Chapter 45
"Good morning ,"pagbangon ko pinatakan ako ng halik ni Terrence sa pisngi.
Kagigising ko lang at mukhang kanina pa ako inaabangan ni Terrence na magising. Nakatayo siya sa harapan ko at nakasuot na siya ng puting t-shirt. May ngiti sa kanyang labi habang titig na titig.
"G-good morning..."nagawa ko pang mautal kaya bahagya siyang natawa.
"Tara ,magbreakfast na tayo. May hinanda na akong agahan ngayon..."he said then I nodded.
Nauna na siyang lumabas ng kwarto habang ako ay nasa higaan pa rin. Umiiling iling ako. Hanggang ngayon ,hindi pa rin ako makapaniwala na maayos na kami at nagkabalikan na.
Akala ko panaginip lang ang lahat. Akala ko hindi totoo. Parang ayaw ko pa maniwala na totoo nga lahat 'to.
Napangiti ako at paunti unti na akong natatauhan na hindi nga ito panaginip. Mabagal kong tinanggal ang kumot na nakabalot sa katawan at mabuti na lang ay may suot ako.
Nakasuot ako ng short at malaking puting t-shirt na mukhang damit pa ni Terrence. Mga madaling araw na rin kasi kami natapos at hindi niya ako tinantanan kung hindi ko pa sinabi na pagod na ako ay hindi talaga siya titigil.
Bumangon ako at dahan dahan lang ako naglalakad dahil masakit pa rin ang gitnang parte ko. Mabuti na nga lang at nakakalakad pa ako sa lagay na 'to.
Tapos ,wala naman siyang konsiderasyon sa akin? Iniwan ba naman ako doon!
Paglabas ko ay nakita ko na nga si Terrence sa dining area na may inasikaso doon at mukhang katatapos lang niya magluto. Nang mapansin niya ako ay ngumiti siya ,dahil hirap nga ako maglakad ay lumapit si Terrence sa akin para alalayan ako.
Mabuti na lang ay napansin niyang nahihirapan ako dahil ang sakit talaga. Pinaupo niya ako at hindi na niya ako pinagalaw ,siya na mismo ang nagsandok ng kanin para sa akin.
Usual breakfast lang naman ang niluto niya na madalas kong kainin. May hotdog ,itlog ,omelette and bacon. Pinagmasdan ko lang siya at hindi nakatakas ang ngiti sa labi ko.
"You're staring too much ,huh ,"sabi niya habang nilapag na niya yung pinggan na pinaglagyan na niya ng kanina.
"I just can't believe you're cooking for me again ,"I bit my lower lip ,supressed my smile.
He smiled ,"Do you miss me cooking for you....or do you miss me?"
Natigilan ako sa tanong niya. Nag isip saka tumingin ulit sa kanya.
"Pwede both?"I asked then giggled.
"Of course. Siyempre ako na 'to."sabi niya saka siya umupo sa harapan ko.
Sa paraan ng tingin niya ,alam kong nilalandi niya ako. Umagang umaga ,nilalandi na agad niya ako.
"Hindi ko talaga inaasahan na nandito ka na sa tabi ko...."he shooked his head with a smile on his face ,"Parang kumulay na ulit ang mundo ko."
I raised my brow ,"Bakit ,hindi ba kumulay ang mundo mo nung na kay Ross ka?"
Tanong ko lang pero sa mukha niya parang nangingiwi na ewan siya. Natawa na lang ako.
"Hell no ,mas lalo ngang dumilim mundo ko sa kanya ,"sabi niya kaya natawa ako.
"Sus ,akala mo naman hindi mo minahal yon noon..."
Kung makapagsabi siya diyan ,eh college sweetheart niya yon. Kwento pa nga sa akin ni Claude ,masyadong patay na patay si Terrence kay Ross. Tapos ngayon kung makapagsabi sa harapan ko parang hindi niya minahal yung tao.
YOU ARE READING
The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)√
RomanceA COLLABORATION SERIES [COMPLETED] Love. Endurance. Sacrifice. This is how Aifha Saavedra feels about her love experience. She never thought that it would come to the point where she had to endure just to strengthen her relationship with Terrence. S...