Chapter 41

8 3 0
                                    

Chapter 41

"Bumalik ka ng Maynila! Asahan kita!"

Bumuntong hininga ako habang pinapakinggan ko ang sinasabi ni Erich. Siya ang unang taong dahilan kung bakit ako nagising sa pagkakatulog at ito ang ibubungad niya sa akin.

Ang bumalik ng Maynila!

"Bakit ba gustong gusto mo akong bumalik ng Maynila?"tanong ko habang nagsisimula na akong bumangon sa aking higaan.

"Hindi ka naman nakikinig sa sinasabi ko kanina eh!"naiinis na sabi niya kaya hindi ko mapigilan na matawa ,"Inaantok ka pa ba?"

"Sort of ,"I shrugged my shoulder.

"Ang sabi ko ,sa susunod na linggo ang opening ng restaurant naming dalawa ni Claude!"pag uulit niya pa kaya hinayaan ko muna siya sa pagsasalita ,"Iniimbitahan kita para sa importanteng araw na yon! Dahil finally ,nakapagtayo na kami ng sariling restaurant."

"Ahh okay ,gets ko na..."nasabi ko na lang sa aking bibig.

Sinabi kasi sa akin ni Erich na nagresign na siya sa trabaho dahil gusto na niya makapagpatayo ng restaurant. May sariling ipon naman siya kaya yun ang ginamit niya. Tumulong sa kanya si Claude kaya hindi siya nahirapan dahil tinutulungan at sinusuportahan siya ni Claude.

"Asahan kita! Wag na wag mo akong bibiguin ,"pagbabanta niya ,"Dahil kung hindi ,yari ka talaga sa akin!"

Natawa na lang ako bago niya ako babaan ng tawag. Inilagay ko na sa bulsa ko ang phone ko bago dumiretso sa kusina para makapagluto na ng agahan.

Tumingin ako sa orasan at nakita kong mag aalas otso na. Tamang tama lang pala ang pambubulabog sa akin ngayon ni Erich sa akin.

Naghanda nga ako ng agahan at nakapagluto na. Kaunti lang naman niluto ko dahil ako lang naman ang mag isa.

Madalas ,hindi na ako nagpapahanda nang kakainin ko kay Chelsea dahil dagdag lang yon sa trabaho niya. Kaya ako kapag nagugutom ay umuuwi ako sa bahay para makapagluto na kakainin ko.

Nang matapos na ako makapagluto ay inilagay ko ang pagkain sa lapag ng lamesa. Bago kumain ,hinugasan ko muna yung mga ginamit sa pagluluto bago ako bumalik sa dining room para makakain na.

Hindi rin naman ako nagtagal ay nakatapos na ako. Dumiretso na agad ako sa banyo para makaligo. Nasa bath ako at habang na doon ako ay hawak ko ang cellphone ko dahil kausap ko ngayon si Vinz at kinukumusta niya ako.

Sa mahigit na limang buwan ,napagdesisyonan ko na sagutin na siya. Hindi naman mahirap mahalin si Vinz dahil talagang ka mahal mahal siya. Wala naman naging sagabal sa pagsisimula nang relasyon namin kaya nagtuloy tuloy pa yon.

Madalas call at text lang nagagawa namin dahil hindi maisingit makapunta dito sa Romblon dahil sa mga business trip na napupuntahan niya. Naiintindihan ko naman siya kaya kuntento na ako kung ito lang ang naibibigay niya sa akin ngayon.

Pero last month ,pumunta siya ng Romblon at tumagal din siya ng dalawang linggo kaya sinulit na namin yung bonding habang nandito siya.

Inilapag ko na ang cellphone ko sa gilid at nagsimula na rin ako maligo. Pagkatapos kong maligo ,nagbihis na ako ng masusuot ko habang may tuwalya na nakabalumbon sa ulo ko.

Hindi ko na rin tinagalan ang pag aayos ko dahil masyadong late na ako sa trabaho ko. May need pa akong asikasuhin at kailangan magawan ko na siya agad ng paraan.

Bumati ako sa mga staff na busy masyado sa ginagawa. Simple lang nila ako tinatanguan at bumabalik sila sa dating gawi. Pagpasok ko ng opisina ,agad ako dumiretso para makapagsimula na ako ng trabaho.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)√Where stories live. Discover now