Chapter 5

49 6 0
                                    

Chapter 5

"You're here ,Terrence!"I smiled bitterly. Mariin akong napatingin kay Vinz na may nagtatakang napatingin siya kay Terrence ,"Uh..Vinz ,si Terrence. Neighbor ko."

Tumingin sa akin si Vinz at kumunot ang noo niya ,"Neighbor?"

"Oo ,"tumango ako ,"Kapitbahay ko siya sa condo ko. Siya din madalas ang kasama ko pauwi."

"What?"his eyes furrowed. Tumingin siya kay Terrence at seryoso niya lang tinititigan.

Tinignan ko si Terrence na seryoso din siya nakatingin at nananatili pa rin nakataas ang kilay. I bit my lower lip ,bakit nakakaramdam ako ng kaba?

"Why? may problema ka ba kung kasabay ko umuwi si Aifha?"Terrence said seriously.

"Nothing ,"agad na sagot ni Vinz ,"Ngayon lang kita nakilala. Kaya nagulat lang ako na may kaibigan na palang lalaki si Aifha dito sa manila bukod sa akin."

I sighed heavily. Di ko pa pala nasasabi kay Vinz na may kapitbahay ako sa condo ko na ka close ko na. Well ,kasalanan ko rin kaya ganun na lang siya kung tumingin kay Terrence.

Natauhan na lang ako na bigla hinawakan ni Terrence ang pala-pulsuhan ko ,"Halika na Aifha ,sumabay ka na sa akin pauwi para makapagpahinga ka na."binigyan niya ako ng matamis na ngiti kaya umuwang ang labi ko.

Tipid akong tumango sa kanya. Napalingon ako kay Vinz na nakatingin pala sa akin kaya nginitian ko siya ng mariin.

"Sa kanya na lang ako sasabay Vinz ,since parehas lang naman kami ng building na uuwian."sabi ko sa kanya.

"What-"

"Sige na ,mukhang naghihintay na si Erich dun ,"ngumuso ako sa kotseng nakaparada dun ,"Pakisabi na lang sa kanya na di na ako makakasabay sa inyo. Drive safely ,Vinz."

Nginitian ko pa siya bago ako sumama kay Terrence. Pinagbuksan pa niya ako sa kotse kaya agad na rin ako sumakay.

Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang kami at walang may balak magsalita sa aming dalawa. Pasimple ko siyang tinitignan at nakikita ko sa mukha niya ang pagiging seryoso niya at ang mga mata niya at nakafocus lang sa daan.

"K-kumusta pala a-araw mo?"kinagat ko ang labi ko dahil di ko na napigilan na magsalita sa loob ng kotse niya.

Pa'no ba naman kasi ,kanina pa niya ako hindi pinagkakausap na parang may ginawa akong hindi niya nagustuhan!

"Fine ,"he said coldly then I secretly rolled my eyes. Ang tipid niyang magsalita huh! ,"Who is he? bakit sabay kayo lumabas? sino siya?"

Si Vinz ba ang problema niya kaya ganito na lang siya kung umakto sa akin?

"He's my childhood friend from Romblon ,"sagot ko sa kanya at naramdaman kong bumagal ang pagmamaneho niya saka siya tumingin sa akin ,"Si Vinz ,siya ang madalas kong kasama sa school kapag breaktime ,minsan kapag di mo naisisingit na magsabay tayo umuwi-siya na ang naghahatid sa akin pauwi."

Nakita ko ang bigla niyang pananahimik at di na siya muli tumingin sa akin. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.

"Kaya ba di mo ako pinapansin dahil lang kay Vinz?"tanong ko sa kanya pero di niya ako sinagot. Ngumisi ako ng mariin ,"Nagseselos ka ba dahil nakita mo kaming magkasamang lumabas ng gate?"

Tinigil niya ang sasakyan sa gilid saka niya ko tinignan. Kumunot ang noo niya dahil siguro sa sinabi ko ,"Fuck? bakit naman ako magseselos don? Mas gwapo naman ako don!"

Natawa na lang ako sa reaksyon niya dahil sa sinabi ko. Halatang nagseselos nga!

"It's not funny ,"masungit na sabi niya kaya lalong humagikhik ako sa loob ng kotse niya.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)√Where stories live. Discover now