Chapter 28
Tita Rhea discharged to the hospital. Sinabi sa akin ni Terrence kaya nagpaalam siya sa akin na ilang araw muna siya mananatili sa mansyon nila. Pinayagan ko na rin dahil mas kailangan siya ni Tita Rhea doon.
Kaya ako na naman ang mag isa dito sa condo at hindi ko alam kung ano ba ang pwede kong gawin. Mahirap din pala maging tambay pagkatapos kong grumaduate. Sa araw araw na ginawa ng diyos ,palagi nasa condo ako. Palagi nakakulong at walang balak man lang lumabas.
Kaya nang bumisita si Vinz sa akin ay di ko napigilan na magtanong sa kanya kung meron ba silang hiring sa restaurant na Daddy niya.
"Bakit gusto mo magtrabaho sa restaurant ni Daddy?"Vinz asked with a curiousity eyes ,"Buryong buryo ka na sa bahay?"
Napasimangot ako dahil nagawa pa niya akong tawanan. Malay ko bang hirap pala walang ginagawa!
"Well ,meron pa naman hiring sa restaurant Aifha pero pwede ka naman umuwi sa Romblon para i managed yung resort bakit pinapahirapan mo pa sarili mo?"
"Hindi nga ako pwede umalis ng maynila lalo na't masyadong komplikado ang relasyon namin ni Terrence ,"pagdadahilan ko na dahilan ng pagkatahimik niya ,"Isang taon ako binigyan ni Tita Lilian na manatili sa Manila."
"I understand Aifha ,"tumango siya na parang naiintindihan niya ako ,"Sasabihin ko kay Dad tungkol sa gusto magtrabaho pansamantala."
I smiled ,"Thank you Vinz. Maaasahan ka talagang kaibigan."
Ngumiti lang siya ng tipid pero hindi umabot sa kanyang mata.
"Para sayo Aifha."he smiled again.
NANG umuwi galing si Terrence ay agad ko siya sinalubong. Kita ko sa mga mata niya ang pagod pero kahit ganon ngumiti pa rin siya sa akin. Hindi ko rin inaasahan na uuwi siya dahil akala ko sa susunod pang araw niya ako mabibisita.
Abala si Terrence sa ospital dahil madami siyang ginagawa doon at minsan pa ay doon na siya natutulog kapag hindi na niya makayanan umuwi pa.
"Mag aapply ako trabaho sa restaurant ni Tito Efren yung Daddy ni Vinz ,"I said while sitting his lap. I clung his neck as I told him my decision ,"Medyo nabobored na ako dito kaya napag isip ko na magtrabaho muna pansamantala."
"Is that all?"tamad na sabi niya kaya tumango ako ,"Okay. I support your decision Aifha. Kung doon ka mas sumasaya."
Napangiti ako dahil doon. Palaging nakasuporta si Terrence sa lahat ng desisyon ko kaya nakakatuwang hindi niya ako pinaghihigpitan sa mga gusto ko mangyari. Bagkus hinahayaan niya ako sa kung ano man ang makakabuti sa akin.
Rinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga habang nakatitig sa akin. Pansin ko rin ang paglamlam ng kanyang mata kaya nakakasiguro ako na antok na antok na siya.
"Gusto mo na ba matulog love?"I asked ,"Pasensya na kung kinuwentuhan pa kita."tatayo na sana ako para makapagpahinga na siya nang biglang mapaupo ako sa kandungan niya at naramdaman ko ang paghigpit niya sa aking bewang.
"Just stay here..."he said husky.
Ngumiti ako ng tipid sa kanya. Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin kaya mas lalo akong kumapit sa batok niya. Naramdaman ko rin na hinahalik halikan niya ang leeg ko kaya napakagat na lang ako ng labi.
"I just miss you baby....."he chuckled ,"Just stay here. I love you."
Tumibok ng mabilis ang puso ko kaya mas lalo kinagat ko pa ang labi ko. Nakayakap pa rin si Terrence sa akin kaya hindi ko alam kung natutulog na ba siya.
"Lipat na tayo sa kama para makapagpahinga ka na."suhestiyon ko sa kanya. Nararamdaman ko ang init ng hininga niya sa leeg ko.
"Okay. Mabuti pa nga."
YOU ARE READING
The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)√
RomanceA COLLABORATION SERIES [COMPLETED] Love. Endurance. Sacrifice. This is how Aifha Saavedra feels about her love experience. She never thought that it would come to the point where she had to endure just to strengthen her relationship with Terrence. S...