Chapter 15

22 5 0
                                    

The two weeks vacation in Romblon is ended. Pero kahit maiksing panahon lang yon ay sinulit ko ang pansamantalang pananatili ko sa Diva Resort. Doon ako nagcelebrate ng pasko at bagong taon kaya masasabi kong naging masaya naman dahil nakasama ko si Tita Lilian.

Nang makauwi na ako ng Manila ay inaasahan kong si Terrence ang susundo sa akin sa airport kaya ngumiti at niyakap ko siya ng sobrang higpit. Sobrang miss na miss ko na siya dahil mahigit dalawang linggo kami hindi nagkikita at puro text at tawag lang ang nagagawa namin.

And finally nandito na siya at kasama ko pa ngayon!

"Miss na miss kita..."nangingiting sabi ko sa kanya. Di ko pa rin pinuputol ang yakapan namin ,"Ako ba namimiss mo?"

He smiled to me and kissed my forehead ,"I really really miss you."

Lumawak ang ngiti ko. Mahirap din sa akin na mahigit dalawang linggo kaming nagkalayo dahil ever since na nakilala ko siya ay palagi akong nasasanay sa presensya niya. Although busy naman talaga siya sa buhay niya dahil nag aaral nga pero nagagawa ko naman siya bisitahin sa condo niya kung gugustuhin ko. Pero iba kasi nung pumunta ako ng Romblon talagang nagkalayo kami at siya naman ay wala sa pilipinas.

"I think kailangan na natin umalis dito ,"umalis siya sa pagkakayakap sa akin pero ang mga mata niya ay nakatitig pa rin ,"Nagluto ako ng favorite filipino food mo sa condo ko kaya kailangan na natin umuwi agad para matikman mo ulit yung favorite mo."

My eyes widened. Really? pinaglutuan niya ako?

"Tamang tama nagugutom na rin ako!"I giggled ,"Di ko tatanggihan ang niluto mo! You know ,mas ginaganahan ako kapag ikaw ang nagluluto!"

He smiled again. He took my duffelbag so all I did was hold on to his arms as we left to the airport. Nakasakay na kaming dalawa sa kotse niya kaya sinimulan na niya paandarin yon para makarating agad kami sa kanyang condo.

Nang makarating na nga kaming dalawa sa condo niya ay nakita ko nga ang dalawang filipino dish na hinanda niya para sa akin. Naamoy ko pa lang ay takam na takam na ako. Nauna na akong pumwesto sa hapag kainan dahil si Terrence ay nilagay niya muna ang mga gamit ko sa sofa niya.

"Faster na! nagugutom na ako!"pagmamadali ko sa kanya habang nakatingin ako sa hinanda niyang mga pagkain.

"Wait!"sigaw niya kaya kagat labi ako habang hinihintay siya.

Nang tumungo na nga siya sa dining area ay siya na ang nagsandok ng kanin ko kaya ngiting ngiti ako habang pinagmamasdan siya kung paano niya ako pagsilbihan. Husband material si Terrence talaga kaya ang swerte ko naman kung sakali siya yung makakatuluyan ko talaga dahil may alam siya sa ano mang gawaing bahay.

Although ,may alam ako sa mga gawaing bahay pero mas maganda kasi kapag yung lalaking may alam talaga sa gawaing bahay. Sa kasalukuyang panahon ,madalang ka na lang makakakita ng ganung klaseng lalaki na may alam sa mga gawain bahay. Madalas kasi babae ang gumagawa ng kahit anong gawaing bahay at ang mga lalaki hindi mo maasahan lalo na kung laki ito sa marangyang buhay.

Kaya kapag nakikita ko si Terrence na ganito ay naiisip ko na kahit isa siyang mayaman ay kahit papano naturuan siya ng mga gawain bahay. Siguro nasa tao lang yon kung gustong matutunan ang ibang bagay.

"Baka matunaw ako sa mga titig mo ,"natauhan na lang ako na biglang magsalita si Terrence sa harapan ko kaya natawa na lang ako mg mahina ,"Kumain ka na."

I nodded my head. Pagkatapos niya akong pagsandukan ay yung sarili naman niya ang pinagsilbihan. Nang matapos ay dumiretso na siya sa pwesto kung saan magkatapat kami. Nagsimula na akong kumain at nagbigay ako ng feedback sa niluto niya. Masarap siya magluto at di nakakagulat yon dahil ilang beses na niya ako pinaglutuan na di naman ako binigo.

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)√Where stories live. Discover now