Chapter 44

10 3 0
                                    

Chapter 44

Kabadong kabado ako. Habang tinitignan ko na kumakain si Vinz sa harapan ko ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba.

Naisipan akong dalhin ni Vinz sa isang mamahaling restaurant na ngayon ko lang din napuntahan. Siya mismo ang sasagot sa kakainin kaya kung ano ang kakainin ko at sagot na niya.

Hindi ko pa natatapos ang kinakain ko ay panay buntong hininga ako dahil hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang sasabihin ko para mamaya.

"Ayos ka lang?"natauhan ako nang magsalita siya. May nginunguya siya sa bibig niya habang nakatitig sa akin.

Pilit akong ngumiti ,"Ayos lang ako."

Tipid siyang ngumiti at nagpatuloy na sa kinakain. Napagdesisyonan ko na rin na galawin ang pagkain ko para makatapos na.  Malapit na kasi siya matapos sa kinakain niya.

"May sasabihin ka pala ngayon sa akin ,right?"tanong niya nang katatapos lang naming kumain.

"Yuh ,"I answered ,"Pero gusto ko sana sa isang tahimik na lugar. Yung tayong dalawa lang."

Kumurap ang mata niya at bahagyang nagkasalubong ang kanyang kilay. Pero kalaunan ay tumango rin siya.

Ilang minuto rin kami nanatili sa restaurant bago na naming napagdesisyonang lisanin yon. Dahil gusto ko ngang mag usap kami sa tanimik na lugar , naghanap si Vinz na lugar na pwede kami mag usap.

Thankfully ,meron siyang nakita kaya doon kami pumunta. Malapit rin naman 'to sa restaurant na kinainan namin kaya hindi naman nahirapan sa pagdrive si Vinz. Nasa park kami at wala na ngang gaanong tao dito dahil past 10PM na rin.

Umupo kami sa bench at nagkatinginan kaming pareho. Sa oras na 'to ,mas lalong naging kabado ako dahil ngayong oras na yung pinakahihintay ko.

Pinakahihintay ko na posible siyang masaktan.

"Vinz..."

"Hmm?"he responded.

He was staring at me. From what I can see on his face, his nervousness is obvious. Even though I haven't started speaking yet, I can already see his emotions.

"Alam kong nagtataka ka kung bakit gusto kong makipagkita sayo.."pagsisimula ko ,"Hinihintay ko talaga na maging free ang schedule mo para makapag usap tayo ng maayos."

Hindi siya kumikibo kaya patuloy akong nagsasalita.

"Alam mo kasi...maraming gumugulo sa isipan ko ,"sabi ko sa kanya habang hindi ko iniiwas ang tingin ko sa kanya ,"Sa sobrang gulo ,hindi ako makapag isip ng maayos. Hindi ko alam kung may tama ba akong desisyon na sinunod ko."

I closed my eyes a little. Alam kong marami akong desisyon na hindi ko pinag isipan. Padalos dalos kaya ito ako ngayon ,hirap na hirap kung ano ba ang dapat na gawin ko.

"Vinz ,"I called him again ,his attention attention is focused on me. I can see fear in his eyes about what I might say now ,"Magagawa mo ba akong patawarin kung sabihin kong bibitawan na kita?"

Sa pagsabi ko ,nakita ko ang pagbago ng emosyon sa mukha niya. Tatlong beses siyang kumurap na parang hindi siya makapaniwalang yun agad ang sasabihin ko.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)√Where stories live. Discover now