni Claude ay agad na akong lumabas para doon. Tumungo na ako sa condo unit niya nang makarating ako ay hindi na ako nagdalawang isip pa na pindutin ang ring bell.
Hindi ako nahirapan dahil agad din naman binuksan ni Claude doon. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata na makita niya ako. Nakasuot lang siya ng pambahay habang may hawak na tuwalya na pinupunas niya sa kanyang ulo— mukhang kakaligo lang.
"A-ano ang ginagawa mo dito Aifha?"yun ang bumungad na tanong niya sa akin.
"Nasaan si Terrence?"I asked ,controlled my anger ,"Kailangan kong makausap ang kaibigan mo."
Napakurap ang kanyang mata dahil sa aking sinabi niya. Umuwang ang labi niya na hindi alam ang sasabihin.
"Aifha—"
"Huwag ka nang gumawa pa ng dahilan pa Claude dahil alam ko na ang totoo!"I cracked my voice ,"Just tell me the truth about where Terrence is because I need to talk to him!"
Please Claude ,ibigay mo na sa akin 'to!
Nakita ko ang pagdadalawang isip niya dahil napansin ko ang pagkagat ng kanyang labi. He sighed heavily before speak.
"Tara pumasok ka. Nasa loob siya ng opisina ko dito."sabi niya saka ako tumango. Pumasok ako sa loob ng kanyang condo at iginiya niya ako sa office na tinutukoy niya.
Nang nasa harapan na kami ng office niya at tumigil kaming dalawa. Bahagya niyang hinawakan ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.
"I'm sorry Aifha ,"he apologetically looked ,",Mas mabuti na mag usap kayo ng masinsinan ng kaibigan. Kailangan mo rin malaman ang katotohanan. I'm sorry."
Parang bumara ang paghinga ko dahil sa sinabi ni Claude sa akin. Kaya ko bang harapin si Terrence?
Umalis na sa harapan ko si Claude kaya hindi ko alam kung saan siya pupunta. Binigyan niya ako ng pagkakataon na makausap ng masinsinan si Terrence.
Tumingin ako sa harapan ko at hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa office room. Pagbukas ko ng pintuan ay napasinghap ako na makita ko ang pigura ni Terrence na nakaupo sa swivel chair habang tulala na nakatingin. May hawak siya na baso na naglalaman ng alak.
Damn ,for almost 1 month ,ngayon ko lang ulit siya nakita!
Dahan dahan kong isinarado ang pintuan kaya doon lang napansin ni Terrence ang aking pagpasok. Nakita ko ang pagkurap ng mata niya na hindi inaasahan na makita niya ako.
YOU ARE READING
The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)√
RomanceA COLLABORATION SERIES [COMPLETED] Love. Endurance. Sacrifice. This is how Aifha Saavedra feels about her love experience. She never thought that it would come to the point where she had to endure just to strengthen her relationship with Terrence. S...