Chapter 39

13 5 0
                                    

Chapter 39

"I heard from Erich that Terrence came here before. For what reason?"napatigil ako sa kakahigop ng kape na biglang magsalita si Vinz sa harapan ko.

Nandito kami ngayon ni Vinz sa restaurant ng Diva Resort para mag agahan. Pagkagising ko ,nakita ko na siya sa loob ng bahay ko para ayain niya ako magbreakfast ,kaya no choice para sumama sa kanya. Nasa bakasyon na rin naman siya kaya sinasamahan ko siya sa kung anong gusto niyang gawin dito.

Marahan kong inilapag ang kape na iniinom ko. Nakita na mariin tumitig si Vinz sa akin na animo'y naghihintay siya ng sagot.

I swallowed hard. Bakit parang napakadaldal ngayon ni Erich?

"Naging VIP customer lang siya dito sa Diva Resort ,*kalmadong sabi ko habang diretso ang tingin ko ,"Tsaka ,hindi naman siya mag isa na pumunta dito. May kasama siya."

Curious ako kung may nasasagap bang balita si Vinz tungkol sa pamilya ni Terrence o kay Ross!

"With whom?"

Right ,parang wala nga siyang ideya about sa kanila.

"Ross ,"maayos na sagot ko at nakita ko ang pagkagulat sa mata niya ,"Nagbakasyon sila ng dalawang linggo dito. Napag usapan nila na dito nila balak gawin yung beach wedding nila kaya napatagal sila ng pananatili dito."

Since ,alam na niya na pumunta dito sa Terrence ,hindi ko na dapat itatago . Deserve naman niyang malaman yon.

"At ayos lang yon sayo?"he asked ,concerning.

My eyebrow furrowed ,"Why won't it be okay?"

Hindi siya nakapagsalita doon. He knows that I once loved Terrence before. I'm Terrence's ex girlfriend , and he was worried about me because out of all the possible places they wanted, they chose Diva Resort.

I smiled ,"Kung dito nila gawin ang beach wedding nila ,ayos lang sa akin. Wala namang problema sa akin kung dito nila gusto."

Nagpapaka professional ako sa trabaho at wala akong dapat ireklamo doon. Kahit ayoko sila dito ,syempre tinanggap ko pa rin sila dahil nasa larangan ako ng trabaho na kung saan kailangan kong magpaka professional kahit anong mangyari.

"Hindi ko lang inaasahan na dito nila napili ,"he bit his lips ,"Though ,nabalitaan ko na before na beach wedding ang gusto nila para sa kasal kaya hindi ko inaasahan na sa Diva Resort pa ang napili nila."

I shrugged ,"No choice ,"I chuckled softly ,"Wag mo nang isipin yon! Sa tingin ko naman ,hindi na sila babalik dito. Mukhang busy yon sa preparasyon nang magiging flow ng kasal nila. Sasabihin naman sa akin ni Chelsea kung kailan sila babalik."

Pinapadaan ko na kay Chelsea yung mga tawag na galing sa akin. Marami rin akong ginagawa kaya hindi ko na nasasagot kapag may mga tumatawag sa akin.

"Until now ,do you love him?"napakurap ang mata ko nang biglang itanong niya akin. Ilang segundo rin ako hindi nakasagot. It seems...he's waiting my answer.

I looked at him in his eyes and noticed that he was afraid that I would answer his question. Maybe I was afraid of what he would hear from me.

"Will I allow you to court me if I still love him?"I asked smoothly. He gulped at the way I answered.

Though ,hindi ko pa masasabi na mas matimbang si Vinz ngayon dahil hanggang ngayon ginagawa ko pa rin best ko para matutunan na mahalin siya. Ayoko na makulong sa nakaraan dahil malabo na rin naman kami bumalik sa dati.

Mas lamang ang galit ko sa kanya kaysa sa pagmamahal ko.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya doon ,"Malapit nang ikasal yon at malabo pang magkaayos kaming dalawa."

 The Thousand Of Ways (Reclamation Series #2)√Where stories live. Discover now