Chapter 29

8 4 0
                                    

Chapter 29

My life is not easy for the past month. Buong oras ko ginugol ko sa pansamantalang trabaho ko sa restaurant bilang isang waitress. Dumating sa point na pumunta pa si Tita Lilian sa maynila dahil sa nabalitaan tungkol sa pinagagawa ko. Sinermonan pa ako patungkol sa pagtatrabaho ko dito dahil hindi ako nababagay sa ganung trabaho dahil meron naman akong naiwang trabaho sa Romblon na dapat yun ang inaatupag kaysa dito ako nagtitiis.

Ang sabi ko na lang sa kanya na gusto kong magsimula sa mababa bago ko pamahalaan ang resort namin doon sa Romblon. Wala naman siyang nagawa doon sa pangangatwiran  ko dahil totoo naman at mabuting paraan yon. Ayokong bumalik doon sa Romblon na walang nalalaman—magmumukha lang akong tanga doon.

At sa mga buwan na nagtatrabaho din ako ay malimit ko na rin makasama si Terrence dahil abala siya sa ospital kaya hindi ko na talaga nakakasama siya ng matagal. Kung makakasama ko naman —sandali lang dahil palaging tumatawag ang Mommy niya tungkol sa kanila ni Ross na wala naman akong magawa.

Palagi pa naman tumatawag at nagtetext sa akin si Terrence kapag may oras na siya kahit hindi kami gaano nagkikita. Kuntento na ako sa bagay na yon dahil yun lang ang kaya niyang maibigay sa akin. Hindi ako pwedeng magreklamo sa kanya na bigyan niya ako ng buong oras para sa akin dahil napaka selfish ko naman kung gagawin ko yon diba? Beside ,nag aaral pa rin siya hanggang ngayon kaya kahit gusto na niyang kumalas sa pagpapanggap nila ni Ross ay hindi niya magawa dahil si Tita Rhea ang nagbabayad ng mga bayarin niya sa pag aaral niya.

Minsan pa nga palagi ko silang nagkikitang dalawa na magkasama sa public places at tinatago ko na lang yung sakit na nararamdaman ko dahil kahit gusto kong angkinin si Terrence— wala akong kakayahan para gawin yon dahil una sa lahat mas angat ang pamumuhay ni Ross kaysa sa akin.

Ano ba naman ako diba? isang babaeng naligaw lang sa maynila para makapagtapos lang ng pag aaral na hanggang ngayon wala pa ring nararating.

And Ross? she's a business woman ,CEO of the company ,heiress. Kaya wala akong panama sa babaeng yon kahit gusto ko na tigilan na niya si Terrence. Mas mayaman siya ,mas makapangyarihan ,hindi tulad ko na nangangapa pa sa mga gusto ko sa buhay.

"Huy ,ang lalim naman ng iniisip mo!"natauhan ako na biglang magsalita si Erich sa akin kaya napalingon ako.

She's wearing a formal office attire while her eyebrow almost meet. Nandito kami ngayon sa coffee shop kung saan kami palagi nagkakape noong college pa kami. Nakipagkita si Erich sa akin ngayon dahil namiss niya ako ng sobra dahil ilang buwan din kami nagkita dahil naging abala siya masyado sa trabaho niya kaya hindi na niya magawa akong kumustuhin.

"Naisip ko lang si Terrence. Dalawang linggo na siya hindi nagpaparamdam sa akin at kinakabahan ako kung ano na nangyayari doon..."panimula ko habang binabasa ko ang labi ko.

Dalawang linggo na ako naghihintay ng text or tawag niya pero wala akong napapala. Kinakabahan na ako dahil baka kung ano ang mangyari doon! Lalo na't text at tawag lang ang source of communication namin.

"Tinawagan mo na ba?"she asked.

I nodded ,"Oo and until now wala pa rin akong natatanggap na update sa kanya."

"Wag ka nga diyang kabahan! Relax mo lang sarili mo okay? Baka busy lang sa ospital si Terrence ngayon kaya di niya magawa mag update sayo."kalmadong sabi niya.

Tumango na lang ako sa kanya kahit hanggang ngayon di pa rin mawala ang kaba na nararamdaman ko. Nasaan ka na ba kasi Terrence?

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)√Where stories live. Discover now